CHAPTER 5

3.7K 88 1
                                    

Maraming araw na ang lumipas, maraming bagay na rin ang nagbago lalong lalo na sa pisikal na anyo namin. Si kuya Gen na unti-unting pumapayat at nanghihina, ako na ganoon din dahil sa treatment.

Sobrang sakit ng ginagawa nila sa akin. Kung anu-anong tinutusok nila sa katawan ko na dahilan kung bakit hinihiling ko na lang na mamatay ako pero may isang bagay na pumipigil sa akin, iyon ay ang mga katagang binitiwan ko kay kuya Gen na lalaban ako para sa kanya.

Walang araw na hindi kami nagkikita ni kuya Gen dahil parehas naman kaming halos sa ospital na tumira. Ginagawa namin ang mga bagay na gusto namin gawin tulad ng kumain ng pagkain kahit na bawal. Manood ng mga palabas na hindi namin alam na nageexist pala. Mga bagay na alam naming hindi na namin magagawa sa mga darating na panahon.

Nandito nga pala ako sa kwarto ni kuya Gen sa ospital. May hindi kasi inaasahang pangyayari ang nangyari kaya hindi pa siya nagigising.

Flashback

Tumakas kami sa ospital para mamasyal sa malapit na mall. Pinagbawalan kasi kaming lumabas nitong mga nakaraang araw para daw maiwasan ang paglala ng aming sakit pero dahil sa matigas ang ulo namin eh tumakas kami.

"Kuya punta tayo doon."
Hinila ko siya papunta sa tindahan ng mga teddy bear. Nakakatuwa kasi silang pagmasdan. May makukulay na kulay na animo'y nagpapalimot sa mga problema ng isang tao. Nakakaaliw isipin na nakaimbento ang tao ng mga bagay na nakakatulong para maging masaya kahit panandalian lamang ang kapwa nila tao. Hinawakan ko ang isang asul na teddy bear na may nakasulat na "live for me". Napangiti ako dahil doon.

"Pati teddy bear pinapalakas ka." Sabi ni kuya Gen sa akin. Kinuha niya naman iyon at dinala sa counter. Pagkatapos niya bayaran ay inabot niya iyon sa akin at sinabing
"Live for me Veline"
Bumilis ang tibok ng aking puso at hindi ko alam kung anong gagawin kaya umiwas na lamang ako ng tingin.

"Hey may problema ba?"

"W-wala naman. Halika punta tayo sa arcade!"
Pag aaya ko sa kanya. Nagulat na lamang ako ng bigla niya kong akbayan. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi kaya pinili ko na lamang yumuko.

"We're here."
Hindi ko namalayang nakarating na pala kami dahil masyadong okupado ang utak ko ng aking nararamdaman.

"Laro tayo ng basketball!"

"Okey ako na bibili ng token."
Pinagmasdan ko siyang maglakad papalayo, malaki na talaga ang nagbago sa katawan niya. Bumagsak na ang dating malusog na katawan. Ang dating fitted na t shirt niya eh ngayon sobrang luwag na. Hay napakagulo ng lahat.

"Eto na."

Nagsimula na kaming maglaro. Nakaka3 tatlong set na kami ng may mapansin akong kakaiba sa kanya, bahagya niyang hinahawakan ang dibdib niya. Nakaramdam ako ng kaba dahil doon kaya tinanong ko siya.

"Kuya, okey ka lang?"
Humarap siya sa akin at pilit ngumiti. Halata ang pamumutla ng kanyang mukha.

"I'm fine,don't mind me. Lets continue."
Wala akong nagawa nang kunin niya ang isang bola at nagsimula ng magshoot kaya itinuloy ko na lang din ang ginagawa ko ng biglang may narinig akong natumba. Paglingon ko kay kuya ay nakahiga na siya sa sahig. Hindi ko alam ang nararamdaman ko kaya agad akong lumapit.

"Kuya! Kuya! Gumising ka huwag mo ako iwan kuya!!! Tulong! Tumawag kayo sa ospital!!" Sigaw ko sa kanila. Patuloy kong pinipilit gisingin si kuya at patuloy na rin ang pag agos ng aking mga luha. Hinihiling ko sa diyos na huwag niya sanang kunin ang taong sa tingin ko ay mahal ko na. Na sana malagpasan namin ang pagsubok na ito.

Ilang sandali pa ay dumating na ang mga nakaputi na galing sa ospital. Hindi ko binitawan ang kamay ni kuya hanggang sa makarating kami sa ospital.

End of flashback

At iyon nga ang nangyari. Halos tatlong araw na siyang tulog at tatlong araw na rin akong pabalik balik dito at umaasang magigising na siya.

"Hey kuya, gumising ka na oh, may treatment ako ngayon. Kailangan mo na gumising kasi walang magpapalakas sa loob ko. Namimiss na kita .Wala na akong makausap. Wala na akong makasama."
Unti-unti na namang pumapatak ang luha ko. Ang sakit isiping anumang oras  pwede siyang kunin ng diyos .Mag-iisa na naman ako sa buhay ko. Isipin ko palang na mawawala siya parang gusto ko na lang din sumuko.

"Kuya."
Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni kuya na hawak ko.

-------
Itutuloy
HAPPY READING!!!
THANKS PO!!!

THE LAST TEARS(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon