CHAPTER TWO
Pag dating nila sa Veterans Hospital ay nakaabang na ang papa ni Princess sa entrance ng hospital. Huminto ang sasakyan sa tapat ng entrance na kinagulat ng papa ni Princess dahil ang nasa isip nito ay naka taxi ito. Bumaba sila ni Jake sa sasakyan pero magkahawak pa din ang kanilang mga kamay.
"Thank you so much Jake sa pag hatid mo sa akin. Ang papa ko nga pala si Daniel" sabi ni Princess sa kanya.
"Good evening po sir. Jake Lopez po." pag galang na sabi ni Jake.
Biglang tinanggal ni Princess ang pag kakahawak ni Jake sa kanyang kamay dahil nakita niya ang pag kakatitig ng kanyang ama sa binata.
"Good evening din sayo. Halika na at kanina ka pa hinahanap ng lolo mo." matigaw na sabi ng kanyang ama.
Nagulat si Princess ng sumunod pa din si Jake sa kanila. Hanggang makarating sila sa kwarto ng kanyang lolo.
"Jake, akala ko uuwi ka na? baket nandito ka pa?" nag tatakang tanong ni Princess sa kanya.
"Ano ka ba? di ba sabi ko sayo hindi kita pababayaan." sagot sa kanya ni Jake.
Habang nasa loob sila ng kwarto ay pinakilala sya ni Princess sa kanya mama, lola, mga tito at tita lalo na sa kanyang lolo. Nang makita ng kanyang lolo si Princess ay bigla itong sumigla.
"Apo, boyfriend mo ba itong si Jake?" tanong ng kanyang lolo.
Di pa sya nakakasagot ay biglang nag kausapin ng kanyang lolo si Jake.
"Jake, wag mong sasaktan ang apo kong si Princess. Sya ang pinaka paborito ko sa apo ko. Mahalin mo sya ng lubos. Ikaw pa lang ang unang lalakeng pinakilala nyang sa amin" sabi ng lolo ni Princess.
"Ay naku lolo hindi ko po sya boyfriend. Kaklase ko po sya. Hinatid nya po ako dito." sagot ni Princess sa kanya.
Hinila na ni Princess si Jake palabas ng kwarto. Hiyang hiya si Princess sa mga sinabi ng kanyang lolo kay Jake pero totoo naman ang mga sinambit nito. Walang pinapakilalang lalaki si Princess sa kanila dahil hindi pa ito nag kakaboyfriend simula pag kabata kahit marami ang nag paparamdam sa kanya.
"Ah Jake pasensya ka na sa lolo ko ha. Ganun lang talaga yun." di alam ni Princess kung ano pa ang kanyang dapat sabihin.
"Okay lang yun. Ganun talaga ang mga oldies." sambit ni Jake.
Tahimik silang nag lalakad papuntang canteen ng hospital.
"Princess, totoo bang wala ka pang pinapakilala sa kanila na naging boyfriend mo? Sa ganda mong yan wala bang nanligaw sayo? Kung sasabihin mong wala eh hindi ako maniniwala." tanogn ni Jake sa kanya.
"Sa totoo lang meron naman nanliligaw sa akin pero hindi sila pumupunta sa bahay. Ni hindi rin ako hinahatid kung baga sa school lang nila ako nililigawan. Ayaw ko kasi ng ganun. Kung talagang seryoso sila e di ba dapat napunta sila sa bahay namin at doon manligaw." sagot ni Princess sa kanya.
Pag dating nila sa canteen ay umorder na sila. Nang malalabas na si Princess ng pera pambayad, pinigilan sya ni Jake.
"Jake, ako na ang mag babayad. Nakakahiya naman sayo, hinatid na mo nga ako tapos papakainin mo pa ako." hiyang sabi ni Princess.
"Ano ka ba? Wag ka ng mahiya sa akin dahil lagi ko itong gagawin kapag mag kasama tayo." sabi naman ni Jake sa kanya.
"Palabiro ka pala." natatawang sabi ni Princess sa kanya.
Habang nakain sila sa canteen ay nag karoon sila ng pag kakataon na makapag usap ng masinsinan. Doon nya nakilala ng mabuti si Jake. Pala kwento si Jake doon ko nalaman na may business pala sila dito sa Manila at sa ibang parte ng Pilipinas. Hindi ko naman tinanong kong anong klaseng business ang meron sila baka kasi sabi nya ay usisira ako. Hinayaan ko syang mag kwento tungkol sa kanyang buhay. Nakatira sya sa Quenzon City at may 4 na nakakatandang kapatid, 2 babae at 2 lalaki. Siya din daw ang pinakapaborito sa kanilang mag kakapatid ng kanyang lolo. Nag papasalamat naman si Princess dahil hindi gaanong nag tanong si Jake tungkol sa kanya pamilya.
Pag katapos namin kumain ay bumalik na ulit kami sa kwarto. Nag paalam na din sya na uuwi na sya. Biglang nalungkot si Princess hindi niya alam kung baket parang ayaw niyang umalis si Jake. Habang nag lalakad sila palabas na ng hospital ay biglang hinawakan na naman ni Jake ang kanyang kamay. Hindi nya ito tinanggal hanggang sa makarating sila sa parking area ng hospital. Nagulat kami ng wala doon ang kanyang tatay. Tinawagan nya ito sa celphone at sinabing umihi lang daw at bumili ng pag kain sa canteen.
"Princess, hanggang ngayon hindi mo pa rin binigay sa akin ang celphone number mo?" sabi ni Jake sa kanya.
"Di ba nga sabi ko sayo wala kong celphone?" natatawang sagot sa kanya ni Princess.
"Ganun ba? O ito na lang muna ang gamitin mo kung wala kang celphone para naman matext kita at matawaga." pag papaawang sabi ni Jake.
"Hala. Ikaw talaga nag abala ka pa." sabay kuha ni Princess sa celphone ni Jake.
Nilagay ni Princess ang kanyang number at pinaring ang kanyang celphone.
"Oh ayan Mr. Jake Lopez, nailagay ko na po ang number ko at alam ko na rin ang number mo." natatawang sabi ni Princess sa kanya.
"Marami pong salamat Mrs. Princess Aquino Lopez." pabirong sabi ni Jake sa kanya.
"Oy... Ikaw ha nakakarami ka na ng biro sa akin ha. Pinag bibigyan na nga kitang hawakan ang kamay ko tapos pati ba naman pangalan ko pinag lalaruan mo." inis na sabi ni Princess sa kanya.
"Sorry po Miss Princess Aquino. Akala ko kasi makakalusot ako na maging asawa kita." sabi ni Jake.
"Hala. Asawa agad. Manligaw ka kaya muna ng malaman mo kung sasagutin kita para maging boyfriend kita tapos saka mo isipin kung pwede kang maging asawa ko dahil madami akong requirements sa lalaki." birong sabi ni Princess sa kanya.
Nang dumating na ang kanyang tatay ay nag paalam na din kami sa isat isa. Sabi nya sa akin na mag tetext sya pag dating nya sa bahay para daw hindi ako ganoong mag alala sa kanya. Mag text din daw ako pag dating ko sa bahay para alam nya kung nakauwi ako ng maayos sa bahay.
Pag balik ko sa kwarto ng akin lolo ay nag papahinga na ito. Hindi din nag tagal ay umuwi na din kami dahil may pasok pa ako kinabukasan. Naiwan doon si lola at si tita. Hanggang sa makarating ako sa bahay ay hindi pa rin siya nag tetext sa akin. Kaya minabuti ko lang din na hindi siya itext dahil sabi ko hindi ko naman siya boyfriend. Plus hindi naman din sya nag text sa akin.
BINABASA MO ANG
Mananatili Kang Mahal
RomanceTagalog version of I Still Love You. Kwento tungkol kay Princess na nainlove kay Ryan dahil sa pag pupursige nito pero hindi niya alam na meron itong malaking tinatagong sekreto. Ito ay storyang kathang isip lamang.