*Paolo's P.O.V*
"Bro wake up!!! we have to go there before 8:00!!!" sigaw ni Vince sakin habang tumatalon sa higaan ko
"anong oras na ba? at pano ka nakapasok dito?" tanong ko at bumangon na rin
"6:30 at pinapasok ako ni tita dito bakit ba may final practice pa tayo sa studio bago tayo pupunta sa San Marino kaya bilisan mo nag hihintay na sila sa baba" sabi niya
"sige hintayin mo ako dito maliligo lang ako" sagot ko bago pumasok sa cr
pagtapos kong maligo ay lumabas na ako at nadatnan si Vince na may ka text
"pssst sino yang ka text mo diyan?" tanong ko
"si Jhong sabi niya mauna nalang daw sila sa studio sunod lang tayo" sagot niya
"o sige let's go" sabi ko at kinuha ang car keys ko
" bye mom bye dad" sabi ko sa kanila at hinalikan si mom sa pisngi
"bye baby goodluck" sagot ni mom
" bye tita bye tito" sabi ni Vince at humalik rin sa pisngi ni mom
" bye you two take care of yourselves " sabi ni mom sa amin
"yes tita we will"
"yes mom"
lumabas na kami ni Vince at pumunta sa studio
pagkarating namin sa studio kami nalang ang hinihintay andun narin si Rachel
"hi love good morning" bati sa akin ni Rachel
"hi good morning too" bati ko sa kanya
"ok tama na yan lovebirds let's go na" sabi ni Jhong
"akala ko ba mag fafinal practice tayo?" tanong ni Vince
"sa San Marino na kayo mag final practice" sabi ni Jhong
"ok fine" sabi ni Vince
*Raziel's P.O.V*
I woke up early actually I always wake up early haha
bumangon na ako at malapit na akong madulas sa damit ni Jay hay nako talaga ang babaeng yun kahit saan nilalagay ang gamit niya.... naligo na ako at nag bihis tumingin ako sa oras sa alarm clock ni Lian 6:00 na pala gigisingin ko na itong mga bruha na to hahaha alam ko na
sinet ko ang alarm clock nila sa kanilang mga cellphone ng 6:01 at nilagay sa bandang tenga nila
3...
2...
1...*Kriiiiiiing*
sabay sabay na tumunog ang cellphone nila at sabay rin silang sumigaw " ahhhhhh saan ang sunog?" tanong ni Jay
"hahahahahahahaha" humagalpak ako sa sobrang epic ng itsura nila
tumingin sila sa akin at sa cellphone nila at tumingin ulit sa akin at sabay sigaw " ZIEL!!!!!!!!!"
"oooops sorry anong oras na tulog parin kayo mga sleeping beauty? hahahaha akala ko ba excited kayo doon sa mini concert ng Xtreme? kung gusto niyong maaga kayo dun at sumabay sa akin bilisan niyo" sabi ko at yun nag unahan papunta sa cr
umiling nalang ako sa kanila at bumaba na
"good morning Ziel kain na" bati ni tita sa akin
"good morning rin po tita sige po gutom na rin po ako" sabi ko kay tita at umupo
Natapos na akong kumain pero wala pa sa kanila kahit isa ay bumaba...baka nakatulog yun sa cr ang mga yun... tiningnan ko ang wrist watch ko at nakita na 6:45 na baka maunahan ako sa favorite spot ko
maya maya bumaba na silang tatlo na naka ayos talaga na yung nag paganda talaga... ang buhok ni Lian ay curl na tapos meron siyang lipstick, si Jay naka flat iron ang buhok tapos may lipstick rin at si Xian naka braid ng bongga ang buhok at naka lipstick rin
Tiningnan ko sila ng para silang may dalawang ulo at nag tanong "what did you do? bakit ganyan kayo ngayon ayos na ayos may pupuntahan ba kayo pag tapos ng school?"
"gaga ano ka ba walang pasok ngayon dahil nga may concert at wala kaming pupuntahan pag tapos ng concert nag paganda talaga kami para sa kanila" sabi ni Jay
"whateves mauna na ako sa school baka maunahan pa ako sa favorite spot ko" sabi ko sa kanila
"sabay na kami sayo" sabi nila
"wala pa kayong kain" sagot ko
"kaya nga may cafeteria diba? isip isip rin pag may time Ziel" sabi ni Xian
I rolled my eyes "ok hurry up" sabi ko at dumiretso na sa kotse
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
okay next chapter part 2~~Vincel~~