MOMOL QUEEN - 08

50K 887 62
                                    



Pagdating namin sa dagat ay mabilis na naglunoy ang mag jowang Hyori at Kenzo. Samantalang kumalas naman ako sa pagkakaakbay ni Ken at nagtatakbo palayo sa kanya. And of course, the good looking guy after me. Nang malapit na niya 'kong maabutan ay sinipa ko ang tubig dagat na tumama naman sa mukha at dibdib niya.



Tawa ako nang tawa dahil panay ang ilag ni Ken habang patuloy naman ang pagbasa ko sa kanya. Pero ang tawa kong 'yon ay nauwi sa malakas na tili nang tuluyang makalapit sa akin si Ken at hinaklit ako sa bewang bago kami nagpaikot-ikot na para bang nasa eksena kami ng isang music video.



Hindi pa nakuntento ay pinangko niya 'ko at saka naglakad papunta sa medyo malalim na parte ng dagat bago ako basta na lang na binitawan sa tubig. Nang makatayo ay nakita kong halos mag-isang linya na lang ang mga mata niya dahil sa kakatawa. Sinabuyan ko siya ng tubig bago ako lumangoy palayo sa kanya.



Pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay naabutan na niya ako't ngayon nga ay nakapulupot na naman ang mga kamay niya sa bewang ko. Bahagya na lang sumasayad ang mga paa ko sa buhangin dahil may kalaliman na ang kinaroroonan namin.



Itinaas ko ang dalawa kong kamay papunta sa leeg niya at saka nakipagtitigan sa kanya. Hindi namin alintana ang init ng araw at ang ibang mga taong nasa paligid namin. Mas lalo niya 'kong hinigit palapit sa katawan niya habang mas lalo naman akong nangunyapit sa leeg niya kasabay ng pagpulupot ng dalawa kong paa sa bewang niya.



Dahil sa sobrang panggigigil ko sa kagwapuhan ni Ken ay hindi ko mapigilang hagkan ang ilong niya, pisngi, tainga at pababa sa leeg. I gently sucked his neck leaving a red spot on it.



Naramdaman ko namang bahagyang tinampal ni Ken ang puwit ko matapos kong sipsipin ang leeg niya na para bang isa kong bampira. "Bawal maglagay ng chikinini, uyyy," natatawang saad niya na ikinatawa ko rin.



"Ganti ka na lang para fair," sabi ko sa kanya na iniumang ang leeg ko.



I saw fire burning in Ken's eyes because of what I've said. Pero sa huli ay nagpasya siyang magpakahinahon at kalmahin ang sarili bago bumulong sa akin ng, "Mamaya na 'ko gaganti," he said in a sexy voice. And damn, it thrilled me so much. Ngayon lang yata naging exciting ang konsepto ng paghihiganti.



Ilang minuto pa kaming naglunoy sa dagat bago ako nagyayang umahon dahil natatakot akong baka masyado naman kaming mangitim. Pagbalik namin sa cottage namin ay nagkayayaang uminom.



Well, ano pa nga ba ang magandang gawin sa mga ganitong okasyon aside sa uminom? Bumili ng isang case ng beer sina Ken at Kenzo habang nilinis naman namin ni Hyori ang table sa may nipa hut dahil hindi nilinis ng mga huling kumain ang lamesa.

Keira, The Momol Queen [RATED SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon