Parang Panaginip Lamang Pt. II

87 2 0
                                    

HOPIA 4:

Ayan na!!! Malapit na, nararamdaman na ng nguso ko ang paglapit ng nguso niya!!!!! Jeskelerd diz iz it!!!!!

Pero biglang huminto si Paolo, hay naku! Pabitin ang bebe ko.

"Ay bakit ka huminto? Bilis i-kiss mo na ako. Wag mo na ko bitinin. Ayun na eh! Ituloy na natin to. C'MON LET'S BRING IT ON!!!!!" at tsaka ako pumikit at ngumuso.

"Chill, Maggy. May gusto ko sabihin sayo eh," hay nakoooo!!! Pabitin talaga!!!! @z@r!!!!!

"Ano ba kasi yun?! Kaynez naman ihh!" Nagpapapadyak pa ko sa lupa para mas lalo akong magmukhang cute. Jokesss. Halatang nagbabata-bataan lang ako at hindi siya cute tignan lol.

"Gusto ko lang sabihin ulit sayo na I love...."

KRRRRIIIIIIIING!!! KRRRRIIIIIIIING!!!

At biglang nangisay si Paolo sa kinatatayuan niya habang nagkikring-kring siya. Nagpanic tuloy ako ng wala sa oras.

"Paolo!!! Bakit?!!! Halaaaaa!!!!"

BOOGSHHHH!!!

Napabalikwas tuloy ako ng bangon. Kingina! Panaginip lang pala ang lahat!!! Naloko ako ng sarili ko? Aba! Mahusay!!!

Hay grabe, iba na tong mga napapanaginipan ko. Masama na nga ata ang tama ko kay Paolo. Hindi na maganda to. Very wrong na mga 'day!!!

Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko, nakita ko si Mama pati si Manang na mukhang mga nag-aalala.

"Anak, anong nangyari? Bakit may narinig kaming kalabog? Ano yun?" sunod-sunod na tanong ni Mama. Hindi siya marunong kumalma eh.

"Wala, Ma. Nahulog lang ako sa kama," at tsaka ko binigla yung pagtayo ko mula sa pagkahulog ko sa sahig. Pucha parang may nag-crack na buto ako ah?

"Sigurado ka walang masakit sayo sa pagkahulog mo?" paninigurado ni Mama.

"Meron, Ma. Eto oh," sabay turo sa puso ko. "Hindi niya kasi ako sinalo nung nahulog ako sa kanya eh,"

"Loko ka talagang bata ka. Nakuha mo pang humugot nang wala sa oras, sampalin kaya kita, sa tingin mo? Kumilos ka na nga at baka ma-late ka."

K. Akala kasi ni Mama nagjojoke pa ako eh. Totoo naman kasi eh. Tanging sahig na lang ang sumasalo sayo pag nahuhulog ka na. At masakit yun. Masakit sa ulo pag nauna tong bumagsak. Wew

Nagsimula na ako maligo for 10 minutes lang. Di kasi ako tulad nung ibang babae na kung pwede eh hindi na umaalis ng banyo sa sobrang tagal nilang maligo na akala mo naman eh may magbabago kapag nagtagal siya sa banyo. Girl, magtipid ka! Sayang ang tubig. Pwe!

Bumaba ako sa may dining area na may nakapulupot pa na towel sa ulo ko at tsaka ko sinimulang kumain ng mabilis. Baka kasi ma-late ako eh. Isang tricycle pa ang kelangan ko bago makarating ng school. K, share lang kahit wala kayong pake.

"Ay, Margarette hija, hinay-hinay lang sa pagkain. Di ka mauubusan niyan," saway sakin ni Manang Flor.

"Manang, hindi nga ako mauubusan ng pagkain pero mauubusan ako ng tricycle sa terminal,"

Palibhasa kasi exclusive tong subdivision kaya kokonti lang din yung mga tricycle sa terminal. Mga 10 minutes pa ata ang hihintayin mo bago ka makasakay ulit tapos kelangan ko pang maglakad ng malayo, bale pag tinakbo ko yun, 5 minutes pa ulit. Pag ako naging president ng Pilipinas, palalagyan ko ng madaming tricycle dito sa subdivision namin at bawat bahay may terminal nang katabi. Buset.

Pagkalagok ko ng gatas, dumiretso na ko sa kwarto para dun na magtoothbrush at magbihis ng uniporme. Kingina male-late na ako. 30 minutes nalang bago mag-bell. Monday assembly pa naman naku!!! Lagi na ko late. Masasakal na ata ako nang adviser ko neto eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

M.U. (Manhid Ka, Umaasa Ako)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon