"Jennie, tapos mo na ba reading report mo?" tanong sakin ng katabi ko, si Hannah.
"Ah, oo," sagot ko. "Last month pa."
Tinitigan lang niya ako na para bang naging dalawa ang ulo ko bago siya nag-"weh?"
"Kasi," sabi ko habang inaayos ang laman ng bag ko, "dapat ginagawa mo na yan beforehand." ngumiti ako sakanya saka lumabas ng room namin.
Papunta na ako sa locker ko nang may humablot sakin bigla. Sisigaw na sana ako pero tinakpan niya na mouth ko.
Eto na pa yung part kung saan mahihimatay ako?
Okay, hindi pa.
Now na ba?
Hindi pa rin talaga.
"Shhh Nerd. Tatanungin ko lang sana kung saan at kelan mo ko itu-tutor." may sexy voice na bumulong sakin.
Sexy?! Where did that even come from?!
Saka teka, anong nerd?!
"U-uhh..." Ba't ganito?! Nags-stutter ako eh naiinis dapat ako sakanya!
"Sige."
At iniwan na niya ako mag-isa.
Teka nga, saang kwarto ba niya ako hinila?! Kwarto nga ba to o locker? Ang dilim dilim!
Sumunod na ako sakanya saka ko napansin ang mga masasamang tingin na bumungad sakin paglabas ko. Luh? Ano meron?
Tinignan ko ang pinto ng kwarto at
ANAK NG TINAPA NA KAYAKAP ANG DYARYO NA BINIBILI KO SA PALENGKE.
Galing lang naman kami ng Male Comfort Room.
"GUERRERO! Papatayin kita I swear!"
At ang pagsigaw ko na yun ang nagdala sakin sa capital DETENTION. Well, since detention isn't really detention, let's call it community service.
Paano nalang kung nalaman to ng Ateneo? UP? La Salle?! Hindi na nila ako tatanggapin dahil napunta na ako ng detention.
Kasalanan 'to ni Evan Cole Guerrero.
5:30 PM na. Nasa bahay na ako ng ganitong oras usually.
"Uy nerd," Tawag niya sakin "5 minutes nalang aalis na tayo dito. Alisin mo nga yang irritated look sa mukha mo."
Wow. Tuwing magsasalita ba siya laging ganyan?! Parang robot lang?
"Whatever, Guerrero." sagot ko sabay ikot ng mata. Yeah, ang magandang bagay lang eh kasama ko siya maglinis ng school hallways.
"Di mo bagay magsungit, nerd. Saka may pangalan ako, apelido ko ang Guerrero."
"I'll call you whatever I want to."
Lumipas ang 5 minutes ng sobrang tagal. The longest 5 minutes of my entire life.
"Tara na nerd. Sa bahay niyo, diba?"
"Ah, oo. Isang sakay ng jeep din yun." sagot ko.
"Jeep? Nagji-jeep ka? Sabay ka na sakin." Yaya niya.
Osige, at least makakalibre!
Okay, narealize kong wala pa pala akong proper introduction.
Ang pangalan ko ay Jennie Alcantara. 16 years old at senior na nag-aaral sa Eclairs High. Isa itong high class school at nakapasok ako dito dahil may scholarship ako. Hindi naman kami mahirap, pero hindi rin kami mayaman. My family belongs to the middle class kahit papano. Isa ako sa honor students, rank 5 ako sa overall. At ngayon sasakay na ako sa magarang kotse ni Evan Cole Guerrero!
Pero halos malugmok ako nang makitang isang big bike ang vehicle niya.
"Sakay na. Sayang gas"
"Ah...Eh... Hehehe. Sa jeep nalang ata ako." sabi ko. Hindi ito ang inexpect ko nung pumayag akong sumabay sa kanya.
"Scared, nerd?"
"Ahh. Hindi ah!"
Nag-tsk siya. "Yeah, right."
The next thing I knew, isang kanto away nalang ang bahay namin at oo, napilitan akong sumakay sa bike niya.
At shizniz. Sana makauwi pa ako ng buo at hindi lasog lasog ang katawan.

BINABASA MO ANG
TUTOR
Ficção AdolescenteMinalas nga ba si Jennie dahil siya ang magtututor sa school bad boy na si Evan?