Day 5

58 3 1
                                    



Day 5

Pumunta muna ako sa canteen dahil sobrang nagugutom na ako. Kanina pa akong hindi kumakain kahit lunch hindi ako kumain dahil nga kailangan kong tapusin mga projects and paper works ko. Gumawa pa ako ng report dahil ako ang president ng classroom namin. Yeah top 1 din ako.

Nagorder muna ako ng spag and burger tsaka ako naghanap ng upuan. Dun ako naupo sa parating pwesto ko yung malapit sa wall glass. Kita kasi dito yung garden ng school namin at mas nakakarelax umupo dito. Nagsimula na ako kumain.

Habang nginunguya ko yung pagkain ko napaisip ako ng mga bagay na impobile na mangyare sa buhay ko. Isa na dun ay magkagusto din sakin si Ezekiel. Well sanay na ako. Sinabihan na kasi ako ng Mama ko na hindi lahat ng gusto ng tao ay makukuha mo. Kahit na gawin mo man lahat kung hindi ito para saiyo wala pa rin. Nagsasayang ka lang ng effort. Isa pa ayokong masaktan uli, ayokong lumuha uli dahil sa isang lalaki.

Kaya napagsipan ko rin na huwag ko na lang papapansinin si Ezekiel kung pwede nga ay di na ako lalapit sa kanya o iiwasa ko na la---

"Aeara!" Muntikan na ako mabulunan ng narinig ko boses ni Ezekiel. Kakasabi ko pa lang na di ko siya papansin eh pero bat ba ang kulit mo tadhana?! Gustong gusto mo talaga paglaruan ang mga tao. Nakikisabay ka din sa uso eh.

Kaylangan ko pang tumingala para lang makita siya sa harapan ko. Ang tangkad niya kasi. Nakangiti lang siya sa harapan ko at maydalang tray na maylaman na pagkain. Don't tell me makikishare siya ng table? Nilibot ko ng tingin ang buong cafeteria konti lang naman ang tao, sa katunayan nga mga di kami lalagpas sa sampu ang nandito kumakain.

"Ah hi" naaiilang kong bati sa kanya. Like hello kelangan ko nga siya diba iwasan? Nahuhulog ako sa kanya at ayokong lumagapak uli sa sahig dahil hindi niya ako masasalo.

"Pwedeng share na lang tayo ng table? Kung ayaw mo okay lang naman" nahihiya niyang tanong sakin, nakita niya ata akong tumitingin kanina sa paligid.

"Ah, yeah sure" tumango pa ako bilang sagot. Kahit naman kasi kayo ayaw niyong makita 'yung taong gusto niyo na nasasaktan. Sino namang tanga gusto masaktan mahal nila diba?

Naupo siya sa harapan ko at nagsimula na din siyang kumain. Di ko maiwasan ma-amaze sa itsura niya dahil kahit kumakain siya ay gwapo pa din siya. Alam niyo yun? Parang perfect siya sa paningin ko. Napaiwas ako ng tingin ng bahagya siyang uminum ng tubig.

"So bat ka pala nandito sa cafeteria?" tanong niya. Nangangati na dila ko na sabihin sa kanya na 'malamang kumakain, try mong magbasa ng libro sa caf tas try mo naman kumain sa libray since gusto mo naman magmukhang tanga sa harap ng ibang tao' kaso baka itusok niya sakin yung hawak niyang tinidor kaya 'wag na lang.

"Kumakain, di pa kasi ako kumakain ng lunch and snack" sagot ko at ipinagpatuloy na din ang pagkain ng spag ko. Mukha namang nagulat siya sa sagot ko at nagpalit siya ng expression niya naging worried.

"Oh? Bakit? Dapat kumakain ka sa tamang oras baka mapano ka" nagaalala niyang saad, bigla namang bumilos yung tibok ng puso ko. Kung maysakit lang ata ako sa puso malamang patay na ako ngayon. Patay na patay sa kanya charot lang mga karainy!

"Ah mayginawa pa kasi akong mga paper works then tinapos ko pa yung projects ko" sagot ko uli sa kanya, ngumiti naman siya sakin pero nagaalala pa din itsura niya.

Napatingin naman ako sa labas at nakita kong umaambon nanaman. Maysumpa ba si Ezekiel at parati na alng umuulan pagnagkikita kami? Gusto ko matawa pagnaiisip ko na maybalat sa pwet si Ezekiel kaya ang malas niya kaso baka mawerduhan lang siya sakin.

Natapos na ako kumain kaya napatingin siya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Maygusto ka pang kainin? Libre kita" alok niya, nagulat naman ako dun kasi pangalawa niya na ako malilibre kung ganun diba? Yung una kasi nilibre niya ako nung nasabookstore kami nagkita. Kumain kami sa isang restro and nagsine na din, yaman niya nga eh puro cards laman ng wallet ng koya niyo.

Umiling na lang ako dahil nakakhiya naman kung sabihin ko sa kanya na gusto ko pa ng chocolate shake, pizza, tobleron, macaroni at hotdog. Tapos na din siyang kumain at inalok niya akong ihahatid niya na lang daw ako papuntang classroom. Sinabi ko pa nga sa kanya na 'wag na pero makulit siya eh.

Papasok na ako sa classroom ko ng bigla niyang hinigit ang kamay ko kaya napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin siya sakin tas sa kamay naming then bigla siyang namula. Inalis niya agad ang kamay niya sa pagkakahak sa palapulsuhan ko tsaka kinamot yung batok niya at nagiwas ng tingin. Kinagat niya ang ibabang labi niya at tumingin sakin.

"Bakit?" tanong ko, unti-unti ko na din naririnig ang puso kong unti-unting tumitibok ng malakas. Nilinok ko pa yung laway kong bumabara sa lalamunan ko dahil baka mamatay ako dahil di ko makahinga. Ayoko naman ilagay sa news paper "Aeara ng 'Once Upon a Rainy Day' namatay dahil sa laway na nakabara sa kanyang lalamunan na pumigil sa kanyang paghinga" kadiri naman kung ganun

Tumingin siya sa mata ko kaya napatitig naman ako sa mata niya. Kulay light brown pala ang mata niya at makapal ang kanyang kilay kaya mas lalong dumagdag sa kanyang appeal.

"Pwede bang yayain kitang lumabas bukas?" pagkatanong niya nun ay bigla na lang lumakas ang ulan. Malas nga ata siya.

\

Once Upon a Rainy Day [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon