Chapter 08 - Hoodie (July 10, 2011)

1.3M 18.2K 1.7K
  • Dedicated kay Alexa
                                        

DATE POSTED: July 10, 2011

Chapter 8

Bugnot si Elisa. Nasa sasakyan na siya at nagbbyaheng papuntang school. Malayo pa kasi ung bahay nila mula sa school. Ang ikinaiinis niya ay yung traffic. An aga-aga sobrang trapik na. Nakahinto tuloy ang sasakyan niya sa may tapat ng public market na sobrang ingay at hindi pa makaliko dahil sa mga tao na may-ari ng kalsada.

"Kuya, wala bang short cut? Baka malate kasi ako eh."

"Maaga pa naman po ma'am." Sobrang aga pa naman talaga, hindi alam nung driver bakit madaling madali naman ito

"Kahit na, magshort cut ka na. Meron bang ibang daan?"

"Ah meron po ma'am kaso po sa gilid po ng palengke, medyo masikip at maraming sidewalk vendor."

"Ganun? Sige Okay lang, Ayoko malate!"

Ang saya kaya sa classroom, dalawang prince ko nandoon. Alam ko namang maagang papasok yung mga yun para di pa matao.

Feeling niya bida siya sa loob ng classroom dahil nandoon ang kapwa niya celebrities na sila Kent at Harley. Tuwang-tuwa nga siya dahil talk of the town sila dahil lahat sila ay nasa Section A kahit busy silang tatlo sa showbiz


Dumaan na lang sila sa gilid ng palengke. Sa sobrang lubak, ang bagal na ng takbo ng sasakyan nila. Bago lumiko, may napasigaw si Elisa nang makita ang trending topic sa twitter.

#TheVillaluzIsTaken

"Ma'am?" Nagulat ang driver at itinigil nito.

"What the hell is this?!" Pinindot niya ang trend at lumabas ang maraming results. 

"Who the fvck?"


Nagulat na lang si Phoebe ng may katok-ng katok sa pintuan ng kwarto niya. Pupungas-pungas pa siya nung binuksan niya yung pinto. Si Kent lang pala. Tumingin siya sa orasan, 5:30 AM pa lang ng umaga.

"Ano ba yun? Ang aga pa naman oh! Kung kelan naman hindi pa ako late tska ka naman naggigising!"

Hindi ito sumagot, iniharap lang nito ang cellphone sa harap ng mukha niya. Halos maduling siya sa sobrang lapit.

"Hindi ko makita. Ilayo mo ng konti!"

#TheVillaluzIsTaken

"Anong gagawin natin diyan?" Napakamot ng ulo si Phoebe. "Akala ko naman news tungkol sa'yo."

"Phoebe!"

"Ano nga kasi?"

Pinindot ni Kent ang cellphone at ipinakita sa kanya ang search results.

Kakabit pa nito yung picture nila sa footbridge. Kahit medyo malabo yung picture, kitang kita na si Harley nga yun. Siya naman, mukhang gangster sa laki ng suot na hoodie. Hindi naman kita yung mukha niya.

Tumingin siya kay Kent, tinitiganan din siya nito mula ulo hanggang paa.

Shit! Oo nga pala hindi ako nakapagpalit ng damit! Kaparehas na kaparehas ng suot ko itong nasa picture.

"So... ako?" Ngayon pa lang nao-proseso ni Phoebe ang lahat. "Akala nila..."

"Finally! Your brain starts to function already. Good morning brain."

"Ewan ko sa'yo Kent!"

"So ano nga 'yan." At tinuro din nito ang damit na suot niya. "Ayan?"

"Kent ano eh---" di niya na natapos sasabihin niya. Umalis na agad sa harap ng pinto niya si Kent.

Secretly Married (Completed, 2011)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon