DATE POSTED: July 01, 2014
6:05AM
"Bakit mo ako niyayakap? Ang init-init Phoebe!" halos itulak na ni Kent ang asawa dahil sa pinagpapawisan na siya. Halos mahulog na si Phoebe sa sofa pero nakangiti pa rin ito.
"Ehh.. Dito lang ako!"
"Bakit tayo nasa sofa? Bakit ka pa nakikitabi sa'kin ang sikip-sikip na nga ng sofa?" nararamdaman na niya ang pagsakit ng ulo tska niya naalala ang nangyari kagabi. Niyaya nga pala siya direk sa after party ng shooting. Nabreak kasi nila ang previous record at naging 48% ang rating ng noontime drama. Nalasing siya at pilit niyang inaalala ang nangyari.
"Wag ka na magsungit diyan! Higa ka na lang ulit!" halos maningkit na si Phoebe sa sobrang ngiti at pinipilit pa ring hilahin pahiga si Kent at aakmang yayakap.
"A-ano ba Phoebe?!" kinakabahan si Kent dahil hindi niya gaano maalala ang nangyari kagabi. Ang alam niya lang ay inihatid siya ng manager niya hanggang sa gate ng bahay. "Ano bang ginawa ko kagabi at ang saya-saya mo diyan?" kinakahaban siya dahil baka nire-reverse psychology lang siya ni Phoebe pero agad niya ring tinanggal sa utak yun dahil ano ba naman ang alam ng asawa sa mga ganun. Mahina rin siyang nagsorry dahil minaliit niya na naman ito kahit sa utak lang.
"Higa na kasi, maaga pa, mamaya ka na bumangon."
"Naiinitan ako!" tumingin siya sa sarili pero nakitang naka-sando lang siya. Ang suot niya rin kagabi kaya palagay niya'y nanlalagkit siya dahil hindi nakapagpalit. "Manang!!! Manang!!!"
"Ano ba ang gusto mo? Ako na lang?" tumayo si Phoebe at umaktong susunod sa lahat ng ipaguutos niya. Lumabas na rin si manang Lourdes at natawa ng makita ang dalawang 'malaking alaga'.
"Kape."
"Kape?! Eh diba naiinitan ka?"
"Basta kape. Masakit ulo ko."
"Coming right up!" enthusiastic si Phoebe.
"Ako na kaya, anak?" pagvo-volunteer ni manang.
"No manang, ako na!!" humarurot na si Phoebe sa kusina. Naiwang natatawa na lang si manang Lourdes habang si Kent ay nagtataka.
"Ano po bang nangyari?"
"Nalasing ka."
"Alam ko po."
"Alam mo pala eh, tapos tinatanong mo pa."
Gustong manlaki ng mata ni Kent sa pananabla ni Manang Lourdes sa kanya.
"Eh! Manang naman! Ang ibig kong sabihin, bakit ganun si Phoebe? Hindi na nga ako nagpaalam kagabi eh, madami pa akong nainom, at nalasing pa. Tapos ang saya-saya niya?" hinihinaan niya ang boses dahil baka marinig ng sensitive na asawa.
"Nasukahan mo lang naman yung polo mo!"
"Kaya pala naka-sando na lang ako."
"Tapos nagalit si Phoebe kasi wala kang sinasabi kundi, Ang init! Ang init! Ang init!" ginaya pa ni manang ang tono ni Ken Tomas. "Aalis na sana siya kasi hindi mo man lang siya pinapansin..."
"Eh lasing nga ako!" napasabunot si Kent sa nagpapawis na buhok "Eh anong nangyari?"
"Eh di huhubaran sana kita ng pantalon kasi mainit nga sabi mo."
"MANANG NAMAN! MALAKI NA AKO! HINDI NA AKO BATA!" napatingin si Kent sa pantalon at napansing iyon pa rin ang suot niya. "Eh bakit eto pa rin suot ko?"
"Eh pano? Ang sabi mo, 'Hoy babae! May asawa na ako. Bawal buksan yan! Asa pa ka!' Tapos hinawakan mo na yung zipper. Kaya ayun, Hindi ko binuksan."
"Sinabi ko yun?!" gustong mamula ni Kent.
"Kaya ayang asawa mo, gusto yatang magpa-party."
Hindi alam ni Kent kung matatawa o mahihiya.
"Eto na ang kapeeeee!" pumasok si Phoebe sa living room.
"HOY PHOEBE!" sigaw ni Kent.
"Bakit? Maka-hoy ka naman!"
"Engot ka talaga kagabi. Nagagalit ka pa daw?"
"Mahal mo naman! Kahit lasing." natatawa si Phoebe.
"Engot ka pa rin. Tingin mo nagbabago ako kapag lasing?"
"Hindi, masungit ka pa rin kapag lasing."
"Oo na. Mahal naman kita."
"Mahal din kita."
"Kayo talagang dalawa. Sabi ko nga magluluto na ako ng almusal eh." bumalik si Manang Lourdes sa kusina.
∞
I updated this as a status on my facebook account last May 2, 2014 pa. I just thought it would be nice to post it here as a thank-you-update for always being there. Ang totoo wala lang talaga akong maisip ngayon kaya kinopya ko na lang yan. We've reached 46M na and now it's going to be a movie. Party! Wala pang cast. Wala pang date. Nothing's even cofirmed yet but yes it's already acquired by Star Cinema with the likes of Three Words Eight Letters, Say It and I'm Yours by Girlinlove, The Bet by ilurvbooks, Seducing Drake Palma by beeyotch and Ang Boyfriend Kong Artista by modernongmariaclara. I hope you support this Pop Fiction X Star Cinema deal. Hearts everywhere!
P.S. (Edit July 02, 2014)
Please watch She's Dating the Gangster
Red Carpet Premiere SM Megamall July 15, 2014
Showing July 16, 2014
P.PS. (Edit Aug 23, 2018)
Di ko na rin alam whatever happened to the deal. As of writing, may production contract kami sa Star Cinema for 7 years. Pwede or pwede din hindi ito maproduce. We're paid but that doesn't guarantee na ipoproduce ito. Ewan. Baka na-hoard lang noong kasikatan ng wattpad dahil up to now, wala namang balita kung matutuloy pa ito o hindi na. Worse case baka hindi na. And sa 2021 pa ito magiging free para i-offer sa iba. Eh sino pa ba ang tatanggap sa'min sa 2021 diba. Hay. I'm so disappointed pero ganun talaga.
P.P.P.S. (Edit January 16, 2020)
Tapos na po ang storya 'nung Epilogue pa lang. Ang mga nababasa niyo na special chapters ay mga bonus lamang. Hindi ko po alam kung bakit bitin pa rin kahit hindi naman talaga ito kasama sa storya. Baka magdagdag pa dito, o baka hindi na.
MEANWHILE, CHECK OUT OTHER COMPLETED WORKS
> Reyna ng Kamalasan (2014)
> I Heart Kuya (2019)
> Will You Still Love Me Tomorrow (2020)
BINABASA MO ANG
Secretly Married (Completed, 2011)
Roman pour AdolescentsLanguage: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for paperback (Penerbit Haru, 2016 & 2018) Blurb: Phoebe Bernal shares a secret with one of the biggest...
