chapter 4

14.9K 563 7
                                    

"Mukhang ibang-iba ang aura natin teh!" Puna ni aceshelle habang nasa loob kami ng canteen, araw iyon ng biyernes,

Ngumiti ako sa kanya, umusog ako ng konti, "Naniniwala ka ba sa FOREVER?"tanong ko,

Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Aceshelle, "huh? Anong kacornihan yang sinasabi mo Rhina,"

Sumimangot ako, "Sagutin mo kasi ang tanong ko,"

Tinitigan nya ako. "Naniniwala naman ako sa forever, patunay d'yan ang mama at papa ko, bakit mo ba naitanong?"

"I think i'm inlove,"ngumiti pa ako,

"Kanino? Kay aries ba ha?"

"Hindi sa kanya!"

"Eh, kanino?"

"Kay alfred velasco."

"Alfred velasco? Yung gangster sa saint paul? Naku girl babaero yun!"

Inirapan ko s'ya. "Hindi s'ya katulad ng iniisip mo! Mabait s'ya,"

"Ewan ko lang. basta kasi galing saint paul gwapo nga babaero naman,"

Tiningnan ko si Aceshelle, "Bakit may kilala ka bang taga saint paul na babaero?"

"Si Zyrus, my cousin, babaero 'yun,"

"Huh? Hindi naman 'yon babaero, sinasabi mo lang yan para hindi ko ligawan ang pinsan mo!"

"Ah! Basta babaero sila period,"

"Kyaaaahhhhhhhh!!!!!!'narinig naming nagsisigawan sa labas, agad kaming lumabas, paglabas namin nakita ko si Alfred at ang kasama nito, pinagkakaguluhan sila ng mga babae, nakita naman ako agad ni Alfred,

"Sweetiepie. . "Agad na lumapit s'ya sa'kin, nakangiti pa ito, nag gwapo nito sa suot nyang school umiform,

"Bakit nandito ka?"

Ngumiti ito sa'kin, "Sinusundo kita, umuwi kasi sila mommy at daddy ngayon, ipapakilala kita,"

"Ha? T-teka lang! Bakit naman ako?"tarantang sagot ko,

"Syempre gustong ko'ng ipakilala kita sa magiging second family mo,"

Ano daw? second family? wow totoo ba ito ibang level na'to ah,

"Pero hindi ba nakakahiya?" Muli ko'ng tanong,

Hinila nya ako, "Let's go!"

"Teka lang magpapaalam lang ako kay Aceshelle,"sabi ko,

"Wag na! Makakaistorbo ka lang sa dalawa oh! Tingnan mo!"

Nilingon ko si Aceshelle, kausap nito ang lalaking taga saintpaul din, nakasuot ang lalaki ng basketball na uniform, saka ko na lang siguro kakausapin si Aceshelle tungkol sa lalaking iyon, wala na ako'ng nagawa ng isakay ako ni alfred sa kotse nya,
At paandarin ang sasakyan, patungo sa bahay nila,

Bente minutos ang itinagal namin sa byahe, hindi lang basta bahay ang nadatnan ko, kundi isang mansyon, kung mayaman kami mas mayaman ang pamilya ni alfred, nakaramdam tuloy ako ng hiya. Pakiramdam ko nilalamig ang buong katawan ko,

"Ang lamig ng kamay mo sweetiepie,"sabi nya sa'kin, habang hawak-hawak nya ang kamay ko,

"Oo, kinakabahan ako, para ako'ng mapapatae sa sobrang kaba,"

Huminto kami sa paglalakad, humarap s'ya sa'kin, tinitigan nya ako, sinalubong ko naman ang mga titig nya, pagkatapos dahan-dahan nya ako'ng hinagkan sa noo, at ngumiti s'ya,

"Sweetiepie. . Relax, kasama mo ako, hindi kita pababayaan okay!"

Tumango ako, bakit ba ako natatakot, eh, hindi pa naman kaming dalawa, Aish! Kinakabahan talaga ako,

THE GANGSTER  ALFRED VELASCO (FOUR BLUE EAGGLE 18ROSES SERIES ) #wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon