CHAPTER THREE
Nagising si Princess sa ring ng kanyang telepono. Laking gulat nya ng si Jake ang tumatawag sa kanya.
"Hello." halatang kagigising lang ng boses ni Princess ng sagutin nya ang telepono.
"Good morning sayo mahal ko, sorry at di na ako nakapag text kagabi. Wag ka sanang magalit." pagbati sa kanya ni Jake.
"Good morning din. Hindi ako galit sayo dahil wala naman akong karapatan magalit sayo. Hindi mo naman ako girlfriend eh." sagot ni Princess sa kanya.
"Ah okay". yun lang ang nasambit ni Jake sa kanya.
"Sige na sa school na lang tayo mag kita at mag usap." nag mamadaling sabi ni Princess.
Bumangon na si Princess at naligo agad. Habang naliligo sya ay naiisip niya ang mga sinasabi ni Jake sa kanya mula pa kagabi. Laging mag babayad ng kanilang kakainin, asawa, mahal ko, mag kahawak sila ng kamay.
"Princess, ano ba yang ginagawa mo? ano ba yang nararamdaman mo? Napakaimposibleng mag kagusto sayo yun." sabi niya sa sarili. "Dapat layuan mo na siya. Iwasan mo sya." bolong niya.
Pag katapos niyang maligo ay nag bihis at kumain na sya ng almusal. Nandoon pa ang kanyang mama at papa kaya hinatid na siya sa kanyang eskwelahan bago dumiretso sas hospital. Mahaba haba din ang kanilang biyahe kaya nag karoon ng pag kakataon na mag tanong ang kanyang papa.
"Princess, sino ba talaga si Jake? Boyfriend mo ba yun? Mukha naman mabait." tanong ng kanyang papa.
"Pa pati ba naman ikaw? Hindi ko sya boyfriend. Kaklase ko sya sa isang subject ko. Nag kataon lang na nandoon sya nung tinawagan ako ni mama." pag papaliwanag ni Princess sa kanila.
Hindi na nag salita ang kanyang papa. Mukha kasing boto ito kay Jake dahil mabait at magalang naman ito. Pag dating niya sa unibersidad ay nakita nya agad sina Carrie at Sam na nag iintay sa kanya.
"Carrie, Sam, may problema ako? need help asap." pasigaw na sabi ni Princess sa dalawa habang nag lalakad papalapit sa kanila.
"Baket tungkol ba ito kay Jake?" tanong ni Carrie sa kanya.
"Ha? Pano nyo alam? Pano nyo siya nakilala?" pag tatakang tanong ni Princess sa kanila.
"Kanina ka pa kasi nya hinahanap. Akala ko ba bastos yun eh baket parang ang bait bait naman at magalang." sabi ni Sam sa kanya.
Bago pa sya makapag salita ay biglang may umakbay sa kanya. Si Jake na sobrang bango at sobrang gwapo.
"Oh ayan na si Jake mamaya na lang ulit tayo mag kwentuhan, Princess." sabi ni Sam.
"Ingatan mo yang kaibigan namin." sabi naman ni Carrie kay Jake.
"Uyy wag nyo akong iwanan." pag pigil ni Princess.
Kilig na kilig ang dalawa habang nag lalakad papalayo sa kanila. Bigla na lang din umalis si Princess. Iniwan niya si Jake.
"Princess, bakit ka ba ganyan? Lagi mo na lang ako iniiwasan? Kanina pa ako nag tetext sayo pero di ka nag rereply? May problema ba?" tanong ni Jake sa kanya.
"Wala akong load. Malalate na ako sa klase ko kaya maiwan na kita." nag mamadaling sagot ni Princess sa kanya.
Bago pa makapag salita ulit si Jake ay malayo na si Princess sa kanya. Sa totoo lang hindi din alam ni Princess kung baket nya iniiwasan si Jake. Basta ang alam nya lang ay dapat nya itong iwasan.
Paglabas ni Princess sa klase ay nag aabang na ang dalawa niyang kaibigan. Hinila agad siya papuntang canteen para kumain at sympre usisain kung anong meron sa kanila ni Jake.
"Princess, akala ko ba ayaw mo sa lalaking bastos at walang modo? Eh bakit nakikipag usap ka sa kanya?" pang uusisa ni Carrie.
"Hindi ko nga rin alam eh. Para kasing nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Mali naman yun di ba?" tanong ni Princess.
"Bakit naman mali? Mukha naman mabait yung tao at tsaka nirerespeto ka. Tulad na sinabi mo sa amin kagabi. Hinatid ka nya sa hospital kahit di ka naman nya kilala." katwiran ni Sam.
Nakwento kasi nya sa dalawa ang mga nangyari after ng klase nila. Nagulat din ang mga ito sa mga kinuwento ni Princess.
"Anong gagawin ko? Tulungan nyo naman ako please!" nag mamakaawang sabi ni Princess.
"Alam mo Sis, why dont you give him a chance? Para malaman mo kung totoo nga sya sayo." sabi ni Carrie.
"Oo nga. Tutal nameet na naman sya ng parents at family mo. Why dont you try?" sabi naman ni Sam.
Hindi na nakasagot si Princess. Naisip din nya ang mga sinabi ng kaibigan. Why not? Mabait naman talaga si Jake.
Pag katapos nilang kumain sa canteen ay nag hiwahiwalay na silang 3. Umuwi na si Princess dahil tapos na ang kanyang klase samantalang may isa pang subject sina Carrie at Sam.
Nakalipas ang ilang araw hindi na ulit nakita ni Princess si Jake sa school. Hindi nya alam kung anong nangyari sa Jake. Hindi rin ito nag tetext o natawag sa kanya.
Dalawang linggo na kaming hindi nag kikita ni Jake, ano kaya ang nangyari dun? makakapasa pa kaya yun? Kakaisip nya kay Jake ay hindi namalayan ni Princess na kanina pa nakasunod si Jake sa kanya hanggang sa makarating sya sa klase.
"Princess, kamusta ka na?" tanong ni Jake sa kanya na para bang walang nangyari.
"Saan ka ba galing? Ni hindi ko man ako tinetext kung anong nangyari sayo. Ngayon bigla mo akong kakamustahin?" pagalit na sabi ni Princess sa kanya.
"Ha. May inasikaso kasi ako sa family business namin. Nag paalam naman ako sa school at okay naman sa kanila." sagot sa kanya ni Jake.
"Teka lang, baket ka ganyan mag tanong akala ko ba hindi kita girlfriend at wala kang karapatan na malaman kung saan ako pupunta?" nag tatakang tanong ni Jake sa kanya.
Hindi na kasagot si Princess sa mga sinabi ni Jake. Totoo kasi lahat ng mga sinabi nito sa kanya. Hindi sya girlfriend at wala syang karapatan. Bigla na lang syang pumasok at upo na sa klase. Nagulat din sya ng hindi tumabi si Jake sa kanya sa klase. Naisip tuloy nya na wala na syang pag asa sa binatang kanyang sinisinta.
"Ang arte mo kasi! Ayan tuloy deadma ka na sa kanya." bulong nya sa sarili.
Pag katapos ng klase ay umalis na sya agad. Halos nag kasabay sila sa pinto pero hindi na sya hinintay ni Jake. Lalo pa syang nalungkot ng may babaeng lumapit kay Jake. Hinalikan ito ni Jake sa pisngi at niyakap ng mahigpit. Bigla tuloy nyang naitanong sa sarili kung sino itong babaeng ito.
"Aba may girlfriend na pala sya. Buti na lang at hindi ko na sya pinapansin. Pero nasasaktan naman ako. Ano ba talaga?" tanong nya sa sarili.
Pag kauwi niya sa bahay ay tinawagan nya agad sina Carrie at Sam. Nag 3 way call sila para maikwento ng mabuti sa dalawa ang nangyari.
"Ha may girlfriend na sya?" gulat na tanong ni Sam.
"Pero sa pag hahanap nya sayo sa amin eh para naman syang single at mahal na mahal ka." nag tatakang sabi ni Carrie.
"Buti na lang at hindi pa ako tuluyang na in love sa kanya kundi isa akong tangang nag pauto sa loko lokong iyon." sabi ni Princess sa kanila.
BINABASA MO ANG
Mananatili Kang Mahal
RomanceTagalog version of I Still Love You. Kwento tungkol kay Princess na nainlove kay Ryan dahil sa pag pupursige nito pero hindi niya alam na meron itong malaking tinatagong sekreto. Ito ay storyang kathang isip lamang.