Andrea's POV:
"Why you took so long Andrea?" nagtataka niyang tanong pagkadating ko.
Magiisang linggo ng nagpapahinga si Charles dito sa bahay nila. Isang linggo na rin akong nagpapanggap maging girlfriend niya. Dyahe! Ang hirap pa lang magpanggap. Araw-araw akong bumibisita dito para puntahan ang boyfriend ko DAW. Wala na kong magagawa, papanindigan ko na. Geeezzz!
"Traffic." . Tumabi na ko sa kanya na kasalukuyang siyang nasa sopa at nanunuod ng T.V.
"Hayy. Ang boring nga ehh." naginat siya then inakbayan ako. Nagulat naman ako. Di ako sanay sa ganito. Anobayan! -.-
"Oo nga ehh." Sabi ko na lang.
So far, so good. Sa isang linggo ko siyang nakasama okay naman. Harmless naman tong si Charles. Hehehe! Mabait naman siya.
"Ganito din ba tayo dati?" bigla niyang tanong. Nagulat naman ako. Biglang nanlamig kamay ko sa tanong niya. Hindi ko alam isasagot ko.
"Hmm. O-o.. Kung m-insan kapag bored ka, pumupunta tayong mall tapos.. Tapos.. Ayun nga n-anunuod din tayo ng movie. Hehe." UGH! I'm not good at lying. -.-
"We should go to the mall."
"Hindi. Wag na. Magpahinga ka na lang muna siguro dito sa bahay. Kalalabas mo pa lang sa hospital Charles."
Bigla naman siyang nagpout. Why he's so cute when pouting? Aish.
"But... I just want to remember the memories we had before.. Seriously Andrea, I want to remember everything. And I need you for that."
And my heart beats faster than the ussual. Kinakain ako ng konsensya ko. Nagkikita ko yung willingness niyang makaalala sa bawat salitang sinasabi niya.
Oh geez! This is killing me. -.-
"O--kay. Umalis tayo pero magpaalam ka muna sa mommy mo."
"Thankyou Andrea. Just wait. I will tell mom that We're going to have a date." then he wink at me.
GHAAAAAAAD! Ano ba tong pinasok kong gulo? *sigh*
Paikot ikot lang ako sa bahay nila habang hinihintay ko si Charles. For sure naman papayagan siya ng mommy niya. What I'm going to do? Wala akong alam sa nakaraan niya. Paano ko siya matutulungan? I think I need some help.
***
At the mall
"Vinn!!!! Tara dun sa Arcade. Josh, Charles, Andrea tara!" Tawag ni Steve na parang ngayon lang makapuntang mall..
Yeah. You read it right. Kasama namin sila ngayon.
"Ingay." Sabi nitong katabi ko.
"Diba gusto mo namang makaalala? So eto tinutulungan ka namin makaalala."
"I thought this is our date" kamot niya sa ulo.
"Haynako Charles. Look, 1 week na tayong magkasama. Kailangan mo din makapag bonding sa kanila."
"Sino pinaka-close ko sa kanila?" inosente niyang tanong.
"Si Vin pare." singit nitong si Josh. Thank you Josh!! Hindi ko talaga alam isasagot ko sa kanya ehh. That's why sinama ko sila dito. Kasi wala talaga kong alam kay Charles.
"Tara sunod na tayo kay Steve." bigla naman niyang sabi sabay hawak sa kamay ko. Ugh. May kuryente nanamang dumadaloy sa veins ko. Masasanay ka din Andrea. Kalma lang. KALMA.
Una naming pinuntahan yung Basketball sa Arcade. Paramihan ng score! Ano pa bang aasahan ko? All boys tong kasama ko. Pinagtitinginan na nga kami ehh. Bakit kasi ang gwagwapo ng mga ito? Feeling ko tuloy kasama ko yung F4. Yung sa Meteor Garden ba yun? Tapos ako yung babae dun. Hihi