Prologue

287 9 2
                                    

Warning : SPG

------------------------------------------------

Mabilis akong pumasok sa bar kahit may hesitation ako dahil paniguradong marami ng lasing diyan. Bumungad sa akin ang ibat-ibang amoy, which made me cringed. Alcohol, cigarettes and even stinky perfumes. Masakit sa ilong pero tiniis ko.

The music was loud and the people were dancing wildly. Hinanap ng mata ko ang taong pakay ko dito.

I scanned the dance floor. But he was not there. I looked at the tables. But they were empty. Alam kong dito siya pupunta kaya nasisiguro kong nandito lang siya.

Finally, my eyes darted at the bar counter. At hindi ako nabigo dahil nakita kong tahimik siyang umiinom doon. Alone. Again.

Tinalunton ko ang daan patungo sa kinaroroonan niya. Tulala sa baso ng alak sa kanyang harapan.

''Hey...'' mahinang sambit ko nang makalapit ako sa kanya.

Tinapunan niya ako ng tingin pero mabilis din niyang ibinalik ang mata sa alak. Buti pa ang alak pinapansin niya.

''Are you okay? G-gusto mo samahan kita?'' Ngumiti ako kahit hindi naman niya nakikita.

''Hindi ka dapat nagpunta dito. Gabi na at delikado.'' He answered without giving me a glance.

I didn't mind what he said. Umupo ako sa upuang nasa tabi niya at tinawag ng pansin ang bartender. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagsulyap niya sa akin.

''One shot of tequilla, please?'' Ngumiti ako. Kung kaya niyang magpakalasing, pwes kaya ko rin.

''No. Don't give her.'' Sabi niya sa bartender. Napatingin tuloy ako sa kanya at kinunutan ng noo.

''Why?'' Tanong ko.

''Dahil ayaw kitang malasing.''

''Bry...dont worry. Isang shot lang. Hindi ako malalasing. I can take care of my self. Gusto lang kitang samahan.'' I assured him.

''Hindi ko kailangan ng kasama. Gusto kong mapag-isa.'' Aniya at nilagok ang inumin niya.

Sinenyasan ko ang bartender na bigyan pa rin ako. Nilapag niya iyon sa harap ko kasama ang isang hiwa ng lime.

''At anong kasunod? Maglalasing ka hanggang sa di mo na kaya? Paano ka uuwi? Wala tayo sa Pilipinas Bryan. Wala kang ibang kakilala dito.''

Hinawakan ko ang baso ng tequilla at handa ng inumin pero inagaw niya ito at siya na ang uminom. I was stunned.

''I told you not to drink.'' Aniya habang ngumingiwi.

''At ikaw lang ang may karapatang uminom, ganun?'' Tumaas ang kilay ko. Sinenyasan ko ulit ang bartender para bigyan pa ako ng isa. ''Hindi porket broken hearted ka e maglalasing ka na. Hindi alak ang kasagutan sa problema mo. Oo, makakalimutan mo panandalian ang sakit, pero paggising mo, pag wala na ang alak, andun pa rin ang sakit.''

Malungkot siyang ngumisi. Malamlam na ang mata dahil sa tama ng alak. At nasabi ko bang mas hot siya tingnan kapag malumanay na ang features ng mukha niya?

''You are talking like you knew everything.'' He scoffed. Bumaling siya sa akin at nakita ko kung gaano siya kawasak.  ''Minahal ko siya ng sobra! Minahal ko si Kristine ng sobra-sobra! Ako yung nandoon nung wasak na wasak siya! Ginawa ko ang lahat para magustuhan niya ako. But it seemed like it wasn't enough. I wasn't enough!'' Nag-igting ang panga niya. Humigpit ang hawak niya sa baso. ''Damn it! I wasn't enough!''

No, Bry. You are more than enough. Nagkataon lang na maling babae ang inalayan mo ng pag-ibig mo...

''You know nothing!'' Mariin niyang sabi.

Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon