Day 3

70 4 0
                                    


Day 3

Isang lingo na ang nakakraan pero heto ako bitter pa din at kinakaawaan pa din mga taong mukhang tanga. Minsan naiisip ko kung bat may mga taong umaasa kahit na nagmumukha na silang tanga. Sabihin na natin na nagmamahal lang sila pero gasgas na kasi yung excuse iyon eh wala na bang bago? Like duh nagmumukha lang naman silang tanga kung ganun palagi excuse nila kahit naman ako umasa noon at niminsan di ko nagwang maging excuse yung pagmamahal ko sa taong yun.

Nasa loob ako ng coffee shop at maslalong nagiisp kung bat pa kelangan masaktan ang mga taong nagmahal lang naman sila ng tunay. Kagaya na lamang nung katabi kong table. Maybabae dun na mahigit isang oras na naghihintay at umaasa na darating ang taong hinihintay niya pero wala pa rin, pinipigilan niyang umiyak habang ngumingiti. Di niya alam na masnagmumukha siyang tanga sa ginagawa niya.

Iniwas ko na lamang ang tingin ko at pinagmasdan ang lagit. Kanina maaliwalas yung langit pero ngayon sobra na ang dilim. Nakakaasar lang kasi nakikisabay din sa uso ang lagit, paasa din sarap niya lang hampasin ng magising siya sa katotohanan na ang pagiging paasa ay pwedeng magdulot ng sobrang sakit na karanasan charot!

Ininum ko yung kape ko at muntik ko na itong mabuga. Nawala na kasi yung init niya malamig na ito, kasing lamig ng mga pusong naiwan. Nahalintulad ko na din yung kape kanina sa pagmamahal. Mainit sa una at masarap pero habang tumataal lumalamig. Kasing lamig ng turing mo sa Ex mo kasi punyeta bitter ka! Charot uli HAHA

Nilapitan naman ako ng waiter at inabutan ng napkin. Hindi yung napkin na pinapantapal niyo sa ano niyo ah? Hindi yung tampon! Table napkin ang gusto ko sainyo iparating mg a.k.a rainy kong readers!

"Okay lang po kayo ma'am?" tanong niya. Ngumiti na lamang ako napatingin sa katabi kong mesa, nakita ko naman ang ateng niyo na pasimpleng pinupunasan ang luha niya sa mukha.

"Okay lang ako, pero yung katabi kong table hindi" sagot ko, nalilito namang tumingin yung waiter sa katabi kong table. "Siya na lang alukin mo ng tampon este ng table napkin maskailangan niya ngayon 'yan" nakangiti kong sambit sa kanya feeling ko nga may pakpak na ako dahil sa kabaitan ko. "Tapos pakisabi na rin sa kanya na wag masyadong umasa dahil nagmumukha siyang tanga" pagkasabi ko nun umalis na ako sa coffee shop.

Hanga din ako minsan sa mga taong umaasa eh kahit na nagmumukha na silang tanga heto sila nanatiling matatag para lang mapakita nila sa taong mahal nila na kaya nila at hindi sila magkakamali kung sila ang pipiliin ng taong mahal nila. Pero life is like a domino, nahulog ka sa kanya nahulog naman siya sa iba kaya wag ka na mahiya na ipagsigawan sa mundo na umaasa ka dahil madami kayo.

"Aray" bigla na lang ako natapilok ng bongga. Hayan na nga sinasabi ko! Dapat magingat ako kasi hindi sa lahat ng oras maysasalo sakin. Mahirap man tanggapin pero yun ang totoo! Si floor na lang ang pagasa mo! Lumagapak na sa sahig yung pwet ko.

"Sorry miss" pagpapaumanhin ng isang lalaki sa harap ko. Tiningnan ko lamang siya ng masama. Yan nanaman 'yang sorry na yan eh! Magsosorry lang pagnakasakit ka na, di mo man lang naisip na yang sorry mo ay walang magagawa sa sa sakit na naibigay mo sa iba.

Tumayo na ako dahil wala naman atang balak tong lalaki sa harap ko na tulungan ako. Hihintayin niya pa ata na mahalin siya ng taong mahal niya na ni minsan hindi lamang na nageexist pala siya sa mundo. Truth hurts. Bago pa man ako umalis inirapan ko muna siya.

Dahil nga ayoko na mauulit 'yon ay nagfocus na lamang ako sa daan. Ayokong maulit ang pagkafall ko. Habang nakatingin ako sa kawalan bigla ko na lang naisip na maymaganda namang dulot sakit sa atin ang pagmamahal. Dun kasi tayo natuto na bumangon gamit ang sarili nating paa. Dun din tayo natuto na masama ang umasa na todo at maslalong-lalo na ang mag-assume sa isang bagay na mahirap makuha.

Naiirita nga ako dun sa quotes na "Dream high" jusko kaya daming nasasaktan ng bongga kasi sa sobrang taas ng pangarap mo naging imposible na ang pagkamit nito ang masmasakit pa at taas din ng paglalagapakan mo.

Pumasok na ako isang bookstore at naghanap ng magandang libro. Masnaging interesado kasi ako sa libro nung napanood ko yung mga ginawa ni John Green. Pinakapaborito ko sa lahat yung paper town!

Nilingon ko yung magbabarkada na nagtatawanan. Nakita ko naman doon si Ezekiel na nakikitawa din kasama barkada niya. Napansin niya ata na may nakatingin sa kanya kaya napadapo nanaman ang tingin niya sakin. Ngumiti na lamang ako at kumaway sa kanya. Lumapit naman siya sakin.

"You're here" di niya makapaniwalang saad, gusto ko nga sanang sbaihin na 'no I'm not here! I'm their' kaso kasama niya yung barkada niya baka masipa lang nila ako.

Tumango na lamang ako bilang sagot sa tanong niya. Nakasuot siya ng isang faded jeans, adidas shoes at isang 21 shirt! Naks ang yaman ah?

"Ano gwapo ba?" natatawa niyang saad, namula naman ako dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Nakaramdam ako ng para bang lumilipad sa tyan ko.

Napatingin ako sa labas ng window glass. It's raining hard...

Once Upon a Rainy Day [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon