HOPIA 1
NA-HOPIA's POV
Sunday morning. Haaaaah! Ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin. Charot! Porket malapit na mag-December? Sarap matulog pag ganitong kalamig kaso hindi pwede eh. General cleaning kasi sa bahay, since ayokong pinapakealaman ang kwarto ko, ako ang maglilinis. Oh diba? #SipagLord
Naayos ko na lahat ng books ko sa shelf. Yes, I'm a self-confessed nerd and bookworm. Nung ilalagay ko na yung mga natirang books, may nasagi ako na box. Eto yung mga pinaglalagyan ko ng mga unforgettabble moments sa buhay ko. Ako kasi yung tao na ultimo candy wrapper, itinatabi pa. Souveneir kumbaga. Yung laman ng box, hay grabe. Sobrang dami!!!! Di ko tuloy mapigilan ang hindi magreminisce simula pagkabata hanggang sa eto na nga, 4th year high school na kami.
Napadpad yung tingin ko sa isang picture na kupas na. Picture namin yun ni Paolo. Habang pinagmamasdan ko ang litrato naming dalawa, hindi ko mapigilan ang pag ngiti ng may marealize ako. Bata palang pala ako ang cute ko na. QTP2T!!! Dejk, narealize ko lang na bata pa kami pero kami na talaga lagi ang magkasama sa lahat ng bagay. Paglalaro. Pagpasok. Pag-uwi. Pagkakain. Pag-aaral. Panunuod ng Princess Sarah at kung anu-ano pa. Kulang na nga lang pati pagliligo at pag-eerna, sabay kami eh. Charot.
Naputol lang ang pagrereminisce ko nang may pumasok sa kwarto ko at bigla-bigla na lang humiga sa kama na kakaayos ko lang.
"Umagang-umaga, binubwisit mo nanaman ako." Pagsisimula ko.
"Bakit? Di ka na ba pwedeng dalawin?" Tsaka siya ngumiti. Gwapo bh3
"Wag mo ko mangiti-ngitian dyan kung hindi..."
"Kung hindi ano?"
Kung hindi, mas maiinlove ako sayo lalo.
"Wala. Asan na pala pasalubong ko?"
"Wala din belat." tsaka siya kumuha ng libro ko at nagsimulang magbasa kahit di naman nagbabasa yan at balak lang talaga niyang guluhin ang kwarto ko gaya ng paggulo niya sa sistema ko. Tinabihan ko na lang siya sa may kama. Aba ang loko, nagbabasa nga!!
"Biruin mo yun, marunong ka pala magbasa."
"Lul, maglinis ka na nga dyan! Ambaho-baho mo na kadiri!" Tignan mo 'to. Kaya hinila ko yung buhok niya. Yun kasi pinaka-ayaw niya sa lahat eh. Yung ginagalaw yung buhok niya. Eh mapang-asar ako. Bakit buuh?
Tumayo na ako at nagsimula ulit maglinis. Habang naglilinis ako, sumusulyap ako. Mga galawang nakaw-tingin. HAHAHA!
"Kelan ka pa bumalik ng probinsiya?"
"Kanina lang, dumiretso na ko dito para makita ka." Pakiramdam ko lahat ng dugo ko napunta na sa mukha ko at hindi nakatakas yun sa pang-aasar niya.
"Oh namumula ka. Kinikilig ka sakin nuh? Di naman kita masisisi diyan. Bukod sa gwapo ako, matalino pa. At higit sa lahat may muscles at abs pa ako," tsaka siya pumwesto na parang wrestler. Mukhang ewan, feeling strong. Kaya yung feelings ko sa kanya strong din eh.
"HA. HA. HA. Funny mo nuh? Funny-ra ng araw. Wag ka ngang magulo. Nag-aayos ako dito tas ang kulit kulit mo."
Tinawanan niya lang ako at pumwesto na para mahiga at magbasa.
"Chill ka lang, Master. Aga-aga ang init ng ulo." pagkatapos nun, tumahimik naman siya agad kaya nakapag-ayos na ako ng mga gamit.
Nang matapos ko na ang lahat, tinignan ko muna siya. Mukhang nakatulog na ang loko. Kaya ginamit ko tong chance ppara mapagmasdan siya ng malapitan.
"Ang gwapo mo talaga. Kahit anung anggulo, pak na pak eh. Gwapo, tangos ng ilong, kinis ng mukha, dina kelangan magpaderma, tapos yung lips mo," tsaka bumaba yung tingin ko sa labi niya, "Sobrang pula. Nakuuuu! Kung pwede ko lang yan i-kiss. Haaay, ang swerte ko kasi ang gwapo ng best friend ko. Pero charot lang, swerte ako kasi ikaw ang best friend ko. Pero malas ko din nuh? Alam mo kung bakit? Kasi hanggang dun lang ako, ang maging best friend mo. Kahit gusto kong humigit pa dun, hindi pwede. Manhid ka kase!"
Pinagmasdan ko pa siya ng medyo matagal bago ko bumaba para tulungan si Nanay Flor, yung katulong ko since bata pa ako. Si Mama kasi ouro trabaho na lang ng trabaho.
Tinulungan ko na lang si Nanay magluto ng lunch namin. Syempre kadamay yung mahal ko. Yie kilig lul. Kahit Sunday, wala si mader. Masyadong ninanamnam yung pastry shop namin eh. Puro sweets business namin. I wonder ba't hindi sweet si inay sakin?
Pagkatapos magluto, syempre tinulungan ko ulit si Nanay maghain. matanda na kasi si Nanay eh. Umakyat na ako pagkatapos para gisingin ang mahal na hari... ng buhay ko. Joke!
"Hoy gising!!! Nakahain na sa baba, kain na tayo. Sasamahan mo pa ko mamili ng grocery dito sa bahay. Tumayo ka naaaaaa!!!"
"Mmm, ten minutes."
Sheeeet, ang husky ng boses ni best friend. Naa-attract ako lalo juice colored. Kyle Margarette Lagid, behave!!! Best friend mo yan!! Kahit mahal mo yan ng palihim magbehave ka!
"Paolo naman eh! Tayo na kasi. Magagalit na si nanay eh." Hinila ko na yung kamay niya para medyo mahila ko siya patayo kaso mas malakas siya sakin kaya nnung pagkahila ko sa kanya para tumayo, hinila din niya ako palapit sa kanya. In short, naghilahan kami letse.
Yung pwesto namin ang awkward. Yung mukha ko nasa may dibdib niya. At rinig na rinig ko tuloy yung bawat pagtibok ng puso niya na sana... Na sana ako ang laman.
"U-uyy... P-paolo... Kain na k-kasi t-tayo... U-uyyy! Sasapakin na talaga kita dyan eh..."
Bigla siyang tumagilid ng higa kaya medyo umayos yung pagkakayakap niya sakin. Normal lang naman samin to eh. Sa kanya kasi wala lang, pero sakin bawat gawin niya may meaning.
"Payakap lang naman, namiss kaya kita. Di mo ba ako namiss?"
Di ko mapigilan ang magblush. Namiss daw niya ako eh!!! Iniangat ko yung ulo ko para makita siya. At nakapikit pa ang loko.
"Hindi. Walang nangungulit at nanggugulo sakin eh. Tahimik kaya ng buhay ko. Balik ka na lang kaya ulit sa probinsiya natin?"
Nagulat ako nang bigla siyang dumilat at inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Parang ilang inches na lang, malapit na magdikit labi namin. Jusko, nagpipigil ako. Baka magahasa ko to ng wala sa oras.
"Di mo ako namiss? Totoo?"
Sobrang titig na titig siya sa mata ko, kaya umiwas ako ng tingin.
"Sye-syempre hindi noh," pagde-deny ko pero yung totoo, super duper mega ultra hyper namiss ko siya.
"Liar, namiss mo ako halata naman. Nagsisinungaling ka pa. Ako pa talaga na best friend mo eh kilalang kilala kita," then he smirked. Gwapo shet.
"Oo na, namiss na kita. Happy?"
"Very. Kasi ako sobrang namiss kita," seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Kikiligin na sana ako eh. Lumakas nanaman yung pag-asa ko na baka pwede din. Na baka pwedeng mahalin niya din ako. kaso yung pahabol na sinabi niya yung bumasag sa pag-asa ko eh.
"Namiss kita, best friend ko."
</3

BINABASA MO ANG
M.U. (Manhid Ka, Umaasa Ako)
Teen FictionSino na sa inyo ang nasaktan? Eh ang na-hopia? Na-friendzone? Samahan natin si Kyle Margarrette "MAGGY" Lagid sa kanyang heartaches. Charot. May mailagay lang na description ng story. Push lang.