Chapter 4:

42 4 1
                                    

"Nandito na pala kayo mga iha. Pumasok kayo" Bati sa amin ni Mrs. Anderson

Naupo naman kami ni Candice sa bakanteng upuan. Hindi namin inaasahan na madami palang bisita ang dadatnan namin sa kwarto nung Charles. Bigla tuloy akong nahiya.

"Ahh. Iha, mga kaibigan nga pala ni Charles. Pumunta agad sila dito ng mabalitaan ang nangyari sa anak ko. " Sabi ulit ni Mrs. Anderson ng mapansin na tahimik lang kami ni Candice.

"Wag kayong mahiya, hindi naman kami nangagain. Hehe." biglang sabi nung isang lalaki na singkit "Vin nga pala." pakilala nito.

Agad naman kaming nagpakilala pabalik ni Candice.

"Yo Josh here! " pakilala pa nung isa.

"Ako naman si Steve, pinakagwapo sa kanila. Haha joke lang!" makulit na sabi nito.

"Naghangas ka nanaman pare! Haha!" nagapir naman bigla yung Josh at Vin.

"Nako. Pinagtulungan niyo nanaman ako." Sabi naman nung Steve sabay kamot sa ulo.

"Ang hangin mo kasi bro!" Sabi ulit nung Vin.

"Oo nga." segunda naman nitong Josh.

"Hoy! Wag kayong mga insecure mga pre. Masyado ba kong gwapo kaya nagkakaganyan kayo?"

"ASA KA!" sabay sabi ng dalawang kausap.

Bigla namang nagtawanan ang mga ito. Kami rin hindi na naiwasang matawa ni Candice.

Nagharutan ng nagharutan lang ang mga ito.

"Ahh teka muna. Pwede ko ba muna kayong maiwanan? May bibilin lang ako." sambit ni Mrs. Anderson na natatawa din sa pinaguusapan ng magkakabarkada.

"Sure tita!" Sabay sabay namang sabi ng tatlo.

"Sige Andrea and Candice ha? Sandali lang. May nakalimutan kasi ko kaninang bilhin." sabi ulit niya na tinanguan na lang namin sabay ngiti.

**

Nandito pa rin kami sa hospital. Ang kukulit nung mga kaibigan nung Charles. Nung una nahihiya pa kami ni Candice pero naging komportable na din kami sa kanila.

Mababait naman sila. At ang dami daming kwinekwento tungkol sa kanilang magkakabarkada.

May banda rin pala sila. Hindi maitatagong talented ang mga Ito. Kasing idaran lang din namin sila. Nabanggit din nila na uuwi daw bukas ang ate nung Charles upang dalawin ang iisang kapatid.

Sa nakikita ko sa kanila ayaw nilang malunggkot para sa kaibigan kasi naniniwala silang magigising Ito...

SANA NGA.

SANA....

Buti nga hindi nagalit ang kaibigan nito sakin dahil ako ang dahilan kung bakit nacommatose ang kaibigan nila.

Noong mag-gagabi nagpaalam na rin kami sa kanila na uuwi na. Umuwi na rin ang mga kabigan nito para magpahinga. Babalik na lang kami kinabukasan. Wala pa ring nagbabago sa kalagayan nung Charles. :(

**

Habang pauwi ay dumaan muna kami ni Candice sa Restaurant. Para mag dinner.

Habang hinihintay ang pagkaing in order namin ay hindi ko naiwasang magtanong ulit sa kanila ni James..

"Candice, Hm. K-amusta na nga pala kayo?" bigla kong sabi. Para namang nagulat siya sa sinabi ko.

"Arrange marriage." maikli niyang tugon sa tanong ko.

"Ha? Bakit? Kanino? Pano?" naguguluhan kong tanong.

"Diba natatandaan mo ayaw naman talaga sakin nung Mommy ni James?"

When I was your girl.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon