BESTFRIEND #28

22 0 0
                                    

BESTFRIEND #28

NICZ’S POV

Pagkabukas ko ng box, may laman yung letters, apat na letters na nasa memo pad na kasing laki ng ¼ sheet na papel tapos may isang silver infinity ring.

Nagsimula na namang tumulo yung luha ko.

Binasa namin ni Nadz yung unang sulat.

~Letter #1

Waaaaaaaahhhh ang hirap naman dito sa maritime, hindi tuloy kami makakapagdate ng mahal ko tapos laging patago pa kaming nagkikita. Pero syempre kailangang magtiis at magsakripisyo sa mahal mo ‘di ba? Kaya yun ang ginagawa ko, sobrang saya ko kasi kahit na nahihirapan kami ni Nicz, hindi pa rin sya sumusuko at nagsasawa sa sitwasyon namen, mahal na mahal na mahal na mahal ko talaga sya. Kaya magsisikap akong makatapos, makapag-ipon ‘pag nagtrabaho na ko tapos magpapakasal na kami Hihihi!.~

“Waaaaaaaaaahhh Nicz! Huhuhuhuhu answeet naman nya!” Parang tanga ‘tong si Nadz, umiiyak na nga kami ay.

~Letter #2

Natapos na yung 2nd at 3rd anniversary namen, medyo busy kami eh kaya ayun ‘di tuloy kami nagkatime para sa isa’t-isa, syempre naiintindihin naman namen ang sitwasyon namen, haaaay kahit na nagkakasama kami lagi in an act as bestfriends parang namimiss ko pa din sya, hahaha nakakabaliw talaga ‘pag in love, sana makagraduate na kami agad, excited na kong makasama sya habangbuhay.~

Humahagulogol na ko, ‘di ko alam kung bakit, sobrang namimiss ko na din sya, miss na miss na din kita Micz.

~Letter #3

4th anniversary na namen! Nakakaexcite, nung nagcruise kami sa isang bansa nung 2nd year college kami para sa isang project, nakabili ako ng simpleng silver infinity ring, tapos sa loob nung ring nakasulat ‘I LOVE YOU’, bagay na bagay sa kanya yun, tsaka ayaw nya daw ng gold eh kaya silver na lang haha. Excited akong pumunta sa tagpuan namen, kaso biglang dumating si Maldz, ni-black mail nya kami. Isusumbong nya daw kami sa Dad nya kapag ‘di daw ako pumayag na maging boyfriend nya, at wag na wag ko daw sasabihin kay Nicz. Nung hinalikan ako ni Maldz, pumapalag ako, kaso sinasabunutan nya ko at iniisip ko yung magiging kalagayan namin ni Nicz, maling mali yun kaya kumalas ako, nandidiri ako sa sarili ko. Tapos nakita kami ni Nicz, kailangan kong magsinungaling, kahit mahal na mahal ko sya, kailangan magsakripisyo hindi ba?! ‘Pag natapos na ang lahat, gagawin ko ang lahat para mabawi sya.~

Micz! ‘Di ba sabi mo kung anong problema ng isa, problema nating dalawa?! Nakakainis ka! Bakit ikaw lang dapat? Gusto ko ako din! Gusto ko ako naman ang magsasakripisyo para sa’yo kasi mahal na mahal kita! Kainis ka!

“Woy Nicz, wag ka ng umiiyak oh, eto na yung last letter.”

~Letter #4

Paalis na kami papuntang Europe, may gagawin kaming malawakang research, hindi ko talaga alam kong kailan matatapos yun, ang sabi ng chieftain bago daw mag-graduation pero hindi rin sure yun. ‘Di ko din alam kung ba’t ba ko nagsusulat sa memo pad na ‘to hahaha, ang totoo nyan ibibigay ko ‘tong letters na ‘to sa kanya sa graduation namin tapos magpapaalam na ko sa magulang ni Nicz na payagan na kaming maging KAMI. Sabi ko kay Januz ibigay ‘to sa 5th anniversary namen, hindi naman kami nagbreak eh, kami pa rin ‘di ba? Nicz, ‘pag nabasa mo ‘to, isuot mo yung singsing ha, tanda yan ng pagmamahal ko sa’yo, ‘di ko lang sure kung kasya sa’yo hehe, ‘pag hinahawakan ko kasi ang kamay mo, parang sukat na sukat ko na yung mga daliri mo haha, kung ‘di man ako makabalik agad, marerecognize kita dahil dyan isuot mo ha. Babawiin kita, matatapos din ‘tong pagsubok na ‘to kaya naten ‘to, hintayin mo ko Nicz ha? Mahal na mahal kita, habangbuhay yun.~

Kinuha ko yung singsing at sinuot sa ring finger ko sa kaliwang kamay ko.

Kasyang-kasya.

Lalo akong naiyak.

Sobrang hirap naman neto, hihintayin kita Micz ha, bumalik ka kagad please, hihintayin kita, pangako yun.

Bigla naman nagring ang phone ko.

Baka si Micz ‘to!

>>>Tita Calling<<<

“Uhmm Tita bakit po?”

(“Nicz ***sob*** si lola mo...”)

“Oh baket po Tita? Bakit po kayo umiiyak?” Tumingin ako kay Nadz, nakaloudspeaker kasi ang phone ko.

(“Si ***sob*** lola mo ***sob*** wala na sya.”)

“Po?!” Nagsimula na naman akong umiyak, ano ba naman yan, yung dalawang taong mahal ko pareho nang nawala, Lord?! Baka gusto nyo pa pong dagdagan?!

(“Susunduin ka namin dyan ha ***sob***”)

“O-opo.”

***TootToot***

“Nicz?” Tumingin ako kay Nadz na umiiyak na din.

Niyakap ako ni Nadz ng mahigpit, ganun din ako.

Salamat kasi nagkaroon ako ng kadamay sa oras na pakiramdam kong iniwan na ko ng mga mahal ko, ano bang nagawa ko at napaparusahan ako ng ganto?

____________________________________________________________________________

“Niiiiiiiiiiiiccccccccccccczzzzzzzzz! Waaaaaaaaaaaaaah huhuhuhu graduate na tayo!” Nagtatakbo si Nadz papunta sa’ken at sinunggaban ako ng yakap.

“Haha malamang.”

“Waaaaaaaaaaahhhhhh excited na kong magcruise! Makakapunta na ko ng ibang bansa without the ka-ekekan ng passport at visa! At for free pa! Yehey!”

“Haha ako din.”

Lumapit sa’ken si Dad, si Tita, si Kuya Franz at Ate Shainz at ang kapatid kong si Nigz. Sana nandito si Lola noh? Siguro masaya na sya ngayon, nakikita naman nya siguro yung pasaway nyang apo, graduate na ngayon, haha. Namimiss ko na sya.

“Congrats anak, pakabaet ka na ha! Magtrabaho ka muna bago mag-asawa, papag-aralin mo pa ‘tong si Nigz.”

“Haha opo Dad, may girlfriend na ata yan ehhh!”

“H-hoy wala ahhh! Upcoming 1st year college pa lang ako noh!”

“Haha asus! Dito kita papag-aralan ng tumino ka! Bwahaha bleeeeeh!”

“Dad nga oh si ate!”

“Hahaha Nigz para kang bata nyan eh, congrats sa maganda kong pamangkin!” Bineso naman ako ni Tita pati si Ate Shainz.

“Woyyy! Congrats!” Syempre ang makulit kong Kuya si Kuya Franz.

Bale nag-uuwian na yung iba, tapos na yung ceremony eh. Luminga-linga ako para magbakasakaling makita ko sya, pero isang malaking FAIL lang.

“‘Di pa rin sya umuuwi noh?” Nakita ko si Januz na nasa tabi ko na kagad. Napatungo na lang ako.

“Oo.” Wala akong masagot, tutulo na naman yung mga luha ko! Bigla naman akong inakbayan ni Januz kaya napatingala ako sa kanya kaya agad naman nyang pinunasan yung luha ko.

“Sabi sa’ken ni Micz, alagaan kita, congrats nga pala.”

“Congrats din sa’yo tsaka kaya ko na ang sarili ko.”

“Haha wag ka ng mahiya, magkaibigan tayo Nicz, wag mong kalimutan ha?”

Tapos umalis na sya.

Haaaaaay kailan ka ba uuwi Micz? Miss na miss na kita.

Tiningnan ko yung infinity ring na nasa daliri ko.

“Hihintayin pa din kita.”

I'M LUCKY I'M INLOVE WITH MY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon