Andrea's POV;
11am na pala. Nagising ako dahil sa sinag ng araw dito sa kwarto ko.
Tinanghali ako ng gising. Kami kasi ng barkada ni Charles yung nagbantay sa kanya kagabi.
Pinagpahinga na muna namin si Tita Alice mommy ni Charles. Ilang gabi na rin kasi siyang nagbabantay sa walang malay niyang anak hanggang ngayon.
Pang-apat na araw na hindi siya nagigising. I'm starting to worry. Limang araw lang ang taning ng doktor. Makina na lang yung bumubuhay sa kanya. Mamayang gabi kapag wala pa ding nagbago tuluyan ng aalisin ang mga aparato sa katawan niya. Pero alam kong lumalaban siya para mabuhay....
Dinalaw na rin nila mom si Charles nung nabalitaan ang nangyari. Buti nagkaoras ito, nagoffer din siya na siya na ang nagbabayad sa mga gagastusin ni Charles sa hospital ngunit tinanggihan ito ni Tita Alice at Ate Charice ang kapatid ni Charles,p,
Hayy. Makapag bruch na na muna nga. (breakfast-lunch) kasi nga 11am na. Alanganin na. Nag toothbrush at nagpalit muna ko bago bumaba.
"Nak, may naghahanap sayo." Sabi ni nay Rosie pagkababa ko ng hagdan.
"Sino po nay?" tanong ko naman.
"Yung mommy yata nung Charles nak. Nandun siya sa sala naghihintay."
Kinabahan ako bigla. Ano kaya ang problema?
"Ah-h sige po nay puntahan ko muna siya."
Mabilis na kong pumunta sa sala.
"Ayy tita kanina pa po ba kayo? Pasensya na po kakagising ko lang." agad ko naman bati kay tita Alice.
"Hindi iha, medyo kakadating ko lang din."
"Napadalaw po kayo tita. May problema po ba?"
"Charles is AWAKE."
O_____O
Omygad! Napanganga at namilog ang mga mata ko sa sobrang pagkabigla. Hindi agad ako nakapagsalita.
PROCESSING......
PROCESSING.......
"Gising na po si Charles??" Hindi ko pa rin makapaniwalang tanong baka mamaya namali lang ako ng rinig.
"Yes iha. He's awake. "pagsisigurado nito.
Thank God! Naiiyak na ko. Tears of joy!
"The bad thing is...
WALA SIYANG MAALALA...."
"Wala siyang maalala."
"Wala siyang maalala."
"Wala siyang maalala."
Paulit ulit kong plinay sa utak ko ang sinabi ni tita Alice. WALA SIYANG MAALALA?
"Paano po tita nangyari yun?" gulat na gulat ko nanamang tanong.
"Una pa lang sinabihan na ko ng doktor na kung sakali mang magising ang anak ko, malaki ang posibilidad na magkaroon ito ng Amnesia. Hindi ko na lang muna sinabi sa inyo para di kayo masyadong mag-alala. Tulad ng sabi niya malakas ang pagkakatama niya sa ulo na naging rason para makalimutan niya ang lahat ng ala-ala niya."
Hindi agad ako nakapagsalita. INFORMATION OVERLOAD!
"Dumating na nga din pala kaninang umaga daddy ni Charles. Kaso may problema tayo." taimtim lang akong nakikinig sa bawat sinasabi ni tita.
Flashback.....
AN/ (POV to ni Tita Alice wag mamalito readers.)
Finally, my son is awake! My unico is awake! Masayang masaya kaming lahat. Nandito din ang barkada ni Charles. Pati na rin si Charice nandito.
Pero nalungkot kaming lahat nung nalaman namin na walang maalala ang anak ko.
Bigla namang may kumatok sa kwarto. Si George pala. Ang asawa ko kakadating lang niya from US. Nagulat din ako. I didnt expect na uuwi siya.
"Oh? Mukhang nagulat ko pa kayo. Iniwan ko muna ang business para madalaw ang anak ko." sambit nito.
Nagulat din siya ng makitang gising na si Charles kwinento naman namin sa kanya ang nangyari. Nagulat din siya noong nalaman niyang walang maalala ang anak namin.
"Bakit nga pala wala ang girlfriend nitong si Miguel?" miguel ang tawag niya kay Charles. Ang second name nito.
Nagulat naman kami bigla ng nabanggit niya ang tungkol sa "GIRLFRIEND" nito.
"I have a girlfriend?" clueless na tanong ni Charles.
Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ng asawa ko. Hindi pa niya kasi alam ang nangyaring pagiwan ni Lois kay Charles. Ito din talaga ang tunay na dahilan kung bakit nasagasaan si Charles dahil hinabol niya ito papunta sa Airport para pigilan sa flight nito. Sobrang awang awa ako sa nangyari sa anak ko.
"A-ahh oo! Si Andrea. Si Andrea ang girlfriend mo." nagulat silang lahat sa sinabi ko. Automatic lahat silang napatingin sa direksyon ko. Maski ako ay nagulat sa sinabi kong iyon.
Wala na kasi kong maisip na dahilan. Ayokong malaman niya ang masakit na nangyari sa nakaraan niya bago siya nawalan ng ala-ala. Kinausap ko naman agad silang lahat ng hindi naririnig ni Charles.. Ang sumang-ayon sila sa naging plano ko.
This is all for my son's sake.
End of Alice POV.
**
Andrea's POV.
"So you'll pretend that you are his girlfriend." wala na kong magagawa. Papayag na ko. Ito na lang siguro ang pambawi ko sa lahat ng nangyari. Ang gagawin kong ito ay ang magiging kabayaran sa pagkawala ng ala-ala niya.
Naiintindihan ko si tita Alice..
"Yes tita. I will." I stated.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Short UD I think? But full of information right? :)) Sino na naeexcite sa mga susunod na mangyayari? Matagal din akong hindi nag update dito. Sinipag lang akong magsulat kagabi. Na edit ko na din yung 1-4 chapters para gumanda. Haha! Inabot din ako ng 12am. :))
Vote!
Comment!
Become a fan!