MOMOL QUEEN - 19

34.1K 559 134
                                    

[Yung kiss nina Dylan at Keira sa chapter 18, may continuation pa 'yon. Pero sa book version niyo na mababasa. So ngayon pa lang ipon-ipon na kasi ipa-publish na rin 'to next year. Haha.]



Nagre-retouch ako sa upuan ko nang mag-vibrate ang phone ko na nasa ibabaw lang ng arm chair ko. Napangiti ako nang mabasa ko ang text ni Dylan. Will wait for you in my room, ayon sa text niya.



After Dylan's birthday, parang bumalik ang lahat sa normal sa pagitan naming dalawa. Hindi na siya muling 'nag-disappear' at gabi-gabi ay madalas na tumatambay kami sa kwarto. Just cuddling and kissing while watching our favorite movie together. With Dylan around, kahit papaano'y naiibsan ang pagka-miss ko kay Ken.



Speaking of which, hindi pa rin siya nagpaparamdam. Ni text o tawag, wala. And today, I'm not going to expect anymore that he'd call or text me. I came to realize that maybe he's not really interested in me. Maybe what we had in Batangas was just a short-lived romance. Oh, scratch that. There's no even romance in that. Tumigil ka sa pag-iilusyon mo, Keira, sabi ng isang bahagi ng isip ko.



For all I know, baka busy na si Ken ngayon sa ibang mga babae niya. Sa gwapo niyang 'yon, malabo nga namang mag stick siya sa isang babae lang. Faces like that has surely lots of reserv-



Naputol ang paglalakbay ng utak ko habang naglalakad ako papunta sa gate nang makita ko ang lalaking nakatayo sa labas ng gate-si Ken. Nakangiti siya habang may dalawang heart-shaped balloons na nakatali sa bag niya. Naka-school uniform pa siya at halatang kakagaling lang din ng school.



Parang biglang namintig ang mga paa ko at parang biglang naging mahirap ang humakbang habang pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko. Nakasuot pa ng uniform si Ken at aware ako na maraming mga estudyanteng babae ang napapatingin sa kanya-a good looking guy with heart-shaped balloons.



"Hi," nakangiti pa ring bati niya sa 'kin nang sa wakas ay tumapat na 'ko sa kanya. Still sinfully handsome with a disarming smile. Why you gotta be so cute, Ken?



"Naligaw ka yata?" sabi ko sa kanya na nakataas ang kilay. Ayokong ipahalatang masaya ako na finally ay nasa harap ko na ulit siya. Kahit kanina lang ay iniisip ko nang maybe I don't mean anything to him at all.



"Contrary to that, I am not. Dito talaga ang punta ko. At ikaw ang sadya ko," aniya bago tinanggal sa pagkakabuhol ang balloons na nasa bag niya at saka inabot sa 'kin. "For you."



Tinanggap ko naman ang balloons at ilang segundo ko rin 'yong tinitigan. "Bakit dalawa lang?" This should be three. Kulang ang 'I Love You' kung dalawa lang. So, asan ang isa pa?



"Dalawa lang naman talaga 'yan kasi tig-isa lang naman tayo ng puso, 'di ba? That's your heart, and the other one mine of course. Kaya iingatan mo 'yan," metaphorical na sagot ni Ken na nagpataba naman ng puso ko. So this mean na hawak ko na ang puso niya? Oh God, I need air!

Keira, The Momol Queen [RATED SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon