CHAPTER 3

5.4K 101 1
                                    

"Ms.okey ka lang ba?"
Eh siraulo pala to eh, kelan pa naging okey ang taong umiiyak?

"Kapag ba nalaman mo na may cancer ka magiging okey ka ha!" Bulyaw ko sakanya.

"Hahahaha. Okey lang yan Miss. Here you can use my towel."
Ang lakas ng loob niyang tawana ako eh hindi niya naman alam kung gaano kasakit para sa akin ang mga nalaman ko, at saka bakit towel ang ibinigay nito? Di ba dapat panyo?Anak ng throw pillow tong lalaking to.

"Anong okey doon? Okey lang mamatay ha? Kahit anong oras pwede kang mawala sa mundo ng wala manlang kalaban laban?!"
Bulyaw ko sa kanya.

"Mabuti ka nga cancer lang ang sa iyo, may panahon ka pa para mabuhay sa mundong ito, magawa iyong mga bagay na pwede mo pang magawa. You have a chance to fulfill your dreams kahit sa kaunting panahon lang. Yung iba nga dyan wala ng oras para mabuhay, kahit makapagpaalam nga lang sa mahal nila sa buhay hindi nila nagawa tapos ikaw nagmumukmok ka dyan na parang mamaya lang wala ka na sa mundong ito."
Tama siya, hindi pa naman ganoong kalala ang sakit ko, kaya ko pa namang maglakad, pumasok sa school, kaya ko pang mabuhay ng normal. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko.

Dahil sa hindi naman ako sumagot sa kanya, itinuloy na lamang niya ang sinasabi niya.

"Yung ibang tao riyan lumalaban sila para mabuhay. Para maranasan nila iyong mga bagay na kahit kailan hindi nila naranasan. Lumalaban sila kasi ayaw nilang maiwang nag-iisa iyong mga mahal nila. Lumalaban sila para ipakita na kahit may sakit sila kaya nilang maging normal na tao. Umaasa sila na darating ang panahon na iyong sakit nila mawawala na lang at magiging normal na ang buhay nila."
Halos paos niyang sabi sa akin.

"Paano ako lalaban kung sa una pa lamang ay alam ko na sa sarili ko na talo na ko. Na darating yung araw na lahat ng pinaglalaban ko mauuwi lang sa wala."

"Paano mo malalaman ang resulta kung hindi mo susubukan? Wala namang masamang sumubok."
Hay bakit ba lahat ng sinasabi niya tama, lahat may point. Sino ba itong taong to na daig pa ang konsenya kung makakonsensya.

"Salamat kuya..?"

"Genesis Alexander Cross"
Ang gwapo ng pangalan niya. Okey lang naman lumandi diba? Hindi naman masamang humanga sa isang tao and besides malabong makita ko pang muli ang taong ito sa dami ng pasyente dito.

Hay sayang naman kung hindi ko man lang mararanasang mainlove bago pa man ako mawala sa mundong ito.
"Kuya Gen.Ano palang ginagawa mo dito?"

"Ako simple lang,nandito ako para lumaban din."

"Lumaban sa?"

"Lumalaban ako sa bagay na walang kasiguraduhan kung mananalo ako o hindi."

"Do you mean your sick too?"

"Sabihin na nating ganon nga. May --------"

-----------
Itutuloy....
HAPPY READING!!!
THANKS PO!!!
Sana po naenjoy niyo.^_^

THE LAST TEARS(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon