4- First Step

362 28 1
                                    


=×=×=×=×=×=×=

Nathan's POV

Minulat ko ang mga mata ko pero blurred pa ang paningin ko kasi nag-aadjust pa ito dahil sa liwanag kanina. Halos mabulag ako kanina ah.

At nang maka-adjust ang mga mata ko, isa lang ang masasabi ko.....WOW!!

Grabeh! Ang ganda talaga ng lugar, no words can describe it. Naglibot-libot muna ako para makita ko ang kabuohan nito. Dahil sa pagkamangha ko sa lugar na 'to, may nakabanga ako.

"Hoy noob! Tumingin tingin ka nga sa dinadaanan mo!" singhal sakin ng isang lalaki na mukhang nakalevel-up na ng husto. Kita kasi sa armor niya.

"S-sorry" tugon ko ng nakayuko, mahirap na, bago pa naman ako rito.

"Tss" bakas sa kaniya ang pagka-irita, ano bang problema niya? High blood ata.

Umalis na ako sa lugar na iyon at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang gubat. Palinga-linga lang ako nang biglang may dumamba sakin...

Forest Wolf (lvl.1)

HP: 100

ATK: 5

Patay lagot tayo nito, wala pa naman akong weapon. Aish! Kakalaro ko pa lang, patay na agad ako.

Pero di ako magpapatalo, agad ko itong tinulak. Walang damage pero okay lang, basta naka-alis ako. Agad akong tumayo at tumakbo papalayo.

"Psst" may narinig akong pagsitsit habang tumatakbo kaya hinanap ko kung saan nanggaling yun.

May nakita akong isang lalaki sa likod ng isang puno, nakacloak siya at medyo madilim sa part na 'yun kaya di siya masyadong maaninag. Pero walang ano-anuy tumakbo rin naman ako papunta dun.

"Frost arrow" sambit nito at tumira gamit ang bow niya.

Agad namang nafreeze ang wolf na humahabol sakin kanina. Bakit feeling ko may deja vu?

"Oh eto saluin mo..." sabi niya sabay hagis sakin ng isang sword, mukhang normal lang siya pero OK na.

"...gamitin mo yan at patayin mo na ang wolf" patuloy niya at sumunod naman ako.

Iwinasiwas ko yung espada ko sa wolf at nabawasan ang HP nito ng 35% . Nagtaka naman ako pero isinantabi ko na lang yun.

"Bata, hanggang 5 minuto lang tatagal ang pagfreeze niyan" pagpapa-alala ng lalaki sa akin.

Agad ko naman ipinuwesto ang sarili ko para gumawa ng fighting stance. Nakalagay sa batok ko ang espada habang medyo nakatagilid ang katawan.

Tumakbo ako papunta sa wolf at iwinasiwas ang espada ng tatlong beses. Nakagawa ako ng 3 hit combo. Umilaw ang wolf at unti-unting nagiging particles habang nawawala.

Nabigla ako nang may lumabas na screen sa harap ko.

Congratulations!

You killed Forrest Wolf (lvl.1)

XP collected: 300 xp

Gold collected: 50 G

CRIMSON ONLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon