Hindi ko alam kung mapapaluha ko kayo, basta ako tumutulo yung luha ko habang ginagawa ko ang chapter na'to. May pagka ma drama ang part na 'to.
No proofread so bear with the typo error hehehe :D
-----
Mahal kita..
Lester...
Bigla na lang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Kahit umaasa ako na sana tama ang mga hinala ko ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng lungkot at sakit. Kasi alam ko naman na 'tong mga kakaibang namumuong damdamin dito sa puso ko ay hindi ko maipaglalaban.
Ikaw ba? Ikaw ba talaga si Bunsoy?
Gusto kong isigaw ang mga tanong na yan sa kanya. Gusto kong sumigaw para magising siya at sabihin na niya sa akin ang lahat. Ang lahat-lahat! Pero hindi ko magawa.
Dahil wala akong lakas ng loob?
Dahil natatakot ako? O
Dahil kahit malaman ko pa ang lahat at ang katotohanan ay hindi na pa rin mababago nito ang lahat?
May girlfriend na siya at ako?
Hindi na rin magtatagal..
Imbes na gisingin siya ay mas pinili kong lumabas na lang. Pakiramdam ko kasi hindi na ako makahinga dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ko. Ngayon palang nalulungkot na ako habang iniisip ang mga posibleng mangyari pagdating ng araw.
Lumabas ako ng silid na 'yun na may luha pa rin sa mga mata. Naglakad ako palayo. Ang gusto ko lang ay ang makalayo. Ang mapag-isa. Ang maisigaw at maipalabas 'tong nararamdaman ko. Lakad lang ako nang lakad. Wala akong pakialam sa mga tao na nakakasalubong ko. Alam ko na padilim na rin dahil sa alas siete na nga ng gabi at bukas pa ng umaga magsisimula ang training at seminar namin.
Pero napahinto ako sa paglalakad nang mapansin kong may humarang sa daanan ko. Nang tumingala ako ay nakita ko ang malungkot na mukha ni Niexy.
"Pwedi ba tayong mag-usap?" Ang sabi niya. Tatanggi sana ako kung hindi niya lang ako hinawakan sa kamay at kung hindi ko lang nakikita ang lungkot sa kanyang mga mata. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango at pagbigyan siyang mag -usap kami.
Sumunod lang ako sa kanya sa paglalakad. Nasa likuran niya ako at tinitingnan ko lang siya. Mukhang seryoso ang pag-uusapan namin dahil sa lalim nang iniisip niya. Napapansin kong palayo na kami sa mga kasama namin. Nag-aalala ako. Hindi para sa sarili ko kundi para sa kanya dahil babae siya at gabi na rin. Hindi rin naman namin kabisado ang lugar. Nang mapansin kong huminto siya dun ko lang din napansin na ang layo na pala ng aming narating. Malapit na kami sa kagubatan at may mga malalaking bato na rin kaya kung may maghahanap man sa amin hindi agad kami makikita. Humarap siya sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Kahit may kadiliman sa paligid ay nakikita ko at nababasa ang sobrang lungkot na nababalot dun dahil sa liwanag na nagmumula sa bilog na buwan. Binigyan niya ako ng isang pilit na ngiti at saka niya ako tinalikuran at humarap siya sa dalampasigan.
"Napakaswerte ko sa kanya.." Ang pagsisimula niya. Alam kong si King ang tinutukoy niya. Nanatili lang akong nakatayo sa kanyang likuran at hinihintay ang iba pa niyang sasabihin. "Pero sinayang ko 'yun. Sa aming dalawa ako yung unang nagkamali. Ako yung naduwag na ipaglaban ang pagmamahalan namin sa mga magulang namin. Nakakatawa, dahil kung kailan okay na. Kung kailan maayos na at tanggap na tanggap na ng mga magulang namin yung relasyon namin saka naman siya nagbago." Humarap siya sa akin at tinitigan ako. "Nang makilala ka niya-bigla siyang nagbago. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi ka niya madaling kalimutan eh. Maiintindihan ko naman kung gusto niyang mapalapit sa 'yo at maging kaibigan ka. Pero hindi ko maiintindihan at matatanggap kung mamahalin ka niya." May luha nang tumulo sa kanyang mga mata. Gusto kong magsalita pero wala namang mga salita ang gustong lumabas sa bibig ko. "Pero sadyang nagbago na nga ang lahat kasi... minahal ka na niya. Alam ko hindi siya bakla at kailan man hindi siya magiging bakla. Sadyang iba ka lang talaga." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Tumingin siya sa akin na may pakikiusap sa kanyang mga mata. "Una naman siyang naging akin eh... Nakikiusap ako. Pwedi bang wag mo siyang mahalin. Pwedi bang wag mo na lang siyang pansinin at balewalain mo na lang ang mga pinapakita niya. Nandiyan naman si Kuya Lucas. Nandiyan naman ang bunsoy mo, siya na lang ang mahalin mo. Si kuya na lang. Mahal na mahal ka naman ni Kuya eh." Bigla siyang lumuhod sa harapan ko habang humahagulgol ng iyak. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong umiyak. Naaawa ako kay Niexy. Naaawa ako sa sarili ko. "Rhett, mahal ko si King... Mahal na mahal."
BINABASA MO ANG
Twisted Revenge
Novela JuvenilWhat if my deal kayo ng Twin Sister mo? What if kung ang deal na yun ay ang gantihan mo ang ex-boyfriend niya? and What if ang nagantihan mo ay ang Twin brother ng ex-boyfriend ng Twin Sister mo? WARNING!!! This Story contains mentions of BOYxBOY...