Ball 3: Andrew Herrera

264 17 10
                                    

SABADO. Ito na ang araw ng practice game nila na gaganapin sa eskwelahan ng Ceriaco. Isang school sa northern part ng city. Ito rin ang unang basketball game ng 3rd year student at basketball-player-wannabe na si Romeo Dela Cruz. Isang linggo magmula nang makasali siya sa varsity team ng Canubing National High School, ang kulelat na school pagdating sa basketball, ay puro pagtakbo at pagtalon na lang palagi ang pinapagawa sa kanya ng kanilang coach. Ni pag-dribble sa bola ay hindi niya nagawa. Kaya anong maitutulong ng baguhang ito sa kanilang team para manalo? Tila wala! At tila sa kangkungan pa rin pupulutin ang kanilang eskwelahan.

Umarkila si coach Erik ng jeep na masasakyan nila papunta sa Ceriaco. May isang oras din ang kanilang magiging byahe. Daraanan pa nila ang sentro ng city bago tuluyang dumiretso sa eskwelahan na halos 20 minutes pang byahe mula roon. Hindi na sila nagsama ng ibang estudyante at tanging ang labing-dalawang players at siya lamang ang nakasakay jeep. Kasama na ang driver. Isa pa, wala ring may interesado na panoorin sila dahil batid na ng mga ito ang magiging resulta ng laro. Pagkatalo.

Suot nga ng mga players ang dati nilang uniform last year. Isang red and black na jersey. CNHS Heat, iyon ang nakalagay sa harapan habang may bolang umaapoy ang nasa ilalim niyon. Tanging si Romeo lamang ang naiiba ang jersey dahil bagong sali pa lamang ito. Suot nito ang isang plain red na tshirt ang red shorts na ipinahiram ni Coach Erik.

"Wow! Toy, ang ganda ng suot mong sapatos ah," biglang sabi ni Joey na nakaupo sa tapat ni Romeo. Napansin nito ang black at may logo ng Nike na sapatos ng bagong saling 3rd year.

Napatingin din ang iba roon.

"Bili lang iyan sa ukay," natatawang sagot ni Romeo na napahawak sa medyo maganda niyang sapatos. Na kahit nagamit na ng iba ay tila original ito.

"Pahiram ako mamaya 'Toy kapag naglaro na tayo," sabi pa ni Joey at tinapik-tapik pa sa balikat si Romeo.

Tumikhim naman ang kanilang coach na nakaupo sa tabi ng driver sa unahan. Natahimik tuloy si Joey at ilan sa mga maiingay nitong kasama.

"Makakalaro kayong lahat. Pati si Romeo," wika ng kanilang coach at humingi naman kaagad ng sorry sina Joey.

Pinunas-punasan naman ni Romeo ang kanyang sapatos at pasimpleng napangiti. Ibinigay ito sa kanya ng kaibigan niyang si Mina. Kakabili lang din nito kahapon. Kaya hindi siya nasabayan ng kanyang kaibigan pag-uwi ay dahil bumili ito ng sapatos para sa kanya.

"Regalo ko na sa iyo iyan. Ilang araw na rin lang naman at birthday mo na e."

"Tsaka, ukay lang iyan. Nabili ko ng 500."

"Ayos pa iyan! Matibay at halatang original. Kahit hindi ka makakalaro, atleast, may panlaro ka na."

"Galingan ninyo, kahit talo!" Tumawa pa si Mina habang sinasabi iyon.

"Ayaw ko pating mapanood ang pagkatalo ninyo!" dagdag pa nito.

"Kontrabida ka mandin! Mananalo kami! Kasama nila ang star player na si Romeo." Pagyayabang naman ng binata na nakatikim ng mahinang suntok sa balikat mula sa kaibigan.

"Ang yabang mo. Grabe! Diyan ka na!" Tumalikod na si Mina at tumawid na ng kalsada papunta sa kanilang hindi kalakihang bahay na puti. Napangiti naman si Romeo habang hawak-hawak ang pares ng sapatos.

"Hoy! Mina!" malakas na tawag ni Romeo.

"Salamat dito!"

"Nga pala, may usapan pa tayo bukas ah!" dagdag pa ng binata at nag-dirty finger si Mina.

"Oo! Gago ka!" sigaw ng dalagang parang 'di naman dalaga ang kilos na nakasuot ng maluwag na oversized tshirt at nakasumbrero.

Napatanaw sa labas ng jeep si Romeo. Isang magandang tanawin ang nakita niya habang bumabyahe. Ang malawak na dagat na humahati sa isla ng Mindoro at Batangas. Napangiti siya kahit na may kabog sa kanyang dibdib.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Water Boy by TaongSorbetes (WALA ng Karugtong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon