Chapter Seven

304 8 3
                                    

Chapter Seven

Biglang nagising si Princess sa tunog ng kanyang telepono. Si Jake na tawag.

"Good morning mahal ko. Mukhang tulog ka pa dahil ang tagal bago mo nasagot ang tawag ko." Bungad ni Jake.

"Good morning din mahal ko. Bakit anong oras na po ba at parang atat ka ata sa pag tawag mo?" Tanong ni Princess.

"7am na po. Di ba may pasok ka ngayon. Sunduin kita para sabay na tayo pumasok sa school. Paalis na ako ng bahay. Mamayang lunch pala gusto ka makilala ng mga kapatid ko." Sabi ni Jake.

"Okay sige po mag reready na po ako. 10am pa naman ang klase ko hanggang 11:30am. Saan ba mag lulunch para makapag ayos naman ako." Sagot ni Princess.

"Sus, di mo naman kailangan mag ayos dahil maganda ka na. Doon tayo sa restaurant nila Kuya kakain. I mean sa kaibigan ni kuya. Masarap dun promise." Sagot ni Jake na para bang natataranta.

"Bakit para kang natataranta ka sa pag sagot sa akin?" Tanong ni Princess.

"Ano ka ba akala mo lang yun? Sunduin kita okay nandyan na ako within 1 hour. I love you mahal ko." Sagot ni Jake.

"Okay. See you soon. I love you too. Ingat sa biyahe." Sabi ni Princess.

Tumayo na at pumasok sa banyo si Princess. Habang naliligo si Princess ay hindi pa rin mawala sa isip nya kung bakit ganun ang sagot ni Jake sa kanya. Hindi kaya may nililihim ito sa kanya. Naisip na lang nya na baka may supresa ito sa kanya. Mahilig kasi itong mag bigay ng kung anu anong supresa sa kanya.

"Princess, nandito na si Jake" sigaw ng mama ni Princess mula sa baba. 

"Pababa na ako ma." Sigaw ni Princess

Tumingin ulit si Princess sa salamin para tigan kung okay na ba ang kanyang damit. Simpleng damit lang kanyang sinuot. Gusto kasi nya na magustuhan sya ng mga kapatid ni Jake sa kung ano sya at sa kung anong meron sya. Ngayon lang kasi sya ipapakilala ni Jake sa mga kapatid nito. Kaya kahit kabado eh masaya na din sya. Pag baba ni Princess mula sa itaas ay wala si Jake sa sala. Hinanap nya ito at nakitang nasa kusina ito kasama ng kanyang magulang. Narinig nya itong nag uusap.

"Jake Ma Pa? Anong pinag uusapan nyo?" Tanong agad ni Princess sa kanila.

"Tito Tita mauna na po kami ni Princess. Ako na po ang mag sasabi sa kanya." Pag papaalam ni Jake.

"Alis na kami Pa. Malalate din po ako umuwi kasi po birthday po ng kapatid ni Jake." Sabi ni Princess.

"Nasabi na ni Jake yan kanina. Ingat kayo. Jake dahan dahan sa pag mamaneho." Paalala ng papa ni Princess.

"Opo tito." Sagot ni Jake.

Pag labas nila Jake at Princess ay nag taka si Princess dahil wala doon ang kotse ni Jake pero may ibang kotse na nakaparada sa tapat ng bahay nila. 

"Jake asan ang kotse mo? Iyan bang nissan sa tapat ng bahay namin?" Tanong ni Princess.

"Oo. Nissan 370Z, bigay ni mama sa akin nung isang araw. Maganda ba? Sagot ni Jake.

"Oo, maganda at mukhang mamahalin." Sagot ni Princess sa kanya.

"Halika na at baka malate pa tayo." Nag mamadaling sagot ni Jake.

Pag kasakay ni Princess sa sasakyan ay nahalata niyang bagong bago pa ito. Kaya nag simula na siyang mag tanong.

"Jake anong pinag usapan nyo nila Papa?" Tanong ni Princess.

"Ipinag paalam lang kita. Gusto kasi nila kuya na pumunta sa Boracay sa sem break. Kami lang mag kakapatid kasama mga asawa nila. Eh wala naman akong asawa kaya sabi ko future asawa na lang isasama ko." Sabi ni Jake.

Mananatili Kang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon