**
Alas otso na ng gabi noong nakauwi kami.
Dali dali kaming sinalubong ni Nay Rosie.
Kasambahay namin.
Itinuring na namin siyang pangalawang nanay ni Candice.
Laging busy ang mom ko sa trabaho. Workaholic masyado. Doon niya binubuhos ang lahat ng oras niya.
She used to call us anak and we used to call her nay. Simula nga pala noong namatay ang mga magulang nitong si Candice. Dito na namin siya pinatira sa bahay. Namatay ang mga magulang niya sa car accident.
Marami rin namang iniwan na ari-arian dito ang mga magulang niya kaso mas pinili niyang dito na lang siya sa amin. Tutal malaki naman ito kayang kayang tumira ng sampong pamilya.
Nasabi ko na bang bukod saa bestfriend, pinsan ko din itong si Candice? May kapatid siya kaso nasa France ito ngayon para mag-aral ng medesina..
" Ohh mga anak. Welcome back Andrea. Ano nangyari? Bakit ganyan mga mukha niyo? " halatang nag-aalala na din si Nay Rosie.
Nanatili kaming walang imik. Napansin siguro niya na ayaw muna naming magkwento.
Kinuha na lang niya ang mga bagaheng dala-dala ko.
" Kumain muna kayo. " sabi niya ulit.
" Si Mom po ba? " matamlay kong tanong.
" Nasa office pa nak. Baka bukas na daw mauwi madaming daw inaasikaso sa opisina. "
Napabuntong hininga na lang ako.
Bakit hindi pa ko masanay? Mula noong naghiwalay sila ni Dad naging ganyan na siya.
Trabaho dito. Trabaho doon..
Kahit di naman kaylangan bakit trabaho pa din siya ng trabaho? Gaanong yaman pa ba ang gusto niya?
Hindi pa ba sapat ang mga ito? Halos lahat meron na kami.
Hindi ba siya napapagod?
Hindi ko naman kaylangan lahat ng yan. Ang kaylangan ko buong pamilya. :(
Naiinggit ako sa iba...
Kahit mahirap lang sila buo ang mga pamilya nila.
" Bff, huy."
" OW?"
" Kanina pa kaya kita kinakausap dito. Tulala ka na naman. "
" A-ahh. Wala naman may iniisip lang ako."
" Wag ka na muna mag-isip ng kung ano-ano. Magpahinga ka muna. Masyadong marami ng nangyari ngayong araw.."
"Ayy, Oo nga pala nay kumain na po kami kanina." Humarap ako kay nay maiba lang ng usapan.
" Sige nak pahinga na muna kayo. Tila napagod ka sa byahe mo. " Kaya mahal ko si nay e, laging ganyan daig pa si mom.
" Uh- sige po nay akyat na muna po ako. " At ayun umakyat na ko. Kailangan kong maligo para marefresh na din tong utak ko.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dali dali na kong nahiga sa kama ko. Hayyy! Ngayon ko lang naramdaman Ang sobrang pagod.
*tok tok*
Napatingin na lang ako sa kisame ng kwarto ko.
Hayyy. Ang daming nangyari ngayon araw.
"Uh Andrea." nagulat naman ako sa nagsalita.
"Oh Candice andyan ka pala di ko namalayan."
"kumatok ako, di ka nagsalita akala ko naman tulog ka na. Hm. Dami mo din iniisip no?"
"Oo ehh, unexpected kasi mga nangyari ngayon Candice." napabuntong hininga kong sabi.
" Oo nga ehh. Pwede bang tabi tayo? Di kasi ko makatulog sa kwarto ko ehh. Please?" hiling nito.
" Ayy osige. Okay lang. Ano nga pala nangyari sa inyo?" nanghihinayang kong tanong. Tumabi naman siya sakin at nahiha na din.
" Pwede bang bukas na natin pag usapan yan? " hiling ulit ni Candice.
"Mabuti pa nga siguro Itulog na lang muna natin to." Sabi ko naman.
"Goodnight bestfriend."
**
6:00 AM.
Umaga na.. Maaga akong nagising.
Tiningnan ko tong katabi ko tulog na tulog pa.
Napanaginipan ko yung babae. Hay! Ang gulo!
Aishhh. Ewaaaaaaannnnn! Wag ko na lang ngang isipin yon.
Pagkatapos kong maghilamos. Dumiretso ako sa kwarto kung san ako madalas magpunta kapag sinisipag akong magpinta.
Sabi nila may talento daw talaga ako sa pinta. Magaling daw akong gumuhit.
Kaya nga Architecture ang kukuhanin kong kurso.
Pagkatapos ko sa kwarto bumungad agad sakin ang mga larawan na naipinta ko. Napangiti ako ng pilit noong nakita ko ang isang larawan ng masayang pamilya.
Isang buong pamilya.... Walang inintinding problema. Walang away. Isang buong pamilya na sa mga ala-ala ko na lang makikita.
Iniayos ko na ang mga gagamit ko para ipinta ang isang babae na nasa panaginip ko..
**
Pagkalabas namin ng bahay ni Candice para pumunta sa hospital may paparating na sasakyan.
Sasakyan ni Mom... Pagkababa niya ng sasakyan. Wahhhh, halos di kami napansin dahil nakatingin lang siya sa mga papel na hawak niya.
Trabaho na naman. Ano pa ba aasahan ko? -.-
"Mom." tinawag ko siya dahilan para mapatingin siya sa direksyon namin.
"Oh anak. Nakadating ka na pla. Kamusta? San kayo pupunta?" Pagkasabi niya noon binaling niya ulit ang tingin niya sa mga papel na hawak niya.
Wala bang yakap?
Wala bang halik?
Wala bang pananabik?
Napabuntong hininga na lang ako.
"Hospital po. Sige una na po kami si nay na lang po magkwekwento sa inyo. "
At umalis na nga kami. Tinap na lang ni Candice ang balikat ko.
Papunta na kami sa hospital.. Nagdala kami ng prutas para kung sakaling magising na yung Charles.
Sana magising na siya.... baka hindi kayanin ng konsensya ko...
Noong makarating na kami sa Hospital.
*tok tok*
Pagpasok namin...
Woooahhhhhhhhhhhh!! :O
-------------------------------------------------------------------------
A/N: Hanggang dito muna. Vote, comment, like! :)
( Candice on the right side. )
-Kayzelle. ♥