Chapter 4

11.8K 109 23
                                    

"Nakapag-aral ka naman ba kagabi?" Tanong ko kay Evan.

"Ah...had no time to," sagot naman niya.

Paano kami bibilis sa progress niya e wala pa nga siyang napag-aaralan?

"Bakit ka nga ba pinapatutor ni Principal sakin?" I sighed.

"Kasi gaya mo, nasa scholarship ako," ngumiti siya. Konti lang naman. "Shouldn't it take one to know one?"

"You're on a scholarship, too? Ohh. Edi matalino ka pala?" tanong ko habang hinahanap ang page 164 sa Physics book.

"Hindi mo alam?" balik-tanong niya.

"Na alin?"

"Hindi mo nga alam," he confirmed.

"Hindi ko alam ang ano?" na-confuse na ako. Umiling lang siya. Tsh.

Tinuro ko na sakanya ang lesson para maintindihan niya na nang mapansin kong may pasa siya sa mukha at busted ang labi niya.

"Ano nangyari sayo?" tanong ko saka hinawakan yung maga niyang labi.

"Oww. Masakit." sabi niya sabay alis ng kamay ko.

"Ah. Sorry. Ginamot mo na ba yan?"

Tinignan niya lang ako. Saka nag-psh. "Do you care?" Wow. Biglang nagbago yung ugali niya nang ganoon kabilis. Onga naman.

Do I care?

Hindi na ako sumagot. Instead, lumabas ako ng kwarto ko at kumuha ng ice cubes sa ref saka nilagay sa isang pack. Kumuha din ako ng mga anti-inflammatory medicines.

"Oh." tinapat ko sa mukha niya yung cold compress at gamot. "Gamitin mo yan para di na lalo mamaga."

Tinignan niya lang ako.

"Gawin mo na," ulit ko bago ko ilapat yung cold compress sa mukha niya.

~~~

"Alcantara, number 21, kick the ball!" sigaw sakin ng football coach namin. Nasa P.E. class kami ngayon and yes, football for P.E. 

I'm not the most athletic in the class, and sa 4 years ko sa school na ito, hindi pa rin ba yun alam ng mga P.E. teachers?

Mula kagabi mainit ang ulo ko, kaya naman hanggang school nadala ko. Ewan. Distracted na naiinis ako ngayon. Isa pa, bakit ngayon pa natapat ang football?! Bakit hindi nalang ibang sport?!

"Kick the ball, Alcantara, number 21!" Sigaw ulit ni Coach Burn.

Sinipa ko ang football at hindi nag-goal. This is why I think the game sucks.

At magkasama lahat ng seniors ngayon, a total of 54 students.

"Guerrero! 01! Kick!" Guerrero?

Pagtingin ko, walang iba nga kung hindi si Evan. Sinipa niya ng bola at isang perfect goal ang nagawa niya. Gitnang gitna.

Tumabi siya sa kinatatayuan ko.

"Bakit hindi nag-goal sayo?" tanong niya.

"Kelangan pa ba tanungin?! Hindi nga nag-goal diba? Edi hindi! Dapat may rason pa?! Hindi mo ba nakita? Kung tatanungin mo lang yan para lang ipagyabang na yung sayo nag-goal, sana hindi ka na nag-bother!" singhal ko. Ewan ko ba. Mainit ulo ko sa taong to at nagkaroon pa siya ng guts na tanungin ako.

I stomped off from the area at lumapit kina Anne at Paul.

"What was that?" tanong ni Anne saka turo kay Evan.

"Wala yu--"

"LQ ba friend?" singit naman ni Paul.

"Sige pa Paul, dumagdag ka pa ikaw gagamitin kong specimen sa project ko," sabi ko out of inis.

Sakto dumating pa ang isa.

"Anong ginawa sayo ni Guerrero?!" Galit na tanong ni Drake sakin.

"Like you care," I rolled my eyes off him.

"So you think I don't?"

"Duh." sagot ko na tipong sinasabing, 'obvious ba?'

"Tch," rinig ko. "I don't get why I even bothered."

"Well Drake, I don't get it either," sagot ko sakanya. "This is why you always end up in the second rank, you know?"

Hinawakan ni Anne nang mahigpit yung arm ko. "Jennie, enough. That was a low blow."

"You know what, Jennie Alcantara? You're no better." Napatingin ako kay Drake nang sabihin niya yun.

May sasabihin pa sana siya pero inunahan ko na. "You know what, Drake Nueva? I hate you."

At saka na ako umalis.

Dumiretso ako sa music room, kung saan pwede kami magplay ng any instrument. Sinulat ko ang pangalan ko sa Student Attendance List saka lumapit sa drum set.

Hinampas ko lang ng hinampas ang mga drums, kahit wala akong tono na nagagawa. Gusto ko lang i-vent out ang inis ko para naman gumaan loob ko kahit papano.

"Alam mo, you should do that more often,"

Napatigil ako sa paghahampas saka lumingon sa paligid.

"Sa likod mo."

Tumingin ako. "Paul?"

"Di mo ako nabosesan?" tanong niya.

"Nuh-uh," umiling ako. "Nasanay ako na tumitili ka eh."

"Jennie, you okay?" Seryosong tanong niya sa akin.

Am I?

Ngumiti na lang ako. "It's nice having you around, Paul. May daily dose ako of comedy."

Binatukan niya ako. "Comedy talaga?! Hindi man lang happiness?! I hate you Jennie"

"Kidding."

Pero naiinis parin ako. Naiinis ako kay Evan na walang appreciation. Naiinis ako kay Drake na hindi ko ma-spelling. Naiinis ako sa sarili ko.

Kaya I made my mind up.

~~~

"Miss Alcantara, we're starting to notice change already on Mr. Guerrero's performances. And now you quit on being his tutor?"

"Ma'am, I have a personal life din po and I do hope you understand that it's getting bothered by Guerrero and the tutor stuff."

"Ikaw na ang best na naisip namin, Miss Alcantara."

Pero ayoko na maging tutor ni Evan. Tama na ang isang buong linggo na nakakainis siya. Hindi man lang mag-aral on his own. Laging nakadepende sakin.

"But why not let him be taught by the school's rank one po?"

"Hahaha! I'm afraid that's not possible, Miss Alcantara." Natatawang sabi ni Ma'am Principal.

"Why not, Ma'am?"

TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon