MOMOL QUEEN - 25

31.1K 725 95
                                    

SAM'S P.O.V.




Malapit nang mag alas-dose pero wala pa rin si Ken. Kanina pa ako nakasalampak sa tabi ng pinto ng condo unit niya at ilang saglit na lang ay babagsak na ang mga mata ko dahil sa sobrang antok. Kaninang ten pa 'ko nandito na at naghihintay sa kanya. Kapag twelve-thirty at wala pa rin siya ay uuwi na lang ako. O baka dumiretso na lang ako ng airport.




Nasaan ka na ba, Kenneth? piping usal ko sa sarili habang tinatapik-tapik ko ang bag na nasa tabi ko.




Pero twelve-thirty na ay wala pa rin siya. Last five minutes, huling tawad ko pa sa sarili ko. Pero nang mag a-ala una na ay tumayo na ako mula sa pagkakasalampak sa malamig na sahig at bitbit ang bag ko ay tinungo ko ang elevator. Hinintay kong umakyat iyon sa floor kung saan naroon ang condo ni Kenneth.




Pero ganoon na lang ang pagkagulat ko nang pagbukas ng elevator ay nakita ko si Ken na nakapikit habang nakasandal sa dingding ng elevator na gawa sa salamin. Namumula ang mukha niya at tila lasing. Pinigilan ko ang elevator na sumara ulit at mabilis na hinila si Kenneth palabas.




Lasing nga, sabi ko sa sarili ko nang maamoy kong amoy alak siya. Sa laki ni Kenneth ay kailangan kong ipunin lahat ng lakas ko para lang makarating kami sa tapat ng unit niya.




"Hoy, nandito na tayo. Nasaan ang susi?" tanong ko kay Kenneth na nakapikit pa rin at bahagyang nakanguyngoy sa balikat ko. Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya kaya kinapa ko na lang ang bulsa sa likod ng pantalon niya. Wala.




Inayos ko ang pagkakayapos sa kanya habang kulang na lang ay magtama ang mga mukha namin. Ba't ba kasi nagpakalasing ang isang 'to? tanong ko habang kinakapa ko naman ang bulsa niya sa harapan. Gotcha! sigaw ko sa isip ko nang makapa ko ang susi ng condo unit niya. Pero ingat na ingat ang kamay ko dahil isang pagkakamali ko lang ay mahahawakan ko na ang hindi dapat hawakan.




Isinuksok ko na sa keyhole ang hawak na susi at muling inalalayan si Kenneth na makapasok ng sala. At dahil hindi na kaya ng powers ko, sa sofa ko na lang siya pinahiga. He's so heavy. Kumusta naman ang pagkaliit-liit kong katawan?




Inayos ko ang pagkakahiga ni Kenneth at tinanggal ang mga sapatos niya sa paa. Lampshade lang ang binuksan kong ilaw kaya naman napaka-romantic ng loob ng unit ni Kenneth. Dahan-dahan akong lumuhod sa harap ng mukha ni Kenneth at tahimik na pinagmasdan ang gwapo niyang mukha.




Even at sleep, Kenneth can still make my heart skip a beat. It was a thing that only Kenneth can do to me.



Itinaas ko ang isang kamay ko at dahan-dahan ko iyong ihinaplos sa maamo niyang mukha. I traced the contour of his face, nose and even his lips. It was pure torture on my part. Inalis ko lang ang palad ko sa mukha ni Kenneth nang bahagya siyang kumilos at umungol. Kahit pag-ungol niya ay musika sa pandinig ko.



Keira, The Momol Queen [RATED SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon