PAGKATAPOS ng klase ni Romeo ay dumiretso na kaagad siya sa basketball court ng kanilang school. Iyon ay para sa practice ng kanilang team. Isa na kasi siyang player ng varsity at makakalaro siya sa City Tournament. Isang kompetisyon ng lahat ng highschool sa buong Calapan City sa larong basketbol. Kasali ang CNHS at sila ang pinakakulelat na team sa loob ng mahabang taon.
Kasama niya ang kanyang kaibigang si Mina. Nakasumbrero ito ng gray na may logo ng San Antonio Spurs. Sasama rin ito para panoorin si Romeo sa practice ng varsity.
"Bakit kasi 'di ka pa umuwi?" tanong ni Romeo rito na aalisin sana ang sumbrero ng kaibigan. Ngunit naka-arrow kaagad sa kanya ang kanang kamao nito.
"Subukan mong alisin! Uupakan kita!" sabi ni Mina na masama ang tingin sa kaibigan.
"At huwag ka ngang OA. Sabay tayo laging umuuwi... Nahihiya ka lang siguro na mapanood kita." Sinundan pa iyon ng pagtawa ni Mina. Alam kasi nitong walang alam sa basketbol ang kaibigan. Nag-feeling lang si Romeo na sumali sa varsity. Isa pa, sa itsura ng katawan ng kaibigan ay hindi ito tatagal ng isang quarter sa aktwal na laro.
"H-hindi ah. Tingnan mo mamaya at ipapakita ko ang mga moves ko!" Pagyayabang naman ni Romeo na hindi naman pinaniwalaan ni Mina.
Natanaw na nila ang court. Ginagawa na ang covered nito kaya kapag nagsimula na ang City Tournament ay hindi na mainit maglaro roon.
Napabilis ng lakad si Romeo nang makitang naroon na ang ilan sa mga ka-team. Wala pa roon ang kanilang coach na si Sir Erik.
"Pabantay ng bag ko," sabi ni Romeo kay Mina na inilapag sa gilid ang bag. Nagtanggal ito ng polo at naghubad ng pantalon.
Naka-jersey na pang-ilalim ang binata. Miami Heat iyon at number 3. Wade ang apelyidong nakalagay sa likod.
"Aba? At complete uniform? Eh, waterboy ka lang naman?" Pang-aasar ni Mina na may kasamang tawa. Narinig din iyon ng ilang estudyanteng usyusero.
Parang nahiya si Romeo kaya hindi ito nakahirit sa kaibigan. Napansin iyon ni Mina kaya tumigil ito sa pagtawa.
"Joke lang. Parang iiyak ka na e?" sabi ng dalaga.
"Gago..." mahinang sabi naman ni Romeo.
"Iyan na ang sapatos mong panlaro? Converse?" tanong ni Mina nang makita ang sapatos ng kaibigan.
"Oo, wala naman akong ibang sapatos, ito lang." Sagot ni Romeo at naisip ni Mina na oo nga naman. Isa pa, hindi naman talaga nagba-basketbol ang kanyang kaibigan.
Tumakbo na si Romeo papunta sa ka-team niya na nagso-shooting. Naroon na si Rocky ang kanilang captain at limang mga kasamahan. Lahat ay naka-jersey na rin.
"Captain, magandang hapon! Sa inyo rin po!" Magalang na sinabi ni Romeo. Sapat na iyon para mapatigil ang mga players at mapatingin sa kanya.
"Nandito ka na pala..." Sabi ni Rocky na biglang napatigil dahil hindi siya sigurado sa pangalan ng bago nilang player.
"Romeo, captain! Romeo Dela Cruz! Third year!"
Napangiti si Rocky.
"Oo nga. Romeo nga pala. Siya habang hinihintay si Coach ay mag-shooting ka rin muna."
Tumingin si Rocky sa isang player na malapit sa kanya.
"Joey, pasahan mo nga ng bola."
Si Joey Salazar, isang fourth year. Kaklase ito ni Rocky . 5'7 din ang height. Ito ang Power Forward ng team. Semi-kalbo ang gupit nito. Iyon ang paborito nitong hairstyle. Medyo matipuno ito kung titingnan.
Napatingin muna si Joey sa mga kasama pang player at pasimpleng napangisi. Umatras muna ito para makalayo.
"Try nga kita 'toy?"
BINABASA MO ANG
Water Boy by TaongSorbetes (WALA ng Karugtong)
AksiTHIRD year highschool na nang umpisahang kahiligan ni Romeo ang larong basketball. Nagsimula ito nang mapanood niya ang three point shot ni Ray Allen sa game six ng NBA Finals noon. Miami Heat at San Antonio Spurs ang magkalaban ng taong iyon. Ito n...