Chapter 5

5.4K 74 19
                                    

"I'm assuming na isa ka sa mga hindi nagpa-pay attention sa kung sino ang top ranking student sa Eclairs, tama ba?" Tanong sakin ng Ma'am Principal.

"Ah, opo." sagot ko. Kahiya. Hahahaha.

"Hmm. Let's just say kilala mo ang top rank, pero hindi mo lang alam na siya nga iyon."

"Po?" parang nawawala kong tanong.

"Hindi rin ba niya sinabi sayo?" tanong ulit ng Principal. Nililito na niya ako.

"Ma'am, I really have no idea who the rank 1 is." sabi ko sabay iling.

Nagchuckle si Ma'am Principal. "You're funny, Jennie."

I don't get how that is actually funny. Kaasar ha! Malay ko ba kung sino ang rank 1, and hindi naman talaga ina-announce, so hindi narin ako nagbobother alamin.

Lumabas na ako ng Principal's office at dumiretso sa science garden.

"Ang nerd mo talaga, tatambay ka na nga lang sa science garden pa?" Nakarinig ako ng boses sa likod ko.

"Edi the fact that you're here right now with me makes you a nerd as well?"

Narinig kong nagchuckle siya. "Sorry I meddled with your business."

"It's nothing, Drake." I faintly smiled.

Napa-tsk siya. "Yeah, nothing."

Anong problema nito? Pasalamat nga siya hindi ko na siya inaway eh.

"So, kayo ni Evan..." simula niya.

Napatingin ako sakanya saka ko siya tinaasan ng kilay. "Oh?"

"Anong real deal sainyo?"

Wow. All of a sudden may pakialam to sa buhay ko.

"Tutor niya ako," Sabi ko with a no-big-deal tone.

Naramdaman kong nakatingin siya sakin. "Yun lang yun?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Oo?"

"Good."

Okay? "Good?"

"Yes, good." Sabi niya saka siya ngumiti.

Hindi naman ako tanga para hindi makaramdam. Pero ayoko naman mag-assume. Ayaw ko rin mag-overthink pa. This is Drake Nueva, very unpredictable siyang tao. Who knows if interested lang siya sakin for five minutes, or a day?

"I'll be going ahead, Jennie." Paalam niya sakin sabay akbay ng panandalian.

"Sige. Try not to smile too much, baka mapunit mukha mo." Pang-aasar ko.

At namula naman siya.

Ano ba yan. Kung kailan lalo ako nagfofocus sa pag-aaral ko, dun pa ako magkakaroon ng connection sa mga lalake?

Naman oh!

---

TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon