BESTFRIEND #27

21 0 0
                                    

BESTFRIEND #27

NICZ’S POV

“Aahhhh! Bwisit ka Nadz masakit ay!”

“Tanga ka pala eh! Ang masokista mo rin ano?! Ba’t kasi yan pa ang naisip mong plano ha?! Tamo! Bukol, pasa, gasgas at sugat naaabot mo eh! Pwede namang iba ba’t yun pa?!” Kasalukuyang ginagamot ni Nadz yung mga sugat na nakuha ko sa Maldz na yun.

Masakit ha, pero parang nawala yun nung niyakap ako ni Micz.

Nawala yung sakit bigla, kahit yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko, nawala bigla.

Ramdam kong mahal pa nya ko, hindi ako nagkakamali dun, mahal pa nya ako.

“Hoy ba’t ngumingiti ka pa dyan ha! Tingna mo nga yang mukha mo oh!

“Hahahaha ano ka ba Nadz! Mahal pa ko ni Micz! Yeeeeeeees! Akala ko talaga pinagpalit nya na ako!”

“Gaga! Wala naman kasi syang sinasabing hindi ka na nya mahal! Loka-loka ka din kasi eh! ‘Di mo man lang sya pinag-explain!”

“Oo na! Oo na! Ako na tanga!”

Tinapos na ni Nadz yung paggagamot sa’ken.

Mabilis ko syang iniwan para puntahan si Micz, gusto kong marinig yung side nya at magsorry.

Sinimulan ko sa dorm nila, nakita ko si Januz papalabas sa kwarto nila.

“Oh Nicz bakit?”

“Uhmm ano e-eh Januz, nandyan ba si Micz?”

“H-hah? S-si Micz, a-ano, w-wala eh. Bakit anong kailangan mo sa kanya?” ‘Di sya makatingin sa’ken, nagsisinungaling sya.

“Sigurado ka?” Sarcastic kong tanong sa kanya.

“Oo, ano bang relasyon nyo ni Micz?!”

Imbis na sagutin ko sya, nagtrespass na ko sa kwarto nila.

Hinanap ko si Micz, at ayun, kasama si Maldz.

Alam nyo yung masakit? Kahit halata kong ayaw ni Micz, hinahalik-halikan sya ni Maldz sa leeg. Pareho pa silang nakahiga sa kama pero nasa ibabaw ni Micz si Maldz.

Napakuyom na lang ako ng kamay ko.

At hinablot yung buhok nung malanding babae at imbis na sampalin ko sya, binigyan ko sya ng matinding upper cut, pasensya, hindi ako kilos babae.

“Nicz!” Inawat ako ni Januz nang sisikmuraan ko na sana si Maldz. Napako na lang yung tingin ko kay Micz na gulat na gulat na ngayo’y nakaupo na sa higaan nya.

“Nandito ka na naman! You bitch! Ahhhhhhhhhhh!” Susugudin sana ako ni Maldz pero inawat sya ni Micz.

“Nicz, bakit ka umiiyak?!” Sabi sa’ken ni Januz O_O. Umiiyak na pala ako, lagi na lang akong umiiyak.

“Hoy babae! Did you already forgot the deal huh?! Are you dumb hah?!”

“Kakausapin ko lang si Micz!”

“You don’t have to! He’s mine! Mine!”

Pinigil na ko ni Januz kasi ‘di ko na kaya. Binalibag ni Micz si Maldz sa sahig at pumunta sa’ken at hinalikan ako. O_O

Si Maldz pati si Januz nagulat sa ginawa nya.

“Mahal kita, mahal na mahal, sorry, sorry Nicz, kailangan ko ‘tong gawin, para sa’yo, para sa’ten.”

“Pero bakit ganto?! Wala na bang ibang pa-” He shut me up with a kiss again.

“Do you trust me?”

I'M LUCKY I'M INLOVE WITH MY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon