Chapter 19- hospital

28 1 2
                                    

*Xianee's P.O.V*

Hmm kamusta na kaya ang laban ni Ziel??? Kanina ko pa kasi na fefeel na may mangyaring masama

"Xianee anak may problema ba? Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ni mommy sa akin

"ahh ok lang ako mommy may iniisip lang" sagot ko pero sa totoo lang gusto ko nang pumunta sa XG para manood ng laban ni Ziel

Time may pass us by but you'll stay stuck on my mind-                         

Tiningnan ko ang cellphone ko kung sino ang tumatawag at nakita ang pangalan ni Lian

"Excuse me I have to take this" paalam ko bago lumabas sa restaurant at sinagot ang tawag

"Hello?"

[Hello Xian pwede ka bang umalis muna sa family dinner niyo?]

"Huh? Bakit? anong problema?" kinakabahan kong tanong

[Si Ziel dinala namin sa ospital]

"What?!?! Bakit?"

[Ehh hindi ko pa alam nasa emergency room pa siya]

"Sige pupunta na ako diyan bye" Sabi ko at binaba ang tawag

Pumasok ako sa restaurant at bumalik sa table namin

"Sino yun Xianee?" tanong ni dad

"Si Lian po, na ospital daw po si Ziel kailangan ko pong pumunta doon"

"Sige ihahatid na kita babalikan ko nalang kayo love" Sabi ni dad at tumayo na 

"Bye po mom bye kuya" sabi ko at hinalikan sila sa pisngi 

Lumabas na ako kasama si daddy at sumakay sa kotse

"saan bang ospital?" tanong ni dad

"Sa ospital po nila Ziel" sagot ko naman at tumango lang siya

*Rodriguez's Hospital*

Pag dating namin bumaba na ako at nag paalam na rin na hindi muna ako uuwi ng bahay

Pumasok na ako sa ospital at nakita sila Jay at kuya Paolo na nag hihintay sa lobby

"Kamusta si Ziel?" Tanong ko sa kanila 

"Xian!! Buti dumating ka, hindi pa lumalabas sa emergency room ehh" sabi ni Lian

"Ganun ba? may nakaalam ba kung anong nangyari?" tanong ko

"Si kuya Paolo ang nakaalam" sabi ni Jay at tinuro si kuya Paolo na nasa tabi niya

"Anong nangyari kuya?" tanong ko ulit sa kanila dahil naguguluhan talaga ako dahil hindi naman natatalo si Ziel

"Wala akong alam pero nakita ko ito sa kamay ni Ziel pagkatapos niyang matumba" sagot ni kuya Vince at binigay ang isang kunai at merong logo ng skull 

"Sandali lang diba nakakalason yan?" tanong ni Lian na nasa tabi ko ngayon 

"Oo nga pinakita na yan ni Ziel sa akin dati" sagot naman ni Jay

"Kuya Paolo alam mo ba kung ano talaga ang nangyari?" 

"Sinaksak yan ng kalaban kay Ziel habang nag aaway sila... hindi siguro nakita ni Ziel yan nung nilabas niya yan" sagot niya 

"Diba bawal yun sa XG na sumaksak or pumatay?" tanong ko sa kanila Jay at Lian

Tumango lang silang dalawa sa akin at napatingin sa pinto ng emergency room kung saan lumabas ang doctor

"Doc kamusta si Ziel?" tanong ni kuya Vince

"Ok na siya nakuha na namin ang lason sa katawan niya pero after 2 hours pa bago siya magigising dahil sa epekto ng lason at gamot na nilagay ko sa katawan niya at buti dinala niya siya agad dito... Dumiretso nalang kayo sa room 824" explain ng doctor which is personal doctor ni Ziel at aalis na sana kami nga tinawag niya kami

"Xianee, Jayleen, Lianie pwede ko ba kayong makausap ng tayo lang?" tanong niya sa amin

"Ahh sige po sa office niyo nalang tito" Sagot ni Jay at dumiretso na kami sa office ni tito James

Pagpasok namin sa office niya umupo na kami at nakinig lang sa kaniya

"Saan naman na kuha ni Ziel ang lason na nasa katawan niya? Sa laban naman ba?" tanong niya 

"Opo, ito po ang sinaksak sa kaniya ng kalaban niya" sagot ko at inabot ang kunai

"Hmm may lason ba ito?"tanong niya

"Opo"

Tumango si tito "Alam na ba ito nila Layda?" Tanong niya ulit at doon lang ako tumingin sa kanila Jay at si tita Layda nga pala ang Mama ni Ziel

"Hindi pa po, kasi ang sabi ni Ziel bago siya mahimatay huwag daw naming ipaalam sa kanila tita na nadisgrasya siya" explain ni Lian

"Ganun ba? sige salamat, pwede na kayong pumunta sa kwarto ni Ziel" Sagot ni tito at lumabas na rin kami agad

Pagdating namin sa kwarto ni Ziel ang raming tao, nandito na ang mga kuya Xtreme at yung girlfriend ni kuya Paolo at may lalaki na kasing edad namin

"Oh Girls andito na pala kayo... ahh diba kilala niyo na si Rachel?" tanong ni kuya Paolo

Tumango lang kaming tatlo at tumingin ulit doon sa lalaki na katabi ni ate Rachel

"Ito pala si Zeneth Lacian kapatid ni Rachel" pagpapakilala niya sa amin doon sa lalaki hmm medyo gwapo pero parang bagay sila ni Ziel 

"Hello" sabi naming tatlo at nagkatinginan na parang alam na namin ang iniisip ng isa't-isa

"Bagay silang dalawa" we said in unison...again

"Sino ang bagay?" Tanong ni kuya Vince

"Ahh wala po hehehe" sagot ko

"Ok... Zen dito ka muna haa bibili lang kami ng pagkain nating lahat" sabi ni kuya Paolo dun kay Zen pero meron akong plano

"Kuya Paolo pwede kaming sumama?" Tanong ko

"What?!? Ikaw lang kung gusto mo" reklamo ni Jay

Tiningnan ko siya na sinasabing sumakay ka sa plano ko

"Ahh sasama nalang pala ako may bibilhin rin pala akong favorite food ko" biglang bawi niya sa sinabi niya

"Ako rin sasama" sabi ni Lian

"Ahh kung ganun sama nalang tayong lahat" suggest ni kuya Jay-r

"No!! Walang magbabantay kay Ziel... Pwede bang si Zen nalang ang magbabantay if it's okay with you Zen?" Protesta ni Jay

"It's fine I'll just stay here, ate kunin mo nalang yung chocolate na pinapakuha ko please" sabi niya kay ate Rachel at tumango naman si ate Rachel

"Sige let's go" announce ni kuya Vince

Lumabas kami ng room ni Ziel at nagpahuli kaming tatlo nila Jay at Lian

"Ano ba ang plano mo at kailangan tayong sumama?" Tanong ni Jay haisst kahit kelan ang slow nitong babae na iyo

"Hindi mo ba napansin kaya ko pinaiwan si Zen dahil ilang minutes nalang magigising si Ziel at siya ang una niyang makikita" explain ko

"Oo nga noh hmm ano kaya ang magandang ship name?" Tanong ni Jay

My Long lost sisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon