★Day 8★

53 2 0
                                    

Day 8

Nasa school na agad ako dahil di ako pwedeng malate ngayon. Isa pa naman din ako na napili na kakanta sa isang program. Di na ako tumanggi dahil plus points naman daw yun. Masmabuti na i-grab kesa naman hayaan at least hindi ako magsisi sa huli.

Habang naglalakad ako papunta sa gym di ko maiwasan maalala yung nangyare sa bahay ni Rebeca. Di ko alam ang magiging reaksyon ko nun, nauwi lang sa wala yung pagdadrama ko. Minsan ang tanga ko talaga. Ganun namna pagnagmamahal diba? Nagiging tanga.

Pero di ko pa din matanggap ang katangahan ko. Gusto ko ihampas yung guitar na hawak ko sa sahig ng mawala frustration ko pero baka ihampas din ako ni mama sa sahig paguwi ko. Ngumuwi ako pagnaiisip ko na ihahampas ako ni mama sa sahig.

"Good morning" nakangiting bati sakin ni Cal isa sa mga admirers ko char lang HAHA baklayan mga be assuming ko eh.

"Good morning din" nakangiti kong bati pabalik, napansin kong humina na ang ulan.

"Hoy bakla! May fafa sa likod mo!" nakangiting saad ni Carl tsaka niya nginuso ang taong nasa likod ko. Lumingon naman ako at doon nakita si Ezekiel na naglalakad papalapit samin. Nakabusangot ang mukha nito na para bang pinagbagsakan ng lupa at langit.

"Good morning" bati ko sa kanya pero tumango lamang siya sakin a linagpasan ako. Lumapit agad sakin si Carl tsaka bumulong.

"Ay ang sungit naman ni fafa" nakasimangot niyang saad, bigla naman akong nagulat dahil mayhumila sa kamay ko. Nakita ko si Ezekiel na inis na inis habang hinihila niya ako.

Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero mahigpit ang hawak niya. Napangit ako sa ideya na pumasok sa isip ko nab aka nagseselos siya pero naalala ko masama ang umasa dahil baka masaktanlang ako. Mahirap na.

Huminto kami sa gym at doon ko lang napansin na ang putik na pala ng puti kong medyas. Nanlaki agad ang mata ko dahil baka sabunutan ako ni mama pagnakita niya ito.

"Oh sorry" pagpapaumanhin ng gwapong nilalang na nasa harapan ko, umiling na lamang ako tsaka tumingin sa kanya nakita ko naman na namula siya nung nahuli ko siya na nakatingin sakin.

"Mayproblema ba?" tanong ko dahil sa pagkakalam ko noong nagkita kami ay nagkaayos na kami. No hard feelings pero heto siya ngayon sa harap ko hard I mean galit.

"Wala" malamig naman na usal ni Ezekiel habang iniiiwas ang tingin sakin, ngumiti na lamang ako tsaka umiling ngumuso din ako para maging cute din ako. Wag nga pabebe ako!

"Weh?"

"Wala nga!" namumula namang sagot ni Ezekiel, why so cute?

"Hoy! Ang bilis niyo ah? Iniwan niyo ko" nagtatampong saad ni Carl habang hinihingal.Tumingin naman ditto si Ezekiel at pinaikot ang mga mata, mabuti na lang di 'yon nakita ni Carl dahil baka tumili 'yon wala sa oras.

"Sorry" pagpapaumanhin ko dahil naalala ko ang biglaang paghila ni Ezekiel kaya di ako nakapagpaalam kay Carl.

Tumingin ako kay Ezekiel par asana tanungin kung ano ang problema niya ng bigla naman ako tinaawag ng isa sa mga school officer. Magp-practice na daw ako para sa performance ko ngayon. Tumnago naman ako tsaka sumunod sa kanya.

Pagkatapos ng practice ay nagsimula na kami magbyahe papuntang day care center. Dun gaganapin ang naturang program, para lang naman din sa mga bata ang program na magaganap. Habang nasa van kami ay di ko maiwasan magnakaw ng tingin ditto sa katabi ko. Nakasuot lamang siya ng earphone habang nakapikit ang mata.

Once Upon a Rainy Day [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon