M.U. (Manhid Ka, Umaasa Ako)

531 10 4
                                    

This story is cliche and may contain bad words. It's up to you if you want to continue reading or not. This story is now based on what I felt during sembreak. Nahopia kasi ako. HAHAHAHA! May pake kayo? Alam kong wala. HAHAHAHA! Eto ang bagong meaning ng M.U. (kahit parang hindi naman). P.S. Sino pala mahilig sa k-pop? Help niyo ko maghanap ng gaganap as my imaginary characters. Di kasi ako mahilig sa k-pop eh. :( THANK YOU! ♥

Dedicated sa lahat ng umasa, umaasa, na-hopia, na-in love, umiyak, nasaktan, nagmove on, gumanda at naging mga Diyosa. =)))

DEDICATED TO: ngieRlalu07 for making my cover labyu!!! =)))))

xx, HeyChocnut.

Prologue

Sabi nila masarap magmahal. Yung pakiramdam na para kang nasa cloud nine. Gumaganda ka. Nagiging inspired ka. Nagkakaroon ka ng dahilan kung bakit nakangiti ka simula pagkagising hanggang sa pagtulog. Nakakagaan ng feeling kasi pinapahalagahan ka, at alam mong may nagmamahal sa'yo. Nagagalit kapag di ka kumakain sa tamang oras, pag late ka natutulog, kapag hindi niya alam kung nasaan ka, o kaya naman kapag hindi ka nagpaparamda. Parati siyang andiyan sa tabi mo, Masaya ka man o malungkot. Patatawanin ka, pupunasan ang mga luha mo, yayakapin ka kapag alam niyang malungkot ka, tinutulungan kang pagaanin yung bigat na problemang pinapasan mo.

Ganyan ang pakiramdam ko sa kanya. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo ko siyang minamahal. At alam kong ganun din siya. Alam kong mahal niya din ako.

Bilang kaibigan nga lang.

Sa lahat ata ng pinakamahirap mahalin ay yung taong pinapahalagahan ka at mahal ka nga, nagsisilbing superhero mo pero ang tingin sa'yo ay best friend lang. Ang lakas makainsulto. Wala kang karapatan magselos o magalit kapag may pinopormahan siyang iba. Medyo natutuwa kapag nalaman mong break na sila. Ayaw mong umasa pero di mapigilan ang umasa. Umasa na sana mapansin ka na niya, na mahalin ka kasi ikaw na yung nasa harapan niya, pero iba pa din ang nakikita. Alam kong cliché pero wala eh.

Hirap kasi dito kay puso, madami naman diyang iba para mahalin pero sa'yo pa din nahulog.

Bakit sa'yo pa?

Bakit sa best friend ko pa?

Best friend.

Dalawang masakit na salita para sakin. Best friend niya lang ako at alam kong hanggang dun na lang yun. Mahirap kasi...

Manhid Ka, Umaasa Ako.

M.U. (Manhid Ka, Umaasa Ako)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon