CHAPTER 2

6.4K 112 1
                                    

Halos manlumo ako ng malaman ko ang resulta. Bakit ako pa? Hindi pa ba sapat iyong mga paghihirap ko at pati iyon ay ibinigay niya? Bakit sa dinami rami ng tao sa mundong ito bakit ako pa ang napili niya?
Unti-unti na namang pumapatak ang mga luha sa aking mga mata at bumalik lahat ng mga nangyari kanina.

Flashback

"Ms. Mouze I'm sorry to tell you but we diagnose that you have a cancer." Sabi ng doktor sa akin.

Halos lisanin ng kaluluwa ko ang aking katawan dahil sa mga narinig ko.Ako? May ano daw? Cancer? Paanong nangyari yon?

"Doc wag mo naman akong biruin ng ganyan o, tatawanan ko kayo para di kayo malugi. HA. HA. HA.o ayan doc ah tumawa na ko.. Tama na kakabiro niyo. Ano po ba resulta Doc?"
Pilit kong pinipigilan ang aking mga luha kahit alam ko sa sarili ko na may posibilidad na hindi nagbibiro ang doktor na nasa harapan ko.

"I am not joking Ms. Mouze"
Halos manlumo ako sa narinig ko at ang mga luhang kanina ko pa pinipigil ay unti-unting umagos sa aking pisngi.

"DOC NAMAN EH, Bakit ako? Bakit ako pa? Jusko namang buhay to oh.!!"
Hirap na hirap na nga ko sa buhay na to tapos malalaman ko pa na may sakit ako? Sana pinatay niyo na lang din ako. Sobrang sama ko bang tao para maranasan to.? Ang sakit lang. Ang sakit lang na ito pa yata ang bubuwag sa pag asang unti-unti kong binubuo sa aking buhay.

"I'm sorry Ms. Mouze,you can undergo some treatment that can help to control the virus."

"Tapos ano Doc? Mamamatay din naman ako diba? Bakit kailangan ko pang maranasan yon? " Hindi ko na kinaya ang mga nalaman ko kaya't mabilis akong tumayo sa wheelchair na kinauupuan ko at tumakbo palabas ng ospital.

Wala akong pakialam sa mga nabubunggo ko,t anging ang nasa isip ko lamang ay ang makalayo sa lugar na ito. Ang lugar kung saan ko nalaman na may karamdaman ako na mahirap gamutin.

End of flashback

Hay paano na kaya ako ngayon? Paano na ang buhay ko? May pag-asa pa ba? Ang dami kong tanong na kailangan ng kasagutan ngunit wala kahit sinuman ang makapagbigay.
Tanging siya lang ang makakatulong sa akin, kailangan ko lamang magtiwala.

Patuloy ako sa pag iyak habang nakaupo sa isang bench dito sa garden ng ospital ng biglang may lumapit sa akin.
Hindi ko na sana lilingunin dahil baka kapwa pasyente ko lamang ngunit nagulat ako ng umupo siya sa tabi ko at nagsalita na dahilan ng paglingon ko.

Gulat na gulat man ngunit hindi ko ipinahalata, tumingin na lamang ako sa malayo at nagpatuloy sa pag-iyak.
-----------
Itutuloy....
HAPPY READING!!
THANKS PO!!!
Sana po nagustuhan niyo...^_^

THE LAST TEARS(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon