Virtual Six

109 12 20
                                    

Aeiou Jean / Alissa Jung

Simula nung umuwi ako pag kahatid namin kila Dad eh naisip ko na yung Two days na binigay niya sakin. Aaminin kong lito parin ako pero may something sakin na sinasabing 'Okay siya ah' Tsaka hindi ko pa pala ito nasasabi sa mga kaibigan ko. Mahirap na.

Hays. Sabihin ko na kaya kay Jilliana yung nangyayari sakin sa RPW? Kasi ang alam niya lang Role Player ako hindi niya alam na nakikipag RS ako. Ayoko namang maglihim sa kanya dahil kaibigan ko siya. Tsaka pag hindi niya to nalaman alam kong magtatampo or worst magalit sila sakin dahil hindi ko nasasabi itong bagay na nangyayari sakin ngayon.

"Sistar"Tawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin.

"Oh bakit? Sis?"Napabuntong hininga na lang ako at pinaglaruan ko yung ballpen ko dahil sa di ako mapakali.

"Sis,Diba alam mo naman yung RPW? Alam mo naman na nirorole play ko ang isang character sa pan de jimin. Alam mo naman lahat yun diba?"Tumango lang siya sakin at tiningnan ako ng nagtataka. Bumuntong hininga nanaman ako. Kahit naman kasi peke lang yun kailangan kong ipaalam sa kanya dahil kaibigan ko siya.

"Just go straight to the point,Rivera"Natawag na niya ako sa Last name ko. Hays.

"I had an Ex Boyfriend"Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

"Sis,NakipagRS ka? Akala ko ba hindi mo itatry?"Hindi makapaniwalang sabi niya sakin.

"Natripan ko kasi sis eh"Napaface palm na lang siya. Napailing na lang din ako. Bakit kaya minsan ang lakas ng trip ko at kung ano anu na lang ang ginagawa ko.

"Iba ka talaga. Pag trip mo trip mo. Minsan sis piliin mo kung ano yung pagtritripan mo. Malay mo kasi sa pangtitrip mong yan may masaktan kang iba o kaya may mapaasa kang tao dahil sa pangtitrip mo. Oh ano na? Ikwento mo" Naiirita niyang sabi sakin. Dami na niyang sinabi. Lol. As if naman merong aasa sakin. Tsaka trip lang naman,parang biro lang din. Di ko na lang pinansin yung mga pinagsasabi niya sakin.

"Asaan ba si Sam?"Tanong ko sa kanya. May isa pa kasi kaming kaibigan si Samantha.

"Ewan ko. Baka late."Nag shrug na lang ako. Later ko na lang ikukwento sa kanya yung nangyari pag andito na si Sam. Ayoko din kasing maglihim sa kanya.

-

"Uy Sam,san ka galing?"Tanong ni Jilliana sa kanya nung makita namin siya.

"Kay Sir,Oy Aeiou may practice tayo ngayon"Tumango na lang ako sa kanya. Runner kasi ako dito sa school namin. At buti na lang dala ko ang inhaler ko pero hindi naman siguro ako hihikain.

Matagal tagal narin nung hinika ako pero syempre in case of emergency. Naglalakad kami papuntang Gymnasium nang makita ko siya duon. Pinakiramdaman ko muna yung sarili ko.

Walang mabilis na pagtibok,Walang kaba,Walang mga kabayo na tumatakbo pero may epekto parin siya sakin kahit papano. Aaminin ko yun mahirap naman kasing kalimutan yung pinagsamahan naming dalawa.

"Si Keith yun diba? Nakatingin sayo oh"Sam habang sinisiko ako. Napailing na lang ako. Bat naman ako maniniwala na sa kin nakatingin yan kahit hindi naman.

Mahirap umasa na magugustuhan ka din niya kahit alam mong hindi naman kahit na alam mong magkaibigan lang talaga kayo pero umasa ka kasi kala mo pwede maging kayo kahit hindi. Masakit maFriendzone lalo na ng lalaking unang una mong nagustuhan.

Nakakasakit lang ang pag asa mo sa isang tao lalo na't alam mong wala naman itong patutunguhang maganda. Alam mo yung kahit na alam mo nang masakit ang umasa eh umasa ka parin dahil nagbigay siya ng motibo sayo tapos pag nasaktan ka ireregret mo.

My Roleplaying BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon