Chapter Eight

598 13 12
                                    

Chapter Eight

Tahimik ang sasakyan ng pauwi sina Jake at Princess. Kahit kasi anong tanong ni Princess kay Jake ay tila may nililihim ito sa kanya. Para hindi sila mag away ay minabuti na lang ni Princess ang manahimik hanggang makarating sila sa bahay.

"Jake, thank you sa pag hatid sa akin. Hindi na kita yayayain pang bumaba dahil masyado ng gabi panigurado tulog na din sila papa." Sabi ni Princess.

"Okay lang Princess, tawagan na lang kita pag dating ko sa bahay." Malumanay na sabi ni Jake.

"Okay sige ingat ka." Paalam ni Princess.

Pag pasok ni Princess sa bahay ay dumiretso na sya sa kanyang kwarto. Nag hilamos at nag palit na din siya ng damit pangtulog. Habang nakahiga siya sa kama ay hindi mawala sa kanyang isip kung bakit ganun si Jake kanina sa restaurant. Parang may tinatagong hindi mawari. Hindi din ito nag salita nung pauwi na sila. Nararamdaman niya na may tinatago si Jake sa kanya at kailangan nya itong malaman.

Nagulat si Princess ng biglang mag ring ang kanyang telepono si Jake natawag.

"Hi mahal." Sagot ni Princess sa telepono.

"Ah Princess nandito na ako sa bahay. Tumawag lang ako para sabihin sayo." Sabi ni Jake.

"May sakit ka ba? Bakit parang matamlay ka?" Tanong ni Princess.

"Ha wala ano ka ba naman? May iniisip lang ako." Sabi ni Jake.

"Ano naman ang iniisip mo? May problema ba tayo? Ayaw ba sa akin ng mga kapatid mo?" Sunod sunod na tanong ni Princess.

"Ha hindi gustong gusto kanila kaya  nga nila ako ... " Putol na sabi ni Jake.

"Oh, nandito na pala ang baby ko halika at samahan mo ako sa baba." May babaeng boses na tumawag kay Jake. 

"Sino yun Jake at bakit baby ang tawag sayo?" Tanong ni Princess.

"Ah wala yun nangungulit lang yun." Sagot ni Jake.

"Sino nga yun Jake?" Napasigaw na tanong ni Princess.

"Wala nga yun guni guni mo lang yun. Sige na matulog na tayo dahil kung ano ano ang naririnig mo. Mag kita na lang tayo bukas sa Lopez Hotel. Good night." Sabay baba ni Jake ng telepono.

Napatanga na lang si Princess sa ginawa ni Jake sa kanya. Hindi nya alam kung bakit biglang naging ganun ang ugali ni Jake sa kanya. May tinatago ito at nararamdaman nya yun. Hindi tuloy niyang mapigilang mapaiyak hanggang sa nakatulog na siya.

"Princess Princess" Sigaw ni Carrie sa kanya mula sa Cafeteria.

"Grabe ka naman makasigaw gaano ba ako kalayo sayo." Sabi ni Princess.

"Sus eh kanina pa kita tinatawag at kinakawayan eh parang nasa ulap ka. Nabangga mo pa yung lalaki na nakatayo sa pila. Okay ka lang ba?" Tanong ni Carrie

"Nakita nyo ba si Jake ngayon? Kanina ko pa kasi siya tinatawagan at tinitext pero hindi sya nag rereply." Tanong ni Princess sa mga kaibigan.

"Eh kanina nakita ko sya sa Building B may kasamang babae at mag kaholding hands pa. Tinawag ko nga sya kasi itatanong ko kung nasaan ka pero nung nakita ako biglang binitawan yung kamay ng babae at nag maadaling umalis." Sabi ni Sam sa kanya.

Biglang umiyak si Princess. Mukhang totoo nga ang kanyang duda. Ito na kaya ang nililihim ni Jake sa kanya.

"Bes, bakit may problema ba kayo ni Jake? Akala ko ba okay kayo bakit biglang ganun. Ayaw ko na ngang sabihin sayo yun kaya lang I think na kailangan mong malaman." Sabi ni Sam sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mananatili Kang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon