"GHOST"

694 26 1
                                    

Ist Story:

This happened in the late 80's. Anim kaming magkakapatid at lahat kami nag-aaral with our parents and 1 maid, na bagong lipat sa bagong bahay namin na kakapagawa lang.Dahil hirap ang maid namin sa dami namin kumuha ng bagong maid parents ko para magluto at maglinis lang ng bahay.Ang isang maid laba at plantsa.

Isang araw dumating Tita ko kasama ang bagong maid mga hapon na,tinawag ang isang maid para ipakilala na sa oras na yon abala sa paglalaba sa ibang parte ng bahay. Tinuro ng tita ko ang quarters nila at pagkatapos sa kitchen na baka pwede magluto na dahil parating na kami. Magpapahinga lang daw sya sandali sa guest room.

Dumating kami magkakapatid mga 6pm,ang bagong maid ang nagbukas ng gate at nagpakilala:

"Ako nga pala yung bagong kasama nyo sa bahay na hired ng parents nyo."

"Gutom na po kami baka po pwedeng ipaghain mo na kami ng aming makakain at pakikatok nalang kami kapag nakahanda na.salamat ."

Lagi kaming sabay sabay magkakapatid kumain dahil gabi na kung dumating parents namin.

Nang mga bandang 6:45 p.m kinatok na kami at sabay sabay kaming naglabasan para kumain pati ng Tita ko pati na ang isang katulong tinawag namin para kumain na din kasabay namin.

"Ate bakit si lola hindi pa bumababa?di na ba siya kakain?"

Tanong ng bagong katulong.

Nagkatinginan kaming lahat.
Walang umimik para sagutin ang katanungan niya.

"Sinong lola? Wala kaming kasamang matanda dito sa bahay" balik tanong ng tita ko sa kanya.

"Imposible!Ate pag-akyat mo kanina bumaba naman si lola,siya pa nga nag-turo sa akin ng mga gagamiting pang-luto at pati iluluto kung gaano kadami,pagkatapos umakyat din siya." Sagot niya.

Pagkarinig namin nagtakbuhan kaming lahat at nagsama- sama kami sa iisang kwarto.
Wala kaming kasamang Lola sa bahay. At buhay pa lahat mga lola namin that time!

Our maid described her as a smart looking old lady with very white hair, fair skin wearing white barot saya. White lady in short as explained to us by a person we hired. Hindi po ito una't huli.until now nangyayari parin from time to time.

We all have our own houses now but everytime we goes to our family home nagpapasintabi kami. She always speaks/shows herself to househelp not to us directly.

_____________________________________________________________

2nd Story:

After our graduation ceremony back 2002 (college). Me and my classmates made a plan that after graduation we will be going to laguna (hot springs) para mag celebrate. it was the craziest day since huling kita kita na namin iyon bago mag move on and look for a better career. i don't want to mention on what part of laguna and what's the name of the hotspring na pinuntahan namin.

we arrived around 5:30pm (sa venue) as far as i remember. nadelay kasi ang planong after lunch aalis na kami since yung ibang kaklase namin nahirapang magpaalam sa mga magulang kasi puro paalala na mag ingat. Ang una kong naisip ay tumalon na agad sa pool however sinabihan ako ng tropa ko na bawal tumalon sa pool hanggat di ka pa nag shower. nakakapagtaka na sa araw na iyon kami lang ang customer dumating simula pa kaninang umaga wala pa daw silang customer sabi ng lifeguard.

So ang saya saya kasi solo namin yung place. dumiretso na kami ng tropa ko sa shower room. Napansin ko na since wala namang tao dun ako sa girls shower room maligo. nadidinig ko naman ang barkada ko sa kabilang men's room since pader lang ang pagitan ng mga shower room. habang naliligo ako at nag kwekwentuhan pa kami ng pasigaw kasi pinag uusapan namin kung paano yung set-up ng inuman sa cottage namin.

kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may narinig akong umuungol sa bandang pintuan ng girls shower room.

"tol iwas trip muna kakadating palang natin later na lang ang takutan."

itinuloy ko ang aking paliligo hanggang sa matapos ako at humarap sa salamin.

"tol una na ako sa cottage aayusin ko pa yung iihawin natin." Sigaw ng tropa ko sa kabila.

