CHAPTER 2

92 10 10
                                    

MATH subject at hindi ako makapagfocus sa kung ano mang dini-discuss ng teacher naming mataba. Eh sa bagay, kahit naman magfocus o makinig ako ng mabuti eh hindi ko rin naman talaga maintindihan ang mga pasikotsikot na mga numero na yan. Bakit ba kasi ako naging bobo sa Math. Alam mo yung kahit anong gawin mong pag-aaral at pakikinig ay hindi mo pa rin maintindihan at magawa ang tamang solusyon.

Haaay... whatever that be! Matalino naman ako. Dibuh sinabi ko na sa inyow. Haha! I hate numbers but I love money. At in fairness, nabubuhay ako sa subject nato dahil kay Jane. Oo! Ang walangya ay matalino sa Math.

Bakit nga pala ako hindi makapag focus. Naku, naku! Huwaaaaaag! Huwag niyong ipaalala sakin. Kinakabahan ako. Hindi ako mapakali. Wala akong naaalala. As in wala. Walaaaaaaaaa! T-T

"Hoy Jade, ok ka lang ba?" sabi ni Jane na ikinabalik ng matino kong pag-iisip.

"Huh??" ang tangi kong naisagot.

"Iniisip mo pa rin ba ang nangyari kanina? Patay ka!" sabi ni Jane.

"I hate you Jane!" sabi ko with a sad face. :(

"Hindi, biro lang! Ano ka ba! Wa'g mo na nga lang yun isipin. Haha!" sabi ni Jane.

Bago pa man kami mahuli ng teacher na nag-uusap ay ibinalik na namin ang aming mga mata sa pisara.

Kunwaring nakikinig at naiintindihan ko ang mga tinuturo. Oo! Ako na artistahin pero hindi ko talaga maiwasan isipin ang nangyari kanina. Ang walangya kong BEAST friend tinakot pa ako. Serious mode activated. -__-

Eh kesenemen kese, bakit naman kasi nandun si Red sa may wishing well. Hindi naman namin siya nakita ni Jane. At lalong hindi ko sinadya batuhin siya ng piso. Para piso lang, Halerrr! Ang O.A naman niya noh. Pero ano ba kasing ginagawa niya dun.

Flashback...

"WHAT THE FUCK?! Hoy bakla! Bakit mo ako binatuhan ha? Nananadya ka ba?! sabi ni Red.

Bigla akong kinabahan ng malakas. As in malakas na kulang na lang ma heart attack ako. Sa palagay ko, isang katakot-takot na monster slash alien ang kaharap ko ngayon. Pinagpawisan ako. Eh, ikaw kaya sigawan ng isang campus hearthrob. Buti nalang walang ibang tao dito. Tinawag ba naman akong bakla. Hoy lalaki! May pangalan ako. Wa'g mo nga lang bangitin apelido ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko ng biglang...

"KRINGGG CLANGGG!!!!!"

"Save by the bell." ang biglang sabi ni Jane.

Bigla kong itinaas ang kamay ko na naka peace sign sabay sabi kay Red ng...

"SORRY!!!!!"

Agad kong hinila si Jane at kumaripas ng takbo ng hindi man lang hinintay kung ano ang sasabihin ng Red na yun.

©AKWARD

----------------------------------------

----------------------------------------

Good News: Hindi pumasok teacher namin sa Science na kasunod ng Math. Kaya sige, unahan ng takbo patungong canteen. Ang saya saya lang. Haha! Eh, diba hindi kami kumain kaninang recess kaya eto, tambay muna sa pagkainan.

Ayoko munang pag-usapan namin ni Jane ang wishing well incident. Wishing well incident talaga ha? Nakakairita lang kasi. Kanya-kanyang focus muna kami sa pagkain. Note the word: Focus. Hahaha! Nagugutom rin siguro itong si Jane dahil hindi na umiimik. At kung nagtatanong kayo anong kinakain namin, wa'g niyo nang alamin baka gutomin lang kayo. Hahaha! Eh, basta masarap. Sige lang Jane, magpatuloy ka lang sa pagkain hanggang sa mabilaukan ka. Hehe, joke! Mahilig talaga akong mag joke. Masanay na kayo. XD

Habang nginuya2x ko ang pagkain, napatingin ako sa kawalan. Nakatutok ang aking mga mata. Parang baliw lang. Haha! Kainis naiisip ko na naman si Rashed Red Monte Carlo. LPS lang ang peg. Last Person Syndrome. Oh ha?! Ako nag inbento niyan. >_<

Sa pagkakaalam ko sa lalaking yun, senior highschool din siya at buti nalang hindi kami magka section. First come, first serve kasi ang sistema ng pag enrol. At talagang nagtipon-tipon ang mga mayayaman at mayayabang sa isang section. Yo! I'm referring to Red's section. Well, mayayaman naman talaga ang mga nag-aaral dito. Eastwood Academy is an international private school kaya. Merong iba na kakaibang level talaga ang yaman tulad nina Red. At masasabi kong, mayaman din kami hahaha joke sakto lang. Ano ba toh? Pabonggahan ng yaman? Makapag changed topic na nga.

Back to Red. Lolo lang naman niya ang may ari ng pribadong eskwelahan nato. Gwapo, mayaman, matalino, 3 in 1 packaged kunbaga. Habulin ng mga babae't bakla, sa loob man ng school o sa labas. Para ano pa't tinagurian nga siyang campus hearthrob slash superstar dibuh? Masasabi ko ngang, nese kenye ne eng lehet. Kaso nga lang masungit, mayabang at playboy. Speaking of the last word, model nga rin pala siya ng playboy men's magazine. Talagang pinanindigan lang ang salitang "playboy." Naku, kaya nga ganun nalang ang takot ko sa kanya nung nabato ko siya ng piso. Kasi alam ko kung paano siya umasta lalo na sa isang katulad ko. Ah basta, nag sorry naman ako sa kanya dibuh? Hindi niya naman ako kilala. Makakalimutan ra siguro niya yun.

Well, kahit gwapo siya, hinding hindi ako magkakacrush sa kanya noh. Malandi man ako. Hehe! Joke, sa isip lang. Hindi ko naman care magkandarapa sa isang mayabang at masungit na lalaki. In fairness, walang sino mang hindi pweding mabighani sa kanya. Katawan pa lang, ulam na. Pero not me, I mean bakit naman ako mangangarap ng isang taong alam kong hindi ako kayang mahalin. It's just a waste of time, daaa! @_@ (Eyes rolled)

Pero wait, nasabi ko ba sa inyo na bestfriend sila ni Harry. Ohmeyged. Oo! Si Harry Cliff Torres, ang boyfriend este crush ko. Hahaha! Kalandian mode activated. Total opposite siya sa ugali ni Red. Ewan ko nga kung bakit naging mag katropa sila.

Actually, tatlo sila. Si Hans James Cortes ang isa. Silang tatlo ay tinaguriang "Campus Trio."

Napahinto ako sa pag-iisip ng bigla kong napansin na nagsitinginan ang mga tao sa may entrance ng naturang canteen.

"Jade, nandito ang campus trio! Tingnan mo oh si Harry at... hehe! Kasama si Red at Hans." ang biglang sabi ni Jane.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wishing Well (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon