CHAPTER 1 (Introduction)

138 10 8
                                    

AKO si Jade Reel Malas, 16 years of age. A senior high school. From my last name itself, Yes! You read it right. Malas talaga ako dahil sa dinami-dami ba namang apelido sa buong mundo'y, malas talaga ang naging apelido ng aming pamilya. Naku, ewan ko ba sa angkan ng Papa ko kung saan nila napulot ang kasumpa-sumpang apelido nato. Eh, may magagawa pa ba ako? Gusto mo palit tayo?

Well, you can call me Jade for short. At babala, wag na wag niyo akong tawagin sa apelido ko dahil naiinis at kumukulo dugo ko ok?

And to complete the autograph, as if. Ako ay EHEM, matalino. Oo! Masipag akong mag-aral anong akala niyo sakin? Hmmmp.

I'm simple by nature. Isang tao't hindi hayop. Hindi panget, hindi rin maganda. Pero inaamin ko cute ako. Hahaha! XD

I'm 50% boyish, 50% girlish. In other words, never mind my gender dahil ako ay...

isang babae sa loob ng katawan ng isang lalaki.

Oo! Ako ay isang bakla. A woman inside. At FYI lang ha as in For Your Information, hindi ako katulad ng ibang beki. Maayos at desente ako manamit at tsaka magsalita. Malaki ang respetu ko sa sarili ko. Hindi ako liberated. Conservative kaya ako. Hahaha! XD

Oh, sige na! That's all I can say for now. Just get to know me more along the way dahil hindi eto first day of class na pabonggahan ng introduce yourself.

©BITTER

----------------------------------------

----------------------------------------

Kasalukuyang nandito kami ngayon ng bestfriend kong si Jane sa likod ng Eastwood Academy. Ang paaralan kung saan kami nag-aaral. Recess kasi eh at hindi naman kami nagugutom kaya napag-isipan naming pumunta dito para makapag unwind. Buti nalang at medyo walang tao.

Alam niyo bang favorite naming tambayan ni bestfriend dito. Bukod kasi sa magagandang halaman na makikita sa harden at sariwang hangin sa paligid, ay may isang kapansin-pansing well. Oo! As in balon na may tubig. At trip ko tong tawaging wishing well. Hehe! Wala lang. Fairytale lover kasi ako. Bihira na kayang makakita ng ganun sa panahon ngayon. Kasi nga diba, nauso ang mga ganyang well noong unang panahon which serves to be the source of the water. Hindi ko nga alam kung bakit may ganyan dito. Well, it simply adds beauty to the attraction.

Sa tuwing pumupunta kami dito ni Jane, wala kaming ibang ginagawa kundi ang maglakad2x habang linalanghap ang sariwang hangin. At pag may madaanang bulaklak, pipitas na akala mo siya ang may-ari. Isa-isang pipitasin ang mga petals sabay sabi ng, "he loves me, he loves me not." Hahaha! XD

Oo! Yan kami ni Jane. And this is our teenage life. We both act weird and differently that's why we understand each other. And hell yeah, I must say we enjoy and are enjoying what we doing. :)

So, yun na nga. Trip naming maglakad2x. Palibhasa, pareho kaming may nunal sa paa. Pag napagod, uupo kami sa grass, magkukwentuhan, mag chichismisan, tapos tatayo uli, maglakad2x uli, uupo na naman pag may nakitang upuan o di naman kaya sa grass, kwentuhan and so on. Kuha mo? Repeat the cycle ang formula. Tulad ngayon, nandito kami sa bridge. Oo nga pala, may bridge nga rin pala dito at may tubig pa sa ilalim. Natural, alangan namang sa taas. Hindi naman masyadong malaki tulad ng inaakala niyo. Small bridge lang kunbaga. Minamasdan namin ang mga isda habang nag-uusap. Wala lang. Kwentuhan ulit kami ng mga bagay-bagay na nagaganap nitong mga nakaraang araw. Mga pangyayari sa paborito naming teleserye. Mga chismis sa school.

Kwentuhan here.

there.

Kwentuhan everywhere.

At syempre, hindi mawawala sa kwentuhan namin ang crush ko. Si Harry Cliff Torres. Sssshh! Wa'g kayong maingay. Kinikilig ako. Hahaha! XD

Pagdating talaga kay crush naging O.A ako. Ekesenemen eh, hindi ko talaga mapigilang kiligin. As in, gusto kong magwala at sumigaw. Bakit kasalanan bang kiligin? Aminin niyo kayo rin kinikilig pagdating sa usapang crush. Hahaha! XD

Wishing Well (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon