Heaven's P.O.V
"Wag kang mag-alala. Ako yung magiging Super hero mo. Nandito lang ako bunso."
"Si kuya Jeroe.. Hindi naman siya mawawala eh! Siya lang ang gusto ko maging Super hero. Siya lang!"
"Ssshhh.. Eh di kaming dalawa ang magiging Super hero mo. Basta nandito lang ako para sa 'yo..
Forever na kaya tayo magsasama."
"Promise? Cross your heart hope to die?"
"Promise! Ikaw lang kaya ang bunso namin."
Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.
*****
Finally...
I found you.."
'Yan ang mga salitang nagpagising kay Rhett mula sa mahimbing nitong pagkakatulog. Alam kong napagod siya dahil sa pag angkin ko sa kanya kagabi.
God! seeing him lying in my bed now, naked and–Shit! parang gusto ko na naman siyang angkinin.
Alam kong hindi ako bakla. Malibog lang ako at nagkataon na sa t'wing nakikita ko siya nagiging active ang pagkalibog ko! Bakit kasi ang lakas ng dating niya sa akin?
Ilang sandali pa kaming nag usap bago siya nagmamadaling umalis. Napansin ko pa ang pa ika-ika niyang paglakad. Ayaw ko pa nga sana siyang pauwiin. Muntik ko pa nga naisip na ikulong na lang siya dito sa condo ko but then I realized, bakit ko yun gagawin kung hindi ko naman siya gusto. Kung hindi naman siya babae!
I sigh! Inaamin ko, wala sa plano ang angkinin siya. Ang gusto ko lang ay gamitin siya para bumalik sa akin si Niexy. Dahil alam ko na sa oras na malaman ni Niexy na lalaki ang ipinalit ko sa kanya ay babalikan niya ako. At mas lalong alam ko na kapag nalaman niyang si Rhett Lester ang lalaking matagal ko nang hinahanap–na si Rhett Lester si Bunso ay mas lalo siyang gagawa nang paraan para mabawi ako. Para bumalik ako sa kanya. Pero iba ang ikinilos ni Niexy and I admit na hindi maganda ang mga nasabi ko patungkol kay Lester.
Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa drawer na nasa tabi ng kama. Inabot ko ito at sinagot.
"Baby..."
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Si Niexy. Mukhang umiiyak siya. Napalunok ako bago nagsalita.
"Baby? What's wrong? Umiiyak ka ba?" Ang nag-aalala kong tanong.
"I need you now, by.." Narinig ko pa ang paghikbi niya. "By? nandito ako sa may ilog. Sa tagpuan natin. Pupuntahan mo naman ako di ba? Pupunta ka di ba? I'll wait for you."
"Oo naman. Pupuntahan ko yung baby ko. Dyan ka lang. Wait for me ha?" Papatayin ko na sana ang cellphone nang bigla siyang nagsalita.
"I love you baby."
Napatigil ako sandali.
I love you?
Dati sa t'wing naririnig ko sa kanya ang mga salitang yan ay maguguhit sa aking mga labi ang isang ngiti.
But now, Shit! I can't explain! Matagal ko nang gusto marinig ang salitang yan mula sa kanya. Ngayon na sinabi na niya hindi ko naman alam kung tutugon ba ako. Nalilito ako!
"Baby?"
"Ha? Me too." Sagot ko bago pinatay ang phone.
Hey! Heaven, what's wrong with you? Di ba gusto mo marinig ang mga salitang yun?
Bigla kong naalala ang mukha ni Lester. Ang nakangiti niyang mukha.
Shit! Napailing na lang ako.
BINABASA MO ANG
Twisted Revenge
Roman pour AdolescentsWhat if my deal kayo ng Twin Sister mo? What if kung ang deal na yun ay ang gantihan mo ang ex-boyfriend niya? and What if ang nagantihan mo ay ang Twin brother ng ex-boyfriend ng Twin Sister mo? WARNING!!! This Story contains mentions of BOYxBOY...