MOMOL QUEEN - 07

52.4K 984 83
                                    

[FOLLOW ME ON INSTAGRAM: @iamaivanreigh]



*****

Bahagyang yugyog sa balikat ang nagpagising sa akin pero hindi ko iminulat ang mga mata ko. Inaantok pa ang diwa ko at masarap sa pakiramdam ang makulong sa mga bisig ni Ken.



"Hey sleepyhead, gising na," narinig kong sabi ni Ken.



Umungol lang ako at lalo pang isiniksik ang mukha ko sa leeg niya. He really smells nice. "Five minutes," I murmured against his neck. Kung bampira lang ako, kanina ko siguro nakagat ang leeg ni Ken.



Lumipas ang limang minuto at muli akong ginising ng binata. This time ay hindi na pagyugyog sa balikat ko ang way niya nang panggigising kundi ang pagkiliti sa tagiliran ko. Napasigaw ako nang dutdutin niya ang kaliwang side ko. At ang sigaw kong 'yon ay tuluyang nauwi sa malakas na tawa.



"Bad ka!" nanggigigil na saad ko bago marahang kinagat ang kaliwang balikat niya.



"Ouch!" nakangiting reklamo niya na ngayon ay nakatukod na ang isang siko sa kama at bahagyang nakatagilid sa akin.



Kusang umakyat ang isang kamay ko papunta sa pisngi niya at marahan iyong pinisil-pisil. "Ba't ang gwapo mo?" I asked him out of nowhere. Kinuha naman ng isang kamay niya ang kamay ko na nasa pisngi niya at dinala iyon sa labi niya. He kissed my knuckles before resting it on his pounding chest.



"Bolera ka pala," natatawang saad niya.



Bumangon na 'ko at tuluyang naupo sa kama. "Seryoso ako. Ang gwapo mo talaga. Feeling ko nga hindi makatarungan ang mundo kasi ang gwapo-gwapo mo pa rin kahit bagong gising tayo. Samantalang ako, sigurado akong mukha akong bruha ngayon," sabi ko pa na wala sa sariling napahawak sa magulong buhok ko.



This time ay si Ken naman ang humaplos sa pisngi ko. "Ngayon ko lang nalaman na magaganda pala ang mga bruhang bagong gising," he said. Nakita ko ang genuine appreciation sa mga mata niya nang sabihin ang mga katagang iyon kaya hindi maiwasang kiligin ng puso ko.



May sasabihin pa sana ako pero biglang may kumatok sa pinto namin. "Guys, bangon na! Lalamig na ang pagkain!" It was Hyori.



"Kanina pa nila tayo ginigising. Ang tagal mong magising, eh," natatawang saad ni Ken.



Sa halip na sagutin siya ay umusog ako sa kanya at ipinulupot ko ang dalawa kong kamay sa leeg niya-as if it was the most natural thing to do on earth. Hindi naman ako nabigo dahil mayamaya lang ay naramdaman kong gumanti rin ng yakap sa akin si Ken.

Keira, The Momol Queen [RATED SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon