BESTFRIEND #18

40 0 0
                                    

BESTFRIEND #18

NICZ’S POV

Tapos na ang foundation at nakuha na ni Micz yung 1st kiss ko, hahahaha ^////////////////^, wala pa akong naiisip na regalo sa V-Day! >O<

What should I do?!

“Kuyaaaaaaaaaa! Anong magandang gift pwede sa isang guy?!”

“Oh bakit?! Sa V-Day ba?! May boyfriend ka na?! Ayieeeeeeeeeh!”

“Cheee! Ano ngaaaa!”

“Alam mo, kaming mga lalaki, mahilig kami sa material things, pero kahit ano namang galing sa loved ones namen, sobrang appreciated na namen yun.”

“Iregalo ko sarili ko ganun?! Saan ako pwede? Balikbayan box o yung box ng orocan?! XD”

“Hahaha loka, pwede din yung pinaghirapan. Mas maganda kung ginawa mo imbes na binili mo.”

“Bagay na pinaghirapan?!”

“Haha oo nga, may boyfriend ka na ngaaaaaaa?!”

“Walaaaaaaaaaaaaaaaaa!” Bumalik na ko sa kwarto ko at nagpagulong gulong sa kama habang nag-iisip.

Ano bang maganda?! Yung hindi pa nagagawa sa kanya?!

Nagbrowse-browse lang ako sa phone ko.

Napunta ako sa gallery.

Nakita ko yung folder ko dun na merong 40 pictures nya.

“Hohohoho! Alam ko naaaa!”

____________________________________________________________________________

Sa school kami ngayon, 3 days before the V-Day.

Aigoo, andameng vacant namen dahil panay absent yung mga teachers eh.

Dala-dala ko na yung mga gamit ko.

Nagdecide ako na gumawa ng parang ScrapBook na puno ng pictures nya.

Pwede na yun ‘di ba?! XD

Pumunta kaming tropa sa may likod ng school.

“Oy guys may secret ako ah, pero wag niyo muna sasabihin sa iba!”

“Ano naman yun?!” Sagot naman ni Shyz.

Nilabas ko na yung tatlong folder, hinati ko na yun nung gabi, 2 pink tsaka 1 blue.

Dinikitan ko na ng designs yung blue folder.

Yung mga pictures ni Micz, ni-print ko sa’min ng wallet size tsaka 2x2 din pati 2 pictures ko din.

Namili din ako ng construction papers tsaka mga scrapbooking stickers.

“Whoa ano yan?!” Sabat naman ni Katz.

“Haha papang-gift ko kay Micz sa Valentine’s Day.”

“Hala girl, ‘di mo ginawa yan kay Jigz ahh, mahal mo talaga noh?!” Comment ni Liz.

“Oo naman noh! Lahat gagawin ko para mapasaya sya, alam ko namang worth it ‘tong pagod na gagawin ko noh!”

“Shet kinikilig ako ay!” Eto talagang Liz na ‘to, mahilig magmura, pakihalikan nga ito ng malinis yung bunganga nyan! XD

Tapos pinagkikiliti nila ako.

Maya-maya nag-aya sila sa library para daw maki-WiFi at magawa ko daw yung gift na walang nakakakita.

Yown oh!

Halfway pa lang ako dun, nung napagod na ako.

Vacant din nila Micz nun, tinabi ko na baka makita kami sa library eh.

Nung gabing yun, dinikit ko na yung mga pictures. Para bukas naman yung mga message ko sa kanya.

____________________________________________________________________________

Lumipas yung natitirang araw bago mag-Valentine’s Day.

Successful naman yung gawa ko!

Yehey! Sana magustuhan nya noh?!

Yung parang scrapbook na yun connected ng mga rings yun, may pictures at caption.

May letter din ako sa harap, pati sa likod, syempre nandun yung pictures ko.

Tapos nun tinalian ko ng pink at blue ribbon.

Favorite nya kasi yung color pink, ako blue.

Kasama nun yung couple shirt.

Sana magustuhan nya talaga.

____________________________________________________________________________

Valentine’s Day!

Nagbatian kami ng aking Hubby sa phone.

Nung nasa service ako, ingat na ingat ako sa bag ko, eh kasi nandun yung gift ko, baka kasi masira ehh! >O<

Pagkababa ko, syempre nandun na yung Mahal Ko ahihi.

Hindi naman ako nag-eexpect ng kung ano sa kanya kaya wala naman sa’ken na wala syang dalang flowers o gift man lang. Okay lang naman yun eh. Wala naman sa gift yun para maging masaya yung special day niyo ng mahal mo.

Pagkadating ko na room, mabilis kong kinuha yung gift sa bag ko at lumabas.

Nagulat pa sya nung inabot ko na sa kanya yung gift.

“Waaaaaaaah Mama?!”

“Hahaha Happy Valentine’s Day po ^__________^”

“Waaaaaaahhhhhh thank you po! Happy Valentine’s Day din, sorry po wala man lang akong regalo sa’yo! T^T”

“Hahaha ok lang yun!” Sabay hug nya sa’ken, awww nagustuhan nya! (^O^)d

Sabay takbo nya sa room nila at naghihihiyaw habang tinitingnan yung gawa ko, hahaha ang kulit lang eh noh?!

Pumasok ako ng room at nagtanong kung may assignment, nagpasama ako kay Ailz lumibot, 1st time nya kayang pumasok ng maaga. XD

Bagong gupit kasi hahaha.

‘Di ko kasi matanaw si Micz sa room nila, saan naman nagpunta yun?! ‘Di ba kami magdedate ngayong umaga? :3

Kadayaan oh.

Hanggang sa napunta kami sa pinaka main building ng campus namen.

And I saw My Micz, tumatakbo, may dalang bouquet of flowers. O/////////////////////////O

Kaya ba wala sya kanina?! O///////////////////////O

“Haha Mama oh.”

“Wah?! Sa’ken?!”

“Oo naman! Kanino pa ba? (^O~)”

“Waaaaahhhh thank you!”

Kinantyawan naman ako ni Ailz.

3 roses laman nung bouquet, I Love You yun ‘di ba?! Ahihihi kinikilig ako, ey nu bey?! ^//////////////////////////^

Syempre kahit V-Day kailangang magklase.

Dahil ako ang kaisa-isahang may rose ngayon sa room, ayun kadami-daming kantyaw at asar ng mga teachers namen.

Pagdating nung hapon hindi na ko sumabay sa service. Nag-double date kami nila Jainz haha. Mawawala ba ang XOXO?! Hahaha, ehhh nakakiss na sa lips, may magagawa pa ba ko?! XD

Suot na din naming yung couple shirt namin ayieeeeeh haha.

Kaen-kaen lang kami nun.

Pagdating ng 6 PM umuwi na ko.

Pagkauwi ko, pinicturan ko yung flowers hahaha tapos inalis ko sa bouquet yung 3 roses, nilagay ko sa tupper ware at nilagay ko sa ref para ma-preserve.

Yung wrapper at ribbon sa bouquet tinabi ko dun sa can ng BearHugs na bigay ng aking Mahal nung 1st Monthsary namen.

Text-text lang kami ng Mahal Ko.

Super kinikilig much lang.

I'M LUCKY I'M INLOVE WITH MY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon