"BLACK LADY"

76 2 0
                                    

May mga narinig at nakapagsasabi sa akin tungkol sa pagpapakita ng babaeng halos itim ang kasuotan("Black Lady")

Noong oras na yun solo ko ang espasyo ng isang malaking opisina na walang mga cubicles na naghihiwalay sa bawat department.Ako lang ang nakahiwalay at may sariling espasyo.Mula sa likuran ko ay may lamesa at isang lumang typewriter.Sabi ng nakararami duon sa mismong likuran ko madalas ang pagpapakita at pagpaparamdam ng black lady. Dahil sa madalas ako mag-isa kaya tahimik ang lugar ko.Maaga akong umuuwi.bago ako umalis ay pinapatay ko ang ilaw.Ang totoo nyan hindi naman ako nag-aalala o natatakot kung meron man palaging nakatayong babae sa likuran ko sapagkat hindi ko naman siya nakikita ng mga panahong iyon.Ngunit may mga ilang tao na ang nakakapansin sa kanya.

Isang hapon hindi pa naman nagdidilim noon . Umuwi na ko ng bahay.at naiwan sa opisina yung EVP namin na japanese,VP namin na pinoy at supervisor.Mula sa lugar ko ay may narinig silang babaeng umiiyak.hindi nila makikita dahil may nakaharang na whiteboard as wall between sa lugar nila at lugar ko.Nacurious sila,tumayo ang EVP at VP namin para tingnan ngunit wala silang nakita saka naman huminto ang pag-iyak.Sa sobrang takot tumawa nalang sila para maibsan ang nararamdaman nilang kaba.

May kasamahan ako sa work na may third eye. At lagi niyang nakikita yung babae sa likuran ko. (dahil sa may area ko nga siya nakatambay) Ang pinagtataka ko bakit hindi ko siya nakikita ('though I always block anything 'paranormal' everytime na nakakaramdam akong kakaiba). Pero minsan sadya yatang napakakulit ng 'black lady' eh bigla ko na lang siyang naramdaman na nakatayo sa likod ko.Sobrang kilabot ang naramdaman ko nung mga panahon na yun. (office hours nangyari 'to 7am-4pm) Ramdam ko talaga na nakatayo lahat ng balahibo ko sa likod at sa braso.At ramdam ko rin na nakatayo lang siya sa likod ko. Para mawala ang kaba at kilabot ko tumayo muna ako at naglakad lakad pa-lobby. Pero nararamdaman ko pa rin na sinusundan nya ko. Balik ulit ako sa pwesto ko pero hindi parin ako mapakali kinikilabutan pa rin ako. Nagdesisyon ako tumambay na lang muna sa CR pagpasok ko sa CR bigla nya kong sinalubong at bigla rin syang naglaho na parang bula.Isang itim na anino na parang itim na usok na korteng babae ang aking nakita. Sa aking pagkatakot umalis ako sa aking kompanyang pingtatrabahuan pero hindi parin mawala sa isip ko ang mga nagyari ayon sa kwento ang babaeng yun ma tinatwag nila g "BLACK LADY" ay isa sa mga biktima ng pang gagahasa na naging slave mga hapon noong unang panahon

Pinoy Horror Stories/KababalaghanWhere stories live. Discover now