"brad mauna ka na mananalamin pa ako dito."
Sagot ko.

Nasa harapan na ako ng malaking salamin, habang nilalagay ko sa plastic ang mga sabon at shampoo na ginamit ko. bigla na lang ako nagulat na may babaeng nasa likuran ko. Nakasuot ng damit na pula at naka shorts lang din . sabi ko sa babae na nag uusap kami habang nakakatinginan lng sa salamin.

" sorry miss ha akala ko kasi walang tao kaya dito na ako naligo. pasensya ka na lalabas na din naman ako e".

"Huwag ka po munang lumabas tulungan mo muna ako."

"Naku po ate wala akong pera sakto lang perang dinala ko pam budget namin sa outing namin e. kung gusto mo inom na lang tayo pakilala kita sa mga kaklase ko."

"Huwag ka umalis tulungan mo ako"

at this time ang napansin ko ang tone of voice nung babaeng kausap ko ay parang galit na.

"Ate lalabas na ako wala akong maitutulong kung ano man problema mo.

( hindi ko malaman kung bakit ayaw ko siya tulungan ) habang pinupunasan ko ang ulo ko ng face towel para matuyo ng konti nagulat ako ng pagharap ko sa salamin halos nasa likod ko na ang babae at naka tingin sa akin ng masama.

"ate wag mo ako pagtripan baka patulan kita jan "

pabiro kong sabe. alam ko sa sarili ko na kailangan ko na lumabas at mauubos ang oras ko sa enjoyment kung makikipag usap lang ako sa kanya.

ito ang masaklap. hindi ko maigalaw ang katawan ko at pagka lamig lamig ng hangin pumapaligid sa akin. humarap ako sa salamin at laking gulat ko na ang babaeng kausap ko ay duguan at may sipyak ang mukha na parang tinaga ng itak at sobrang galit na galit at nanlilisik ng mga mata at titig na titig sa akin. hindi ko maikilos ang buong katawan ko at hindi ako makapag salita. ang ginawa ko ay ipinikit ko ang aking mga mata at nagdasal ako ng our father ng taimtim. pag mulat ko ng mata nakita ko ang babae na nakangisi sa akin na parang hindi natatakot. bumubungisngis pa siya kakatawa. nilakasan ko loob ko at pumikit uli ako. This time nagdasal ako ng our father at naririnig ko na may boses na ako. habang binabangit ko ang linyang who art in heaven iminulat ko ang mata ko bakasakaling wala na ang babaeng nakikita ko sa salamin. nagulat ako na sa mismong harapan ng mukha ko ang pag mumukha ng babaeng may sipyak ang mukha at duguan na naka lutang sa harapan ko mismo. ulong pugot ng babae. ang matindi pa nuon ay SINASABAYAN akong MAGDASAL ng our father.

narinig ko na lang yung tropa ko sigaw ng sigaw at sinasampal ako kasi iyak daw ako ng iyak sa loob ng banyo sa walang kadahilanan. andun sila lahat kasi dalawang oras daw ako sa loob ng banyo at ni lock ko pa yung pintuan. pinilit lang nila buksan ng narinig ng kasama ko na akoy umiiyak sa banyo.

_____________________________________________________________

3rd Story

October 31,1994.Our family used to sleep ovenight at manila north cemetery to avoid crowd in the morning of november 1.it was just me and my father when this happend. Around 7pm in our musileyo,a young boy around 4-5 years old and 35 year old man came to see their musileyo near ours.we have a chance to get with them since ako lang at ang father ko nandun sa area plus them.asking them.

"kamag-anak nyo po?"they replied with a smile..

They are not much of a talker so didnt notice that they are already gone.leaving their puntod with one white candle.the next day(november 1)our family and friends got to our musileyo as well as the family of the nearby musileyo.my father told them that someone is here at your musileyo last night but we unable to get their names.they ask for their physical appearance and describe those people that night to them.after describing they showed us a picture saying..

"itong dalawa ba?"

"yes!"  Sabi namin.

they smiled and said

"yan dalawang nasa picture ay yan nakalibing dyan" (the 35 year old man and 4-5 year old boy).

We have a night with the spirit of the dead and never again to sleep overnight to manila north cemetery.

Pinoy Horror Stories/KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon