"PASA!" sigaw ni Arvin matapos niyang makatakbo nang mabilis papunta sa side nila. Na-steal kasi ng kakampi niya ang bola mula sa kalaban kaya kumaripas agad siya ng takbo para sa isang fast break.
"Heto!" Sabay bato ng bola kay Arvin.
Napangiti si Arvin. Mabilis din namang nakahabol ang bumabantay sa binata. Isang one-on-one na laban ang kinalabasan sa kabilang court. Mabilis na pinatalbog pa-kaliwa ni Arvin bola. Isinabay niya ang katawan niya kaya sumabay ang kanyang kalaban kaso...
"H-hindi..." bulalas ng bumabantay kay Arvin.
Isang mala-kidlat na galaw ang ginawa ni Arvin. Isang mabilis na pag-iba ng direksyon ang ginawa niya. Mabilis niyang pinadaan sa likuran niya ang bola. Pinatalbog niya iyon papunta sa kanan. Nakasunod agad siya. Naiwanan ang kalaban. Buong lakas agad siyang tumalon palapit sa basket at marahan niyang inilagay sa butas ang bola.
Tagumpay ang behind the back cross over at pumasok ang lay-up ni Arvin. Tinalo nila ang kalaban sa iskor na 21-15. Panalo sila ng tig-iisang ice water kaya masayang-masaya sila. Naghiyawan pa habang kamot-ulo naman ang kabilang koponan.
Samantala, hangang-hanga naman si Romeo sa larong napanood niya. Ini-imagine agad niya na siya ang naglaro. Siya ang nagpapanalo, tapos isinisigaw ng marami ang pangalan niya.
"Romeo! Romeo!"
"Hoy!"
Kaso, naputol ang pananaginip ni Romeo nang gising nang gulatin siya ng kanyang kasama. Si Mina, ang kababata niya. Ang boyish na babae niyang kaibigan. Laging naka-suot ng sumbrero na may logo ng Spurs. Maikli ang buhok na hanggang tapat ng baba at nakamaluwag lagi ng t-shirt. Parang rakista pero hindi.
"Natulala ka na naman. Tayo na, gagawa pa tayo ng assignment. May test din tayo sa Monday kaya mag-review tayo."
"A-ah. Oo!" Natatawa na lang si Romeo at agad tumayo mula sa pagkakaupo mula sa semento. Naalala rin niya, may try out ang varsity team ng basketball sa Lunes at naisipan niyang sumali.
"Ray Allen ng CNHS! Romeo Dela Cruz!"
Napatawa si Romeo dahil sa naisip niya. Napansin tuloy iyon ni Mina.
"Problema mo? Para kang sira!"
"W-wala. Badtrip ka mandin," sagot naman ni Romeo na napakamot-ulo.
"Gago! Ewan ko sa 'yo. Nanalo ka lang sa pustahan natin, lagi ka nang parang wala sa sarili."
"E, gano'n talaga. Ray Allen ba naman, ipinanalo Game 6. Tapos nayari sa Game 7 ang Spurs mo." Isang pang-asar pang tawa ang ginawa ni Romeo.
"Tsamba lang 'yon. Tingnan mo, babawi ang Spurs next season," ani Mina na parang siga kung maglakad. Sinamaan pa niya ng tingin ang kaibigan.
"Hmmm... Let's see," wika naman ni Romeo na ngiti-ngiti.
*****
IKALAWANG buwan pa lang ng pasukan. Masaya pa ring pumapasok ang mga estudyante ng Canubing National High School, isa sa mga public school sa Calapan City. Dito rin pumapasok ang magkaibigang Romeo at Mina. Parehas third year at sa star section din.
"Magkasabay na naman ang mag-syotang ito." Biro ni Arjay, isa sa kaklase nila, nang dumating ang dalawa. Kinantyawan tuloy sila ng buong klase.
Nairita naman ang nakasumbrerong si Mina. Mabilis niyang hinila ang uniform ni Arjay at sinamaan ito ng tingin.
"Upakan kaya kita! Gago ka ah!" pananakot na sabi ni Mina sa kaklase. Napa-ow naman ang ilan sa mga kaklase nila.
"Joke lang brad... A-alam ko namang 'di kayo talo." Itinaas pa ni Arjay ang dalawa niyang kamay. Tanda na hindi siya lalaban.
BINABASA MO ANG
Water Boy by TaongSorbetes (WALA ng Karugtong)
ActionTHIRD year highschool na nang umpisahang kahiligan ni Romeo ang larong basketball. Nagsimula ito nang mapanood niya ang three point shot ni Ray Allen sa game six ng NBA Finals noon. Miami Heat at San Antonio Spurs ang magkalaban ng taong iyon. Ito n...