2-Out of Stock

378 31 0
                                    

Thank you sa mga nagvote, I really appreciate it.

=×=×=×=×=×=×=

Nathan's POV

*booggsshh

Nagising talaga diwa ko. Ikaw ba naman mahulog sa kama mo. Aray! Sakit talaga.

"Good morning bunso!!" masiglang sabi ni kuya.

"Walang hiya ka talaga!!" sigaw ko nang makatayo ako at nagsimula na kaming maghabulan.

Biglang lumabas kaya hinabol ko, lintek lang ang walang ganti.

Lumiko siya sa isang kwarto kaya sinundan ko.

Pagliko na pagliko ay may nakita ako lumilipad na unan.

*booggsshh

'Yun nakahilata ulit ako sa sahig dahil sa pagtama ng unan sa mukha ko.

"Wala ka pa rin talaga tol, sige maligo kana at bumaba para makakain." sabi niya at iniwan akong nakahilata.

Tumayo na lang ako at bumalik sa kwarto, may CR kasi ako dun.

Pagkatapos kung maligo ay bumaba na rin ako at nadatnan so kuya na kumakain.

Umupo na ako at nagsimulang kumain. Tahimik lang kaming dalawa nang umimik siya.

"Tol, mawawala ng pala ako ng two weeks kasi may pupuntahan kami ng boss ko na important client." sabi niya.

"K" tipid kong sagot.

Sanay na rin naman ako kasi mga twice every 3 months silang umaalis ng boss niya. Sekretarya kasi siya ng isang malaking kumpanya sa halos buong mundo. MechaTrek™ Corp.

"Pambawi, ano bang gusto mo?" tanong niya.

"Ikaw na bahala" tugon ko. May tiwala naman ako diyan kasi ang cool niyang pumili ng pasalubong.

"Sige, oh sya lakad na baka malate ka." sabi niya kaya umalis na ako ng bahay.

=×=×=×=×=×=×=×=

Palakad-lakad lang ako nang may narinig akong nag-uusap tingkol sa bagong relaese na game.

~tol, grabeh ang cool talaga ng laro~

~oo nga kaya nga neexcite akong magpalevel agad~

At iba pang bulongan. Tsk, sayang talaga kasi wala akong pera kahapon.

Pumasok na ako sa room at sinubsob ang mukha ko pagka-upo ko.

Maya-maya lang ay pumasok na si ma'am at nagsimula ng magklase.

Matapos ang ilang oras ng boring na klase ay naglunch na.

CRIMSON ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon