Three

12.3K 510 45
                                    

Rhett lester's P.O.V

"Hindi tayo maghihiwalay."

"Hindi tayo maghihiwalay."

"Hindi tayo maghihiwalay."

"Hindi tayo maghihiwalay."

"Baliw ka na Rhett Lester!"

"Baliw ka na Rhett Lester!"

"Baliw ka na Rhett Lester!"

"Baliw ka na Rhett Lester!"

Kanina pa ako nag pagulong-gulong sa kama ko. Kanina pa ako parang baliw na inaaway ang sarili ko at higit sa lahat kagabi pa akong walang tulog dahil sa lalaking yun. Okay! fine! dahil pala sa lintik na kambal ko. Fine! dahil pala sa kagaguhan, katangahan at kabaliwan ko.

Hindi ko na nga matandaan kung paano ako nakaalis sa lugar na yun. Kung paano ako nakaalis sa harapan ng lalaking yun. Kung paano ako nakauwi ng buhay! Ang laki kong tanga. Ipinahiya ko ang isang lalaking walang kamalay-malay sa nangyari. Bakit kasi may kambal din ang ex boyfriend ng kambal ko? Bakit kasi nagpauto ako sa kambal ko at bakit kasi tanga ako?!

"Hindi tayo maghihiwalay."

Shit! Naaalala ko na naman ang mga salitang yan. Ang mga salitang huli niyang sinabi bago ako nagmamadaling umalis sa harapan niya. Sa harapan ng maraming tao.

Naaalala ko ang mukha niya sa t'wing sinasabi niya ang mga salitang yan. Ang mukha niyang nagsasabing humanda ako.

God! Ano na kayang mangyayari sa akin? Shit! Natatakot ka ba Rhett Lester? Nababakla ka na ba? No! Hindi ako nababakla. Hindi ako mababakla!

Baliw na nga yata ako. Nagtatalo ang isip ko sa mga iniisip ko!

"Hey! Ano bang problema mo?"

Tiningnan ko nang masama ang kambal ko na nakatayo sa harapan ko. Tingin na tatagos pati sa kaluluwa niya. Tingin na nakakamatay at sana mapatay nga siya nang tingin ko!

Tinaasan niya lang ako ng kilay at tumawa siya.

"Let's go out and get something to eat. Alam ko nagugutom ka na rin." Sabi niya na para bang wala lang sa kanya ang mga nangyari.

Sinamaan ko siya nang tingin. Umaasa ako na sa mga tingin kong yun mapapatay ko siya. Pero dahil demonyita 'tong kambal ko kaya mahirap itong patayin.

"Bakit ba ang sama nang tingin ng kambal ko sa akin?" Pa inosenteng tanong nito. Umupo ito sa kama ko. Nakadapa lang ako sa kama habang nakatingin pa rin nang masama sa kanya. "Kawawa naman ang bunso ko. Kagabi pa walang tulog. Hindi ka rin lumalabas para kumain. Ikaw kasi eh! Ba't ang tanga mo?" Malamlam ang mga mata nito.

Sa mga taong hindi nakakakilala sa kanya iisipin siguro na naaawa siya. Pero dahil kambal kami kaya alam kong inaasar niya ako. Alam kong pinipikon niya ako at alam ko sinusubukan niya ang pasensiya ko.

"Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong mapatay kita. Kung ayaw mong hatiin ko yang katawan mong nagmamayabang sa taba. Kunin ang laman nito at ipakain sa aso." Pananakot ko kahit imposibleng matakot ito.

"Oh dear! I'm scared." Sabi nito na umaakto pa na parang natatakot. Pagkatapos ay tumawa ito. "Ako pa tinatakot mo? eh ako nga madalas gumawa ng mga bagay na yan eh." Kibit balikat na sabi niya.

Ginagawa niya ang mga bagay na yun! Hindi nga lang sa tao kundi sa mga hayop. Kadalasan ay sa mga pusang itim. Malas daw ito kaya kinakatay niya.

Gusto niya maging doctor or scientist. Kaya yung mga walang kamalay-malay na hayop ang nadidiskitahan niya. Hindi niya naiisip na ang mga doctor nagliligtas ng buhay hindi pumapatay.

Twisted RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon