*Xianee's P.O.V*
"asan na kaya sila Ziel at Lian?" tanong ni Jay
"yun nga ehhh ang tagal uuwi na nga tayo dapat" sabi ko
*Knock knock*
"pasok" sabi ni kuya Jhong
Bumukas ang pinto at pumasok si Ziel na maraming pasa sa mukha at merong dugo sa labi at nakasunod si Lian sa kanya
"Oh my gosh!!!! Ziel anong nangyari sa face mo?!?!" pasigaw na tanong ni Jay
"wag kang maingay hindi ako baldado para sumigaw ka ng ganyan tanungin mo nalang si Lian" sabi ni Ziel at umupo sa tabi ko
Tumayo ako at kinuha ang medicine kit at bumalik sa tabi ni Ziel
"ano bang nangyari Lian?" tanong ni kuya Macz
Nilinisan ko ang dugo sa labi ni Ziel at nilagyan ng gamot ang mga pasa niya
"dumating si Karl sa ice cream parlor na kinainan namin ni Ziel at sinuntok ni Ziel si karl" explain niya
"si Karl yung ex-bf mo?" tanong ko
Tumango lang si Ziel at pinagpatuloy ko lang ang paggamot sa mukha ni Ziel
"bakit maraming pasa si Ziel?" tanong ni kuya Jay-r
"Sinuntok rin siya pabalik ni Karl actually nag suntukan silang dalawa" sagot ni Lian
"so you mean girl vs.boy?" gulat na tanong ni kuya Joshua
"yeah but I can handle him, ang lampa lang nung lalaking yun" sabi ni Ziel
"wow makasabing lampa ehh meron ka ngang pasa diyan tapos sasabihing mong lampa"sarcastic na sabi ni kuya Macz
"kuya wag kang gumanyan malakas tong si Ziel" saway ko sa kanya
"Tama si Xian kuya baldado kaya si Karl nung iniwan namin siya" pagsang-ayon ni Lian
"ahhh ganun ba sige tara na uwi na tayong lahat" kinakabahang sabi ni kuya Macz
"hahaha kuya bakit ka kinakabahan diyan" tukso ko sa kanya
Tiningnan niya lang ako ng masama kaya mas lumakas ang tawa ko
"haha ok let's go quarter to 6 na" sabi ni kuya Jhong
Tumayo na ako at binalik ang medicine kit at sumunod na rin sa kanila
Pagdating namin sa parking lot merong naka-abang na limang lalaki sa kotse nila kuya at Ziel
"Get out of the way" sabi ni Ziel
"ikaw ba si Ziel?" tanong nung isang lalaki
"at bakit mo hinahanap si Ziel?" tanong balik ni kuya Paolo ngayon ko lang siya narinig nagsalita tahimik kasi silang dalawa ni kuya Vince kanina sa studio
"meron lang siyang pagbabayaran" sagot nung isa pang lalaki
"get in the car if I punch the man who is standing beside my car" pabulong na utos niya kay Lian
Tumango lang si Lian at pumunta kay Jay dahil sasabay sila kay Ziel ngayon
"What if I say I'm Ziel?" matapang na tanong ni Ziel
"pffft seryoso ka ikaw si Ziel ehh babae ka tapos ano yun baldado si Karl dahil sa babae?" di makapaniwalang tanong ng lalaki na hinahanap si Ziel
Tumaas ang kilay ni Ziel sa kanila "utos pala ito nung lampang iyon.... kung ganun let's
test your strength" sabi ni Ziel at sinuntok ang lalaki na nasa kotse niya nakaharangNapatingin ako sa kanilang lahat na hindi pa masyadong kilala si Ziel at tama nga shock expression lahat sila
"kuya psst" tawag ko kay kuya Macz na tulala lang sa laban ni Ziel
"huh? totoo ba ito?" tanong niya ng natauhan siya
"oo sabi ko sayo malakas si Ziel hintayin niyo nalang na si Ziel ang magsasabi sa inyo kung sino talaga siya" sabi ko sa kanya at nanuod nalang sa laban ni Ziel
Merong lalaki na papalapit sa amin ni kuya Macz at may dalang kutsilyo
Akmang aalis si kuya Macz pero pinigilan ko siya
"ano ba baby girl gusto mo bang mamatay?" tanong ni kuya Macz
"maniwala ka kay Ziel" sagot ko
Nung malapit na ang lalaki ay bigla siyang napahinto at lumuhod sa sakit, tiningnan ko ang likod niya at tama ako may sugat sa likod ang lalaki meron kasi yan si Ziel na mga kunai pero hindi namin alam kung saan niya nilalagay, bakit siya merong ganun? kasi- ( shhh wag kang maingay hayaan mo nga si Ziel ang magsasabi diba? -author) hehe sorry ms. author nahawa na ako sa kadaldalan ni Jay (sige na tapos na ang laban ohh- author)
Napatingin ako kung saan si Ziel at tapos na nga ang laban at wala ng malay ang mga lalaki
"Hala Ziel bakit mo sila pinatay?" tanong ko kasi hindi muna yan pumapatay si Ziel nagbibigay lang muna yan siya ng warning at brutal ang warning niya
"they're not dead they are just unconscious, they still have a heartbeat" sabi niya
"ahh ok sige tara na uwi na tayo kuya" sabi ko at hinila si kuya papunta sa kanyang kotse
Pinasok ko si kuya sa driver seat dahil tulala pa rin siya at pumasok sa shot gun
"pssst kuya kuya!!!!" sigaw ko
"huh?!?! saan ang sunog?!?!?!" tarantang sigaw ni kuya Macz
"hahaha" tawa ko
"anong tinatawatawa mo diyan baby girl?" takang tanong ni kuya Macz
"haha ikaw..." sabi ko
"ahh ganun ba, tapos na ang laban?" tanong niya
"oo mag drive ka na kasi maaga pa tayo bukas" sabi ko
"ok" sabi niya at nag drive na pauwi sa bahay
Habang nasa byahe kami merong tinanong si kuya Macz na iniiwasan ko talaga
"mukhang close na kayo ni Jay-r baby girl at iba ang nakikita kong ngiti sa labi mo kung nag-uusap kayo.... gusto mo ba si Jay-r baby girl?" tanong ni kuya Macz
"huh? h-hindi ahhh nakakatawa lang talaga siya oo yun nga nakakatawa lang siya" sabi ko na kinakabahan
Actually meron akong konteng feelings para kay kuya Jay-r dahil sobrang sweet niya at ang bait pa
"Ok lang naman sa akin kung meron kang gusto sa kanya basta wag ka lang mag boyfriend dahil bata ka pa" sabi ni kuya Macz
"Yes kuya masusunod" sabi ko
"Good, baba na andito na tayo ohh" sabi niya
"ayyy oo nga pala" sabi ko at bumaba na at pumasok sa bahay
"Ma andito na po kami!!" sigaw ko
"Xian, Macz buti naman safe kayo" sabi ni mommy at lumapit sa amin ni kuya at niyakap
"ayy ma meron kaming bisita bukas ang Xtreme at mga kaibigan ni Xian" sabi ni kuya
"ahhh ganun ba sige aalis pala kami bukas ng daddy niyo papuntang boracay mag vevacation kami pwede ba?" tanong ni mommy
"opo naman enjoy po kayo dun pasalubong lang po hahaha" sabi namin ni kuya
"haha sige, naka dinner na ba kayo?" tanong ni mommy
"Busog po ako"
"I'm full" sabi namin ni kuya
"sige matulog na kayo kung gutom kayo may pagkain sa ref" sabi ni mommy
"opo"
Umakyat na kami ni kuya at dumiretso na sa mga kwarto namin
"goodnight baby girl" sabi ni kuya at pumasok na sa kwarto niya
"goodnight" at pumasok na rin ako sa kwarto at nag half bath lang at nagbihis
Lumabas ako ng bathroom at humiga sa kama at natulog na
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Next chapter will be the video~~Vincela~~