Chapter 3

12.9K 104 0
                                    

Pagpasok ko sa school, may dalawang kumapit agad sa parehong arms ko. Mga unggoy?!

"Jennie! Namiss kita!"

"Ako din Jennie babes! Hahaha!"

Pagtingin ko, ang dalawang kaibigan ko. Ang dadalawang kaibigan ko.

"Para kayong unggoy." sabi ko lang.

"Waah? Ganyan lang bati mo samin? Wala man lang special chuchu ekek? Ganyanan na Jennie ha!" sabi sakin ni Paul.

"Ha?" parang wala sa mundong reply ko sa sinabi niya.

"Earth to Jennie? Anyare sayo?" Tanong naman sakin ni Anne.

"Wala naman. Ano, nag-enjoy ba kayong dalawa sa Baguio?" tanong ko.

"Anong nag-enjoy!" binatukan ako ni Paul. "Pinahirapan kami ng judges sa mga tanong nila!"

"Pero nanalo kayo?"

"First place." sagot ni Anne.

"Edi champions kayo?" tanong ko ulit.

"Gaga!" Binatukan ulit ako ni Paul. "First placers nga, paano naging champions?!"

"Nakakadalawa ka na ha! 200,000 brain cells na pinatay mo!" sigaw ko sakanya habang hawak yung ulo ko.

"Whatever iskempertush chubachuchu Jennie! Kahit nung hindi pa kita binabatukan nawala na ata brain cells mo eh!" Pinalo ko ang arm niya.

Papasok na sana kami ng classroom namin ng inintriga na naman ako ng dalawa.

"Hoy babae. How truelalu na sumakay ka daw sa sexy big bike ni Evan G?!" sabi ni Paul.

"San niyo nakuha yan?"

This time si Anne ang binatukan ako. "Sagutin mo nalang yung tanong!"

"Oo. Totoo yun. Tutor niya ako." sagot ko in defeat.

"Oh my g! Di nga girl?" pagcoconfirm pa ni Paul.

"Magtatanong kayo tapos di kayo maniniwala! Besides, dapat kayo yun! I even volunteered you both to Mrs. Carpio!"

"What! At bakit hindi ako ang pinili?" Sigaw pa ulit ni Paul.

"Paulie, tumigil ka." suway naman sakanya ni Anne.

"So, ili-link na ba namin kayo, Jennie babes?" tanong ng interrogator kong si Paul.

Tinignan ko siya gamit ang isang weird look.

"Gusto mo ba Paul na yang nguso mo eh malink sa sahig?" sabay turo ko sa marble floor na meron ang school namin.

Nag-act siya ng 'sealed lips' at kunwaring zinipper ang mga labi.

"Good," sabi ko. "tara na sa room?" Nauna na ko saka sila sumunod.

"Silencio!" Sigaw agad ni Paul sa mga kaklase naming nag-iingay. Lahat, pati kami ni Anne, napatingin sakanya.

"De, trip lang yun. Daldal lang dali," pahabol niya.

"Akala ko bagong buhay ka na, Paul." Umiling si Anne sakanya.

"In your dreams, Anne. In your wildest dreams."

Isang madaldal na lalaki at super tahimik na babae. Yeah, sila lang ang kaibigan ko. Well, if I should include Evan, too, edi tatlo narin sila kahit papano.

As if naman may gusto pang makipagkaibigan sakin.

At as if on cue, dumating ang nag-iisang taong walang habas kung mambully sakin.

"Musta, Princess? Heard na sumakay ka daw sa motor ni Evan kahapon ah?" Ginulo ng lalaking nasa harap ko ang buhok kong maayos. "Ganito siguro buhok mo nung time na yun, ano?" saka siya tumawa.

Narealize niyang siya lang ang natawa sa ginawa niya kaya tumingin siya sakin ng masama bago umupo sa pinakadulo.

Jennie - 1

Gorilla - 0

"Jen," tawag sakin ni Anne.

I looked at my left.

"Oh?"

"I swear, he likes you. He likes you a lot. Ganyan ang mga lalaki when it comes to the girls they like, tapos the fact na alam niya yung Evan thing, nagseselos yan."

Naramdaman kong lumaki ang mga mata ko.

"Kelan ka pa nagkaroon ng mahabang sinabi, Anne?!" Gulat na gulat kong sabi.

"Yun lang ba napansin mo?" Inikot niya ang mata niya.

"I heard you alright," tumango ako. "Pero what you said is impossible."

Drake Nueva? Mortal enemy at bully? May gusto sakin?

No, thanks.

TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon