chapter 3

15.8K 582 8
                                    

Malakas na pagkatok sa pintuan ng kwarto nya ang nagpagising sa kanya, inis s'yang bumangon, at pinagbuksan nya ang nasa labas ng pintuan,

"Anong oras na Rhina?"

"Ma, maaga pa naman ah, inaantok pa ako eh, bakit ba?"

Nameywang ang mama nya habang salubong ang kilay,

"Kanina pa ako katok ng katok sayo! Hindi ka nagigising. Abah! Rhina pag nagkasunog pala dito hindi ka parin magigising. Tulog mantika ka!" Sermon ni mama,

Nakasimangot ako habang pinakikinggan ko si mama. Kung pwede nga lang na takpan ko ang tenga ko, ginawa ko na, bakit ba bigla-biglang nang gigising si mama. Hindi naman nya iyon gawain, hinahayaan nya nga ako kung anong oras ako'ng magising, bakit ngayon parang ang OA nya,

"Ma, naman e, inaantok pa ako!" Sagot ko,

"At bakit ka inaantok? Hindi mo ba alam alas onse na ng tanghali,"

Alas onse pa lang pala ng tanghali. Dati nga hapon na ako nagigising, "napuyat kasi ako eh,"

"Saan ka naman napuyat?"

Bigla ako'ng nag-isip, hindi ko pwedeng sabihin napuyat ako dahil kay alfred, ang bwiset na lalaking 'yon, s'ya ang dahilan ng lahat ng ito,

"Oh! Bakit nakasimangot ka d'yan! Mag asikaso kana, dahil namumuti na ang mata ng nag-aantay sayo sa baba,"

"Hayaan nyo po'ng mamuti ang mata ni Aceshelle ma," sagot ko,

"Hindi si aceshelle ang nag aantay sayo!" Sagot ni mama,

Biglang nagising ang diwa ko,
"Sino naman po mama ang mag aantay sa'kin?"

Ngumiti si mama, "Gwapo s'ya sabi nya boyfriend mo daw s'ya eh, alfred ang pangalan, may boyfriend kana pala hindi mo sa'min sinasabi ng papa mo,"

Nanlaki ang mga mata ko, sa sinabi ni mama,
"ANO PO!!!"pasigaw ko,

Isang malakas na batok ang tumama sa'kin,

"Aarrraaayyyy!!  mama naman! Ang sakit naman ng batok nyo, bakit nyo ba ako binatukan?"inis ko'ng sabi habang hawak-hawak ko ang ulo ko,

"Bakit mo ako sinisigawan!"

"Hindi ko naman po kayo sinisigawan. Nagulat lang po ako,"maktol ko,

"Hay naku! Magbihis kana d'yan at kanina pa s'ya nag aantay,"sabay alis ni mama,

"Ang letcheng alfred na'yon, humanda s'ya sa'kin,"

Nagmadali akong bumaba patungo sa salas, nakakainis kasi e, pagbaba nya nakita nya agad si   alfred, nag init ang ulo nya sa nakita nya, kampanteng kampante itong nakaupo habang sa harap nito may nakahain na meryenda,  at si resie ang landi! Akala mo artista ang kaharap selfie ng selfie silang dalawa, Grrr!! Inis na inis ako'ng lumapit sa kanila,

"Ate Rhina!"

Tinapunan ko ng matalim na tingin ang kapatid ko, pagkuway lumapit ako sa harap ni alfred,

"ANG KAPAL NAMAN NG MUKHANG MO'NG PUMUNTA SA BAHAY NAMIN!!! AT PAANO MO NALAMAN ANG BAHAY NAMIN SIGURO MAGNANAKAW KA NOH!!! galit na galit ko'ng sabi,

"Ahh- Ate Rhina. ."

"Shut up resie!!"pasigaw ko'ng sabi, sa kapatid ko, muli ko'ng binaling ang tingin ko kay alfred,

"Anong nakakatawa?"gigil ko'ng sabi sa kanya,

Pinagmasdan nya ako mula ulo hanggang paa. Tapos ngumisi s'ya sa'kin,

"Kung gusto mo ako'ng awayin sweetiepie, pwede ba'ng magbihis kana muna, baka kasi imbes na magalit ako sayo, mag-init ang buong katawan ko, dahil inaakit mo ako," sabay kindat sa'kin,

THE GANGSTER  ALFRED VELASCO (FOUR BLUE EAGGLE 18ROSES SERIES ) #wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon