CHAPTER 6

3.2K 81 0
                                    

Unti-unting minulat ni kuya ang kanyang mga mata. Ako nama'y bakas pa rin ang pagkabigla.

"Ku-kuya!"
Niyakap ko siya agad dahil sa sobrang tuwa. Gising na siya sa wakas.

"Saglit lang kuya tatawagin ko lang ang doktor."
Paalis na sana ako ng hawakan niya ang aking kamay.

"Wag m-muna. D-dito ka lang."
Halos hinang-hina niyang sabi. Wala na akong nagawa kaya bumalik ako sa upuang kinauupuan ko kanina.

"Kuya okey ka lang ba? May masakit ba sayo? Gutom ka ba? Nauuhaw ka ba"
Sunod-sunod kong tanong pero isang malungkot na ngiti lang ang binigay niya.

"Alam mo b-ba V-veline na-nagi-nip ako."
Nanatili akong tahimik.

"Nasa isang mag-magandang lugar daw a-ako na ma-maraming paru-paro. May a-sul na la-ngit, may mga iba't ibang ha-yop na m-ma-sayang nag-la-laro. Sobrang saya ko daw d-doon. Nakita ko yung ka- kapatid ko na tina-tina-tawag ako."
Unti-unting pumapatak ang kanyang mga luha. Ang kapatid niya?Matagal ng wala ang kapatid niya. Hindi kaya----

"Ina-abot niya ang ka-may niya sakin hab-ang may pu-ting ilaw sa li-kod niya. Tina-nong ko siya ku-ng saan ka-mi pup-pupunta, ang sabi ni-ya 'Sa lugar kung saan masaya,sa lugar na kahit kelan hindi ka masasaktan,sa lugar kung saan mararanasan mo ang mamuhay ng normal' Na-guluhan ako sa sinabi ni-ya pero pi-nili kong abu-tin ang ka--may n- niya da-hil miss ko na siya at pa-god na pa-god na ako."
Putol putol niyang kwento sa akin. Tahimik na lamang akong umiyak dahil sa mga sinasabi niya

"Pe-ro a-alam mo ba nu-ng aab-utin ko na da-pat ang ka-may ni--ya bi-gla kong na-rinig ang bo-ses m-mo. Lumi-ngon a-ko sa pa-ligi-d para hana-pin ka pero wa-la ka. Na-tak-ot ako na ba-ka may nang-yari sa-yo ka-ya nag-libot ako hang-gang sa-"

"Hanggang sa?"

"Ha-nggang sa naw-ala na lang bi-gla ang kap-atid ko. Naging itim ang paligid ko at ta-nging boses mo lang ang naririnig ko."

Salamat sa diyos at narinig niya ko. Salamat kasi hindi niya pa kinuha si kuya. Salamat dahil kahit papaano hindi niya siya pinabayaan.
Niyakap ko ng mahigpit si kuya dahil hindi na ako makapagsalita ng maayos.
Pinili na lamang naming tumahimik at hayaang kusang humupa ang sakit na nararamdaman namin.

Sana matapos na ang lahat ng ito.. Sana sa bawat patak ng luha namin mawala na rin ang sakit. Sana sa bawat pighati na ito kasiyahan ang kapalit. Sana sa muling pagpatak ng mga luha ay kagalakan na ang maging sanhi. Pero lahat ng ito hanggang sana lamang.Walang nakakaalam kung may pag asa pang magkatotoo o wala na talaga.
-----
Itutuloy...
HAPPY READING!!!!
THANKS PO!!!
Sorry po sa mali..
Enjoy po!!!

THE LAST TEARS(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